Chapter 34

2.8K 48 2
                                    

[Steffi]

Ilang araw na rin akong walang balita sa Alexander ko. Hindi ko s'ya magawang tawagan dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Gusto kong maayos muna ang lahat bago ko ayusin iyong sa amin ni Alex ko.

Pero talagang namimiss ko na s'ya. Iyong presence pa nga lang n'ya kontento na ako. Mas lalo pang nagagalak ang puso ko everytime he looked at me and smile.

Hay! How I miss my Alex.
Ang dami ko kasing drama sa buhay. Kung noon palang pumayag na akong pakasal sa kanya hindi na sana mangyayari pa ito.

Napabuntong hininga na lamang ako.

***
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bar pero wala pang Alexis na dumating.

He called me. Makipagkita daw ako sa kanya dito dahil may sasabihin s'ya about doon sa wedding.

The last time na nagpunta ako sa MGC ay s'ya lang ang tanging nakausap ko. Sabi kasi ng receptionist ay nasa meeting ang presidente nila. Kaya kay Alexis ko nalang din ipinasabi ang nais kong mangyari. Sabi naman n'ya ay susubukan n'yang kausapin ang lolo n'ya.

"Hi. Kanina ka pa?" Nakangiting Alexis ang tumabi sa akin sa bar counter.

"Hi. Hindi naman. Bakit dito tayo nagkita? Mas okay sana kung sa isang restaurant para makapag usap tayo ng maayos." Sabi ko sa kanya habang umiinom ng juice.

"Hindi pa naman masyadong maingay dito sa ngayon. Mangilan ngilan pa lang naman ang tao. Akin kasi ang bar na 'to." Ngumiti s'ya sa akin.

Mayaman talaga siguro sila na pati alcoholic and beverages pinasok pa nila na business.

"I see. Now I get it. May office ka naman siguro dito, Alexis?"

"I preferred to be called Alex, my dear." Napailing na lamang ako.

Isa lang ang pwede kong tawaging Alex at si Alexander lang 'yon.

"I'm sorry but I prefer to call you Alexis. Will Mr. Barrameda be better?"

Napatawa s'ya.

"Sweety, we are getting married. Alex won't hurt. Come on."

We are getting married. 'Yon 'yong words n'ya na tumatak sa isip ko ng paulit ulit. Nag iinit ang ulo ko. He's about to kiss me when I pushed him away.

"Hindi ba, I told you hinding hindi ako magpapakasal sa'yo, Alexis. I made it clear na ang intention ko sa pagpunta sa MGC was to cut the wedding off and to make a new deal with Mr. Eduardo. Ano'ng nangyari sa pag uusap n'yo?"

"Lolo told me na kaya n'ya gustong ipakasal ka sa akin because he is about to give me my inheritance. Sino ba naman ako para tumanggi. And besides i'm single. You are pretty... that's why I want to marry you."

"That is bullsh*t, Alexis!"

I smash the glass on the counter. Dahilan para mabasag ito.

Hindi pala dapat ako nakipag usap sa Alexis na 'to.
Mas importante pala ang kayamanan sa kanya.

"Hey. Calm down, will you?" Pinagpag nito ang damit na natapunan ng juice.

"Calm down? How can I? I thought you can help me. Umasa ako, Alexis. Hindi mo ba ako naiintindihan? May mahal akong iba. At s'ya ang balak kong pakasalan at hindi ikaw."

"Then let your company die in vain, Steffi. That's easy."

"Hayop ka. Hindi ka pala mapagkakatiwalaan."

"I'm just being honest, Steff. I want the company to be mine. And if marrying you will make me the wealthiest man in the country? Why not. Bonus nalang na maganda ka at sexy."

Sinampal ko s'ya and leave him there. Demonyo pala ang Alexis na 'yon. Mukhang pera. Hayop!

[Alexis]

Napailing na lamang ako.
Amazona pala ang babaeng 'yon.

Gagawin kong lahat mapasaakin lang s'ya. Dapat akin lang s'ya at hinding hindi magiging kanya.

Losing my alas will make him win. He will have the company na matagal kong pinaghirapang makuha. Hindi ito mapupunta sa kanya na walang ibang ginawa kundi tanggihan si lolo.

Bakit s'ya pa kasi ang naging mas matanda sa aming dalawa? Sana nauna nalang akong pinanganak ng sa gayon ay sa akin ipapamana ni lolo ang company na ako naman talaga ang naghirap mapalago.

Hindi ang pinsan kong walang kwenta ang tatalo at aangkin sa lahat ng para sa akin. Hindi si... Alexander Montreal De Guzman.

                *Flashback*

"Lolo. I've heard about your deal with Mr. Andrews." Sabi ko sa kanya matapos ang meeting n'ya.

"You heard it from where? This has nothing to do with you, Alexis, so don't mess with it."

"You're using dirty tactics just to make that Alexander inherit this company, Lolo." Tiimbagang kong sabi sa kanya.

"So what is it to you, Alexis? Si Alexander ang tagapagmana ko. S'ya lang ang gusto kong magmana sa ari-arian ko."

"The hell, Lolo! How about me? Ako ang naghirap at tumulong sa inyo para palaguin ang kompanya na ito at hindi ang Alexander na 'yon."

"'Yan, Alexis. 'Yang katangian mong pagkaganid ang dahilan kung bakit hinding hindi ko ipapamana sa'yo ang kompanya kong ito."

"But, Lolo..."

"Stop arguing with me, Alexis. Ang pinsan mong si Alexander ang gusto kong magmana ng kompanya ko at wala ka ng magagawa pa doon. Once maikasal na sila ni Steffi Andrews ay iiwan ko na ang company na ito. S'ya na ang magpapalakad ng kompanya kong ito."

"But he don't want it, Lolo. Ilang beses ka na n'yang tinanggihan. He doesn't care about your company."

"He has to, Alexis, dahil 'yon ang gusto ko. Lahat gagawin ko para maipamana ang kompanyang ito sa kanya. Now, if you'll excuse me marami pa akong kailangang permahan."

Nakakuyom ang kamaong tumalikod ako. Galit at panlulumo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

         *End of flashback*

"Hindi ka pwedeng sumaya, Alexander. Hindi mapapasayo ang lahat. Kukunin ko sa'yo ang kompanya at gagamitin ko si Steffi Andrews para pasakitan ka."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now