dangerous chapter fourteen

451 24 2
                                    


|Mysterious Letter|


-Victoria-

     I was in my office. Thinking how to handle the works that Sir Henry gave to me after our long meeting. He already in his REST room. As in 'Rest room for his resting time'. I was pacing back and forth in a seconds and look at my watch for a hundred times.

Ugh, it's already 6:05 and I still don't know what to do.

Hell.

I was his assistant manager for two months. At sa two months na 'yon ay nalaman ko kaagad na ganon talaga sya kabait. Bukod sa maganda ang itsura at buhay nya, he's still humble and kind to everyone. Pero sometimes ay may oras din na wala sya sa mood makipag usap. Well. Hindi ko naman masisisi iyon dahil tao din sya. May karapatang magalit at magkamali.

May isang beses na din kaming lumabas ng kami lang dalawa. Hindi nya tinawag na date iyon. Pero para sa akin, oo. Dahil yung araw na 'yon ay naging sweet at generous sya sa akin.  Binilhan nya ako ng mga damit at kumain din kami sa labas. Kaya sa tingin ko na ay ganun na din yun.

And also there was a time when he tried to kiss me.

No. I admit.

I tried to kiss him.

Pero hindi iyon natuloy dahil may tumawag sa cellphone nya at sinabing kailangan na sya sa trabaho. Pero sa tingin ko, kung hindi tumawag ang tao na yon ay hahalikan nya din ako pabalik. At hindi rin talaga imposibleng may gusto sya sa akin. Gaya ng pagkakagusto ko sakanya. Hindi nya lang talaga siguro inaamin dahil torpe sya.

Oh god.

Ang cute nya. I can't stop myself from smiling when I think of him.

Lumabas muna ako ng office para mag re-touch dahil mukhang nags-start ng mag oily ang mukha ko. Marahan kong binuksan ang pinto at agad ding sinarhan ito. Naglakad na ako sa hallway ng may nakasalubong ako na isa sa mga assistant doon, at lumapit sya sa akin. Agad din naman akong napatigil sa paglalakad.

"Ma'am Victoria, may nagpapabigay po sa inyo." Sabi nito at ipinakita sa akin ang isang envelope na may kasamang kulay pulang rosas.

Inirapan ko iyon at ngumisi ng pagalit, "Cedric!" Mahinang banggit ko. Napakunot ang noo ng babae sa akin.

"Paki iwan nalang sa table ko," utos ko sakanya.

May instinct na ako na si Cedric na naman iyon. Dahil these past few days palagi syang nagpapadala ng sulat. Lahat iyon ay puro tungkol sa pagpapalala ng pera na gusto nyang makuha sa akin, o kaya naman ay inaaya nya ako na lumabas.

Pero madalas kong tanggihan iyon dahil tapos ko na syang pakinabangan. Tapos na ako kay Flora. At tapos na din ang problema ko sa isang babaeng pinaka kinaiinggitan at kinaiinisan ko. Kaya madalas ko nalang pinasasawalang bahala ang mga sulat nya pagkatapos ko itong basahin.

Dumiretso nalang ako sa paglalakad. At di nagtagal ay narating ko na ang comfort room. Binuksan ko ang pinto at tumingin sa isang malaking salamin so loob non. Naglagay ulit ako ng lip gloss at foundation sa mukha nang may marinig akong dalawang nag bubulungan sa tabi ko. Parehas ko silang kasama sa loob ng lady's room, kaya 'di ko maiwasang marinig ang mga pinag uusapan nila.

"Grabe no? Ang ganda ng girlfriend ni Sir Henry. Bagay na bagay sila!" Sabi ng babae na walang tigil sa pag aayos ng mukha habang nang gigigil sa kilig.

"Oo nga eh. Hay! Grabe, sana ako nalang yung babae na 'yon. Sobrang swerte nya!" Sabi naman ng isa na nakasandal ang puwetan sa counter ng lady's room.

"Tsaka sabi din nila, sya lang ang babaeng dinala ni Sir Henry dito sa company. Kasi kadalasan, hindi nya ito pinapakita sa ibang tao." Reply naman ng babae,

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now