dangerous chapter one

1.2K 58 41
                                    


|Broken Rose|

      Naglalakad ng mag-isa si Rose sa gilid ng kalsada. Walang siyang nararamdaman na kahit ano. Nakayuko ang ulo at lutang ang pag-iisip. Patuloy lang syang naglalakad ng walang patutunguhan. Hindi nya ramdam ang paghampas ng hangin, ang malalakas na busina ng sasakyan, o ang pagbangga ng mga tao sakanya. Nakaputi sya na dress at magulo ang kanyang mga buhok. Walang tsinelas at marumi ang mga paa. Makikita rin sakanya ang mga pasa sa braso, sa hita at ang sugat sa mga ito. Nagkalat din ang make-up nya sa mukha na mukhang umiyak ng todo.

May isang babaeng lumapit sakanya at nagtanong kung ayos lang ba sya. Pero hindi siya sumasagot. Patuloy lang sya sa paglalakad at tila'y wala syang naririnig. Pero pinigilan siya ng babae sa paglalakad at hinawakan ang braso nya,

"Miss, sandali. Delikado po maglakad ng magisa dito lalong lalo na at mag gagabi na. Ayos ka lang ba? Saan ang bahay mo? Wala ka bang kasama?" Sunod sunod na tanong ng babae. Ngunit nanatili lang syang nakatulala. Hinawi ng babae ang buhok na natatakpan ang mukha nya at tinignan ang kalagayan nya,

"Miss, mainit ka po. Nilalagnat ka po ata." Sabi nya at patuloy na hinahawakan ang noo at mga braso nya.

Nang biglang itinayo nya ang mukha nya at tinitigan ang babae ng masama, napa atras ito ng kaunti at ibinitaw ang pagkakahawak sakanya. Kitang kita ang takot nito sa mukha. Hanggang sa umabante siya para lapitan ang babae, pero bawat hakbang nya ay lumalayo ito. Tumawa sya ng mahina. Malakas. At palakas pa ng palakas. Natakot ang babae at lumayo ito sakanya.

Sinigawan nya ito sa mukha na dahilan para tumakbo ito papalayo sakanya. Takot na takot ito sakanya. Patuloy syang tumatawa mag-isa. Hinawi ang buhok at walang hintong pagtawa. Napaluhod sya at kasabay nito ay ang pagtulo ng mga luha nya. Napunta ang tawa nya sa isang malakas na hagulhol na pag iyak. Tinakpan ang mukha at umiyak ng umiyak si Rose. Sinuntok nya ang sementong sahig na pinagluluhudan nya at walang tigil na umiyak. Hindi nya ramdam ang pagdugo ng mga daliri nya at ang sakit nito.

Marahil iisipin ng mga tao ay baliw na sya. Pero wala syang pakialam dito. Tumayo ulit sya at pinunasan ang mga luha niya. At muling tumawa ng mahina, malakas. At palakas ng palakas. Nagpatuloy ulit sya sa pag lalakad. Iniyuko nya ulit ang ulo nya at patumba-tumbang naglakad. Sobrang nanghihina sya.

Tumawid sya sa pedestrian lane ng hindi nya nalalaman na hindi pa naka kulay pula ang traffic light. Dire-diretso lang sya sa paglalakad. Nang kamuntik muntikan na syang mabangga ng kulay itim na kotse. Malakas ang pag busina nito kasabay na ang ingay ng malakas na pagpreno ng makita sya na naglalakad sa gitna ng kalsada. Napatigil lamang sya doon at tumitig ng walang ka emosyo-emosyon sa mukha. Sumigaw ang lalaki sa bintana,

"What the- are you out of your mind! Get the hell out off there!" Sigaw nito sakanya.

Ang pangalan nito ay Henry Stewart. Isang successful businessman. Maagang nawalan ng ama kaya't napasa lahat sakanya ng gawain sa kumpanya nila. Habang ang mama nya naman ay halos wala na ding oras sakanya. Isa syang mabait na lalaki pero minsa'y hindi. He also did wrong things like a normal person. He has these chocolatey-brown eyes, and gets darker whenever he felts something like; madness, excitement, or strong feeling of sexual desire inside him or specifically, a lust. And a shaved beard that makes him looked so gorgeous.

His wearing a black and white suit. And he's on his way home when this girl absentmindedly crossed the pedestrian lane.

Ngunit parang wala siyang naririnig sa mga sinabi nito. Lumabas ito ng kotse nya at malakas na sinarhan ang kanyang pintuan. At galit na lumapit sakanya.

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now