dangerous chapter two

812 54 14
                                    


|Helpful Henry|

"W- what?" Mahinahong tanong nya kay Rose.

Nanatili ang takot nya na hindi na ito sumagot sa tanong niya. At isang malaking pagsisisi iyon para sakanya. Ang narinig nya lang na sinabi ni Rose ay 'I'm R---'. Gusto nyang malinawan. Sana lang ay magsalita ulit ito. Dahil para sakanya ay mahalaga ang bawat sasabihin ni Rose. Hindi nya alam kung bakit.

Matagal pa bago sumagot si Rose at umiwas na ito ng tingin sakanya. Siguro nga'y hindi na nito sasagutin ang tanong nya, pero patuloy pa rin syang umaasa, "w-what is it, again?" Tanong nya ulit kay Rose at itinaas ang mga kilay nya naghihintay sa sagot niya. Hiling niya lang ay hindi pa mag-go ang traffic light.

Nakita niyang dahan-dahang ibinukas ni Rose ang bibig nya. At inaabangan nya ang bawat sasabihin nito.

"I'm Rose." Sagot ng babae.

Napabuntong hininga sya sa narinig nya. Sinagot sya ni Rose. At ngayon ay alam nya na din ang pangalan nito. Napangiti sya sa babae na hindi nakatingin sakanya. Natutuwa lang sya na kinausap sya nito.

"Rose. What a beautiful name," ngumiti sya, "well," ibinaba nya ang isang kamay nya para makipag shake hands kay Rose, "I'm Henry." Pag papakilala nya.

Hindi agad pinansin ni Rose iyon. Pero ng sandali, ay dahan dahan syang lumingon at tumingin sa kamay ni Henry. Tinitigan nya iyon. At tumingin din sya sa mukha niya. Ngumiti naman si Henry kay Rose, hinihintay na makipag shake hands sakanya.

Pero iniwasan niya lang iyon. Iniwas nya ang tingin nya kay Henry at tumingin sa bintana sa gilid niya. Agad namang binawi ni Henry ang kamay nya at ipinatong sa manebela.

"It's fine. I know sooner or later you'd like to know me." Sabi nya habang nakatingin sa traffic light at nakangiti.

"Mysterious girl. I like that." Bulong niya. Sinigurado nya na hindi iyon maririnig ni Rose. Tinignan nya ulit si Rose at nakita niyang nakatingin lang ito sa bintana ng kotse nya. Walang kibo at sobrang tahimik.

Hanggang sa nag-go na ang ilaw ng traffic light at dumiretso na sya sa pag d-drive. Nanatiling tahimik sa loob ng kotse nya. Nahihiya din naman syang kausapin si Rose dahil mukhang wala pa ito sa mood. Kaya't hinyaan nya na lang.

Ilang minuto na ang nakalipas ay nakarating na sila sa bahay nya. Ipinark niya ang kotse niya sa garahe at pagkatapos noon ay itinanggal niya na ang seatbelt nya. Nakita nyang walang seatbelt na isinuot sa sarili si Rose.

"Bakit hindi ka nagsuot ng seatbelt, Rose?" Tanong nya.

Tumingin lang ito sakanya. Emotionless.

Parang walang balak itong sumagot kaya't sya na lang ang nag salita, "okay, it's fine. Just next time don't forget to wear seatbelts, huh?" Sabi nya at mabait na ngumiti kay Rose. Umiwas lang ito ng tingin sakanya.

Hinayaan nya nalang iyon at lumabas na ng kotse. Mabilis naman niyang ipinag buksan si Rose ng pintuan. Dahan dahan din namang bumaba si Rose sa kotse at inilalayan sya ni Henry dahil parang nanghihina sya.

Nang makalabas sa kotse ay tumitig si Rose sa paligid. Napangiti naman si Henry, "wanna go inside?" Aya nya. Tumingin si Rose sakanya,

"Let's go? Let's... clean you up. You look mess." Mahinahong sabi nya kay Rose.

Hot mess. Exactly what he wants to say. Pero ayaw nyang matakot ito sakanya kaya't isinara nya nalang ang maingay niyang bibig.

Hinawakan nya si Rose sa likod nito para alalayan. Pero nang matutumba ito ay agad nya itong hinawakan sa braso at ipinatong sa kanyang balikat at hinawakan ng mahigpit sa kamay. Medyo nahihiya sya dahil baka isipin ni Rose na hinihipuan nya ito. Pero nagulat sya ng hayaan ni Rose na hawakan sya nito. At humawak din si Rose sa likod ni Henry para mabalanse ang hawak nila sa isat isa.

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now