Chapter 32: Her Toys

4.2K 193 25
                                    

“A-ah, Aurora,” Katy called. “’Yong bahay mo…”

“I can clearly see it, Katy.” I cut her off before she could state the obvious. Pare-pareho kaming nakatingin sa aking bahay na tuluyang pinagkaitan ng kulay at buhay. I should have predicted that he will do this.

“Sa palagay mo, sino ang gumawa niyan?” tanong ni Gazelle. I glance at her coldly. Tsk, sino pa nga ba? Damn. That son of a bitch.

“Your Don really knows how to pissed me off,” I said and left them. Naglakad ako patungo sa harap ng aking bahay. I stared at the hard wooden door that turned into a coal and kicked it open. The trapped air inside welcome me. Then, I heard Gazelle and Katy followed.

“Mukhang napakaganda at elegante itong bahay na ‘to dati,” komento ni Gazelle. Tahimik akong sumang-ayon. Bago ko ito nabili, ang dating may-ari ay alaga sa bahay na ito. The house is too big for me too. I just used my money to change some interiors. The location is also perfect for me. I’m not that sentimental, but looking at it slightly pains me. The place served as my sanctuary back then.

Pumasok ako at sumunod lamang sila. Sunog lahat ang aking nakikita.

“So, dito ka nagtago for how many years after leaving the organization?” Tumango lamang ako bilang sagot kay Gazelle. “Pero nata-trace ka nila. Kung ganon ay umpisa pa lamang ay alam na nilang dito ka nakatira.” Mapait akong tumango muli. “Pero bakit ka nila hinayang maging malaya ng ilang taon kung nais talaga niyang maghiganti?”

I stared at her, not sure what to answer. Bakit nga ba? Perhaps, to prolong the agony. To make me look pathetically stupid, thinking I escaped them. Or, it’s just that they settled to reorganize the mafia first after I destroyed their properties then they’ve decided to get back to me. Maraming pwedeng dahilan pero isa lamang ay may alam nito. Bakit pa niya ito pinatagal? Bakit ayaw akong tantanan ng pesteng Devon Henderson na yan!

Sabay kaming napalingon kay Katy ng biglang tumunog ang aparato nito. Agad niya itong kinuha sa kanyang bulsa at napatingin sa amin.

“Teka lang, si Chris tumatawag,” she excused herself and took a few steps away from us.

Hinayaan ko lang siya at tuluyan ng naglakad patungo sa likod ng aking bahay. Hindi ko na muling tinignan ang mga abong nakakalat sa aming paanan, tumbang mga kagamitan at itim na mga muwebles. Ilang pinto pa at napadpad din kami sa aming destinasyon.

“Anong gagawin natin dito?” wika ni Gazelle. Nanatili lamang akong nakatingin sa malawak na lupa at pamilyar na mataas na pader. Sa likod non ay isang tila gubat sa daming nagtataasang puno. Ang malamig na ihip ng hangin ay tila nagbabadya ng ulan. Unti-unti na ring dumidilim ang kalangitin. “I think it will rain any minute now.”

“We need to hurry,” I told her and quickly scan the lawn for a particular metallic handle planted on the ground. Nang mahanap ko ito ay agad akong tumakbo palapit rito. Bagamat may pagtataka sa mukha ni Gazelle ay mabilis itong sumunod sa akin. “Let’s pull this together.” Tumango ito. She counted three and we both pulled the heavy metal door off the ground.

“Ugh, that was heavy!” she said as she breathe deeply.

Sinilip ko ang malaking butas na tinatakpan ng metal na iyon. I hope Clemente Mafia didn’t notice this when they went here. Without second thoughts, I jumped to that hole. Gazelle screamed my name shockingly. I landed perfectly on my feet and just brush off the dirt on my palm.

“Maaari mong gamitin ang hagdan pababa rito,” wika ko sa kanya. Kita ko ang pigura nitong nakasilip. Malamang ay hindi niya ako makita. Maski ako ay walang makita dahil ‘di sapat ang munting liwanag na nakasingaw sa butas.

Pretty but DeadlyWhere stories live. Discover now