Chapter 3

6.1K 98 1
                                    


[Alexander]

I was about to tell her na pabayaan nalang n'ya kung sino man iyong nagsustalk sa kanya. Babalik na ako ng Headquarters at maghihintay ng bagong mission.

Pero ng sinabi n'yang maraming beses na n'yang naramdamang may sumusunod sa kanya ay nagbago ang isip ko. Hindi yata't may masamang tangka talaga sa buhay n'ya.

I need to be with her all the time. To protect her. Mas iniisip ko 'yon kaysa romatic affair namin.

Syempre seryoso ako ng sinabi ko na itry namin pero mas seryoso ako na 'wag na 'wag s'yang mapahamak.

"Lex we need to go na. Late na ako sa photoshoot ko. Ikaw kasi." Kinurot pa ako nito.

"Tss! Bakit ba ang sadista mo, ha? Ikaw kaya itong emote ng emote kanina. Halikan kita d'yan eh."

Akma ko na nga'ng halikan kaso sa malas parang gustong gusto n'ya yata 'yon. Nagpout pa talaga s'ya.

"Tss! 'Di bali na nga lang. Tara! Alis na tayo."

Nauna na akong bumaba sa parking lot but when I am about to open the door of Steff's car, may napansin akong lalaking nakatayo sa may poste at ng napansin n'yang nakita ko s'ya ay bigla na lamang itong tumakbo.

"Sh*t!"

Kinuha ko ang service firearm ko sa glove compartment ng kotse at hinabol ang lalaking tumakbo sa gawing kanang bahagi ng parking lot palabas ng building.

Hindi ko na s'ya nakita pero sigurado akong nasa paligid pa s'ya.

Siguro ay nagtatago sa isa sa mga kotseng nasa parking lot.

Dumapa ako at tiningnan ang ilalim ng mga kotse kung may nakatagong lalaki.

I'm sure s'ya 'yong taong sumusunod kay Steff. He's wearing black t-shirt, red baseball cap, faded jeans and white rubber shoes.

I saw something on my left. Nakadapa pa rin ako sa mga oras na 'to.

Gumapang ako ng dahan-dahan sa kinaroroonan ng taong may suot na puting rubber shoes. Nang malapit na ako ay akma ko na sana s'yang babarilin when he hit me with his right foot.

Natamaan ako sa ulo kung kaya't hindi ako nakatayo kaagad.

Tumakbo ulit papalayo ang lalaki at tuluyan ng nakalabas ng building.

Mahilo-hilo akong napatayo. Nakiramdam lang din yata s'ya sa paglapit ko sa kanya kaya naunahan n'ya ako.

Sa mga kilos at galaw n'ya ay sigurado akong hindi lang ito ordinaryong fan ni Steff.

Sino kaya ang lalaking 'yon? Bakit n'ya sinusundan si Steff? Bakit kailangan pa n'yang magtago kung fan pala s'ya?

A fan will love to be recognize by his idol.

Ni hindi ko namukhaan ang lalaking 'yon. Pero sigurado akong hindi ito ang huli naming pagkikita.

Naalala ko si Steff kaya bigla akong napatakbo at hinanap s'ya. She's already in the car waiting for me. Niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"Thank God you're safe."

Nagtataka man ay niyakap n'ya lang din ako.

Hindi ko na s'ya dapat iwan pa. Kung kailangang 24/7 kaming magkadikit ay gagawin ko.

[Steffi]

Natagalan akong sumunod kay Alex sa parking lot 'cause i've changed my clothes.

Gusto ko kasi na medyo girly ang suot ko this time. Inlove ako eh and I want to please him.Na maging proud s'ya sakin. Kahit sa pamamagitan manlang nito ay mapansin na n'ya ako.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now