dangerous chapter three

740 50 21
                                    


|The Nightmare|

"Okay, Rose. Malapit na tayo." Sabi nya kay Rose nang palapit na sila sa guest room. Nanatili lang syang tahimik habang hawak ni Henry ang likod niya. Hawak niya pa din ang first aid kit sa kabilang kamay. Lilinisin niya nalang ang mga sugat ni Rose pagdating nila sa kwarto nito.

Nang makarating na ay ipinagbuksan ni Henry si Rose ng pintuan. Pagkatapos ay inilalayan niya ito na umupo sa gilid ng kama.

Ipinatong nya ang mga kamay niya sa ibabaw ng hita at tahimik na umupo. Umupo naman si Henry sa harap niya ng parang magpo-propose ang istilo ng posisyon.

"Rose? Um... Lilinasan muna natin yang mga sugat mo bago ka matulog ah? Okay lang ba 'yon sayo?" Tanong nya. Marahan namang itinungo ni Rose ang kanyang ulo kay Henry. Tumungo rin ito at ngumiti kay Rose. Masaya syang tumutugon na kahit papaano si Rose sakanya.

Kinuha nya ang first aid kit sa gilid nya at binuksan iyon.

Kinuha nya din ang bulak sa loob nito at nilagyan iyon ng betadine. Dahan-dahan niya naman tinignan ang paa ni Rose na puno ng sugat. Tinitigan nya iyon. Para syang tumakbo o naglakad ng matagal. Puro ito gasgas.

"Uh... R-Rose? May I?" Tanong nya kay Rose nang hahawakan niya na ang paa nito. Hindi naman ito nagalit at hinayaan niya lang si Henry. Nagpatuloy na si Henry at hinawakan ang isang paa ni Rose. Nilagyan nya ng betadine ang parte na may sugat. Marahan niya itong nilalagyan. Nang iatras ni Rose ng kaunti ang paa nya, ay agad namang nagsorry si Henry,

"Ay! sorry!" Gulat nya. At hinihipan niya iyon para mabawasan ang sakit. Pagkatapos ay tumingin si Henry kay Rose. Nakatitig lang ito sakanya. Nagkatitigan sila sa isat isa.

Please add a smile...

Sabi ng utak niya. Pero hindi ngumingiti si Rose. Nang magtagal ay iniwas ni Rose ang tingin niya kay Henry. Ipinagpatuloy naman ni Henry ang paggamot sa mga paa ni Rose. Sinimulan niya na ding gamutin ang mga pasa sa braso ni nya. Nilagyan nya iyon ng band aid.

Nagtataka pa rin sya kung bakit ang dami nitong pasa at mga sugat. Iniisip nya pa rin kung anong nangyare dito. Pero hindi niya iyon matanong dahil ayaw niyang matakot sakanya si Rose. Gusto niya munang hayaan na ang babae ang magsabi sakanya.

At sa wakas ay natapos na din syang gamutin si Rose. Sinarhan nya ang first aid kit at tumayo.

"Okay na, Rose. Pwede kanang matulog." Sabi niya kay Rose at binigyan niya ng masayang ngiti. Nakatitig lang si Rose sakanya. Walang ka emosyo-emosyon. Tumungo nalang sya at bumuntong hininga, "sige. Um... Punta na ako. Umm... May lampshade dyan, kung ayaw mo ng madilim pwede mong hayaang nakabukas. At kung nasisilaw ka naman ay pwede mo ring patayin. Ikaw na ang bahala, Rose." Banggit nya at nginitian ulit ito.

Tumungo si Rose sakanya at itinaas nya ang mga paa sa taas ng kama. At hinawakan ang mga tuhod niya, at iniyuko ang ulo. She's completely look sad and broken.

Napakagat ng labi si Henry dahil sa nakita niya kay Rose.

Iiwan ko ba sya dito?

Oo?

Wag! Baka mamaya magpakamatay siya! Tignan mo nga?! She's in trauma. Masamang iwan ang may ganyang kalagayan! Tanungin mo nalang siya kung ayos lang ba sya na mag isa matulog!

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now