Chapter 32

2.9K 56 0
                                    

[Steffi]

*Flashback*

We we're shooting our last pictorial for the magazine.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na harapin si Terrence when I felt na kiniskis n'ya na naman ang manhood n'ya sa puwitan ko. Nakapagpigil pa ako ng konti kasi baka naman hindi lang n'ya sinasadya iyon. Pero ng pisilin na n'ya ang puwit ko ay doon na talaga ako nagreact.

"Bastos!" Sinampal ko s'ya.

Napabiling ang ulo n'ya sa lakas ng sampal ko na 'yon.

"What the!?" Tinitigan n'ya ako ng masama.

"You are so unprofessional, Zamaniego. Lahat nalang gagawin mo para maka isa sa akin ha."

Hinarap ko s'ya. Hindi na tamang tumahimik nalang ako sa pinaggagawa n'ya.

Nakaabang lang si Alex sa may gilid at halatang galit na galit na rin. But he is letting me fix things by the look of it.

I told him about Zamaniego's extra curricular activities during the shoot. Ayoko nang magtago pa sa kanya dahil alam kong hindi tamang maglihim sa kahit na anong bagay. At alam kong mapoprotektahan n'ya ako kahit na anong mangyari.

"If I know gustong gusto mo naman kaya hindi ka nagrereklamo." He smirked.

Naningkit ang mata ko sa galit. How could he...

"Ha! Duh! Hindi lahat ng babae kaya mong utuin, Zamaniego. Hindi lahat ng babae kaya mong paikutin sa mga palad mo. Direk, i'm sorry i'm backing out of this project. Ayokong makipagtrabaho sa taong walang respeto at unprofessional."

Tinalikuran ko na s'ya after that.

"Tara na, babe." Yaya ko kay Alex as we walked out of that studio.

"Hindi pa tayo tapos, Steffi Andrews. Sisirain kita." Sabi pa nito na ikinapanindig ng balahibo ko.

*End of Flashback*

But that was 2 months ago.
Nothing happened. Puro salita lang pala ang Zamaniego na iyon.

I saw Dad sitting on the couch. Parang problemado. Nilapitan ko s'ya and gave him a glass of water.

"Dad, parang ang lalim n'yang iniisip mo ah."

Nagulat s'ya at talagang hulog sa pag iisip.

"Anak. Our company is in trouble. Iniipit tayo ng mga Zamaniego. Lahat ng investors na pumapasok sa company ko ay hinaharang nila."

Goddamn! That Terrence Zamaniego. Sigurado akong s'ya ang may pakana ng lahat ng ito.
Bwisit talagang lalaki 'yon.

"Nanganganib na mabankrupt ang company natin, anak, ang company na pinaghirapan ko ng ilang dekada."

Naaawa ako kay Dad. Dugo at pawis ang pinuhunan n'ya just to establish his company at ng dahil lang sa akin... sa gusot namin ng Zamaniego na 'yon ay mauuwi lamang sa wala ang lahat.

"Dad, wala na ba tayong magagawa to save the company?"

"Actually meron, anak. But i'm hesitant. Ayaw kitang madamay sa gulo na ito."

"Why, Dad? Bakit ako nasali sa usapan?"

Maybe that Zamaniego threathened Dad para iwan ko si Alex at s'ya ang piliin ko. Maybe hahayaan na niya ang company kapag napasakanya ako. Pero hinding hindi iyon mangyayari.

Oo aaminin ko crush ko ang animal na iyon dati pero hindi na ngayon. Nawalan na ako ng respeto sa kanya. Demonyo s'ya.

"Someone offered to save our company. Its the Montreal Group of Companies. Sila ang may ari ng halos lahat ng malalaking companya sa bansang ito sa ngayon."

"Thats great news, Dad." I smiled.
May makakatulong naman pala sa amin.

"May option naman pala tayo, Dad, eh."

Napailing s'ya. Nakapagtataka naman.

"They will help us in one condition."

Kinabahan ako. Ano kaya ang conditon na iyon?

"You have to marry his grandson."

Napanganga na lamang ako at napatulala.

***
Napabuntong hininga na naman ako. Ang hirap ng sitwasyon na meron ako.

Wala na ba talaga kaming happy ending ni Alex? Siguro wala na nga.

I will talk to Alex. Makikipagbreak na ako. Masakit man pero kailangan kong gawin.
Siguro nga destiny ko na talaga na hindi lumigaya kailanman.

Kailangan kong maisalba ang company ni Daddy. Kailangang maging masaya sina Mommy at Daddy kahit 'wag na ako.
Makabawi manlang sa lahat ng paghihirap nila para mapabuti ang kalagayan namin sa buhay.
Total ako naman talaga ang dahilan kung bakit kami ginigipit ng mga Zamaniego. Nanahimik na nga iyong isang nakalaban ni Daddy sa business pero heto at mga Zamaniego naman ang nagbibigay ng problema sa amin.

Someone kissed my cheek. Nagulat ako.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, babe."

Ginagap nito ang mga kamay ko at naupo sa harapan ako.

"May problema ba tayo, baby?" Nakatitig lang ito sa mga mata ko.

I don't want to see him hurt pero wala akong magawa. I need to sacrifice for my family.

My tears started to fall.

"Shhh. Baby, what's wrong? Tell me. Please. Did I do something wrong? I'm sorry na, baby."

God! Lahat nalang yata ng kabaitan ipinagkaloob na sa kanya ng panginoon. Pero heto't nakaamba na namang masaktan s'ya nang dahil sa akin.

If I could just return back time.
If I could just unloved him.
If I just stayed as his bestfriend.
Hindi sana naging complikado ang buhay n'ya.
Hindi ko sana s'ya masasaktan ng ganito.

"Baby, no. Ako ang may kasalanan sa'yo. Maybe isusumpa mo na ako after this day. Lahat na yata ng klaseng sakit naranasan mo just because of me."

"Baby, naman." He smiled "Bakit naman kita isusumpa? I had been the happiest man because of you. Ibinangon mo ako mula sa kalungkutang kinasadlakan ko when Trisha died. Ikaw ang naging ilaw ko para mahanap muli ang aking dating sarili. That's why I love you so much baby."

Mas lumakas ang pag iyak ko dahil sa mga sinabi n'ya.

I can't afford to lose him but I can't afford to lose Daddy. Mahina ang puso n'ya and when something bad happened to his company hindi ko masisigurado na magiging okay lang s'ya. Siguradong dadamdamin n'ya iyon. And I can't afford to see my Dad sad.

"Baby please tell me, please look at me."

I looked into his confused eyes. Hindi ko mapigilang mapahagulgol.

How I love alex. Lahat ng pinagdaanan namin ay mauuwi lang sa wala.

"I need to break up with you, Alex."

Napatulala s'ya. His reaction changed. Parang maiiyak pero galit ang nakikita ko sa mga mata n'ya.

"Why, baby? Bakit? Is it still about the marriage thing? I told you kahit wala ng kasal okay lang sa akin. Basta tayo lang hanggang sa pagtanda."

Pagsusumamo pa n'ya. His tears began to fall.

Naaawa ako sa kanya pero kailangan kong panindigan ang decision ko na ito.

"No, Lex. I'm about to marry someone else." Nakita kong napatiim bagang s'ya.

Galit na galit at wari'y kung isa lang akong lalaki kanina pa n'ya ako nasuntok.

"Bakit, Steffi? Bakit?" Nakayuko nitong sabi. Alam kong galit na galit na talaga s'ya sa akin.

"I have to save Daddy's company, Lex. I have to marry Montreal's grandson."

He looked at me and then without a word he left me.

Wala na. Tinalikuran na ako ng aking una at huling pag ibig.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon