Chapter 15

3.7K 70 0
                                    

[Angela]

I had to take a leave from the hospital. Kailangan kong bantayan ang anak ko.

A month had passed magmula ng bumalik dito sa Manila si Steff.

I told her to just rest or take her vacation sa Lola n'ya sa New York pero ayaw n'ya. Gusto n'ya daw magtrabaho.

Wala naman akong magagawa.
Sinunod ko na lamang ang kagustuhan n'ya at ng 'di na s'ya magalit pa.

Ibang iba na ang Steffi na ito ngayon.

Konting pagkakamali lang ng mga maids sa inuutos n'ya ay binubulyawan na n'ya ito agad.
Ako na lamang ang humihingi ng dispensa sa inaakto ng anak ko.
Kung kaya't nagdecide nalang ako na ako nalang muna ang mag aasikaso ng pangangailangan n'ya.

Nag iba man s'ya pagdating sa ibang tao sa akin na nanay n'ya hindi naman.

Oo nagagalit s'ya sa akin paminsan pero hindi ko na lamang 'yon iniintindi.

"Steff, focus. Here we go again! Uulit na naman tayo sa simula."

"Sorry, Harold."

Hay! Napagalitan na naman s'ya ng photographer nila. Minsan kasi talagang nahuhulog sa malalim na pag-iisip itong si Steff.

Minsan nga sa sobra n'yang pag iisip ay hindi ko na ito nakakausap.

Lagi lamang nakatingin sa malayo at nakatulala. Hindi pa talaga s'ya nakakamove on kay Alex.

Pagdating naman sa bahay lagi lang itong nagkukulong sa kwarto.

Kung niyayaya naman ng mga kasamang modelo na gumimik lagi nalang itong umuuwing lasing na lasing.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

***
"Steff." Untag ko sa kanya. Kakatapos lang ng photoshoot nila.

"Mom?" She looked at me.

Ang lungkot talaga ng mga mata n'ya. Maski ako na tumitingin, nararamdaman ko ang kalungkutang bumabalot sa pagkao n'ya.

"Don't you think it's now time to move on, anak?"

Matagal pa bago s'ya sumagot.

"I hope I can, Mom. It's killing me."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now