Chapter 41

2.7K 56 0
                                    

[Steffi]

"Best kwento ka na. Sige na." Paglalambing ni Alex habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.

"Ano naman ang ikekwento ko?" I looked at his eyes. So innocent. Wala pa rin s'yang maalala until now.

"Si Trisha. You said she's in the US. Bakit hindi ako isinama? Tapos sabi wala pang contact number na iniwan."

Yes. We lied. About Trisha's death. Magiging magulo lang once sinabi namin ang totoo. I'm sure magiging emotional s'ya or worst lalo lang gugulo ang utak n'ya.

Sabi ng doctor, temporary memory loss lang naman. Babalik din daw ang memory n'ya paglaon. Pero 2 weeks na ay wala pa rin.

Sabi ni Doc depende kasi sa case kung gaano katagal magbabalik ang memory n'ya. Malala nga yata talaga ang naging pagkakabagok ng ulo ni Alex.

Napabunting hininga na lamang ako.

"Hindi ba, she's open about her ambition to be a flight attendant? She on training. Ayaw mo ba niyon? May girlfriend ka nang FA?"

I heard him laugh.

"Yeah. Grabe talaga s'ya. I admire her. Nakafocus talaga s'ya sa ambition n'ya. And i'm willing to wait for her no matter how long it takes before she can come back here. Tama naman 'yon 'di ba, best?"

Tumango na lamang ako.

"Ano kaya kung yayain ko na s'yang pakasal when she gets back? Don't you think its a nice idea?" His eyes twinkle as he think about it.

"Samahan mo akong bumili ng engagement ring, best, ha? Isusurprise natin s'ya sa airport pag uwi niya."

Ang sakit naman niyon. Paulit ulit yatang tinatarak ang puso ko. Patay na si Trish pero ang epekto nito sa akin, its as if buhay pa nga siya.

Before I enter this relationship with Alexander I made it a point na nakamove on na s'ya from his dark past. Pero heto't kapalaran na yata ang gumawa ng paraan para ipaalam sa akin na hindi ko pa napalitan si Trisha sa puso ni Alexander kahit na kailan.

What am I suppose to do?
Kailangan na bang patayin ko ang nararamdaman kong pagmamahal kay Alexander and remain to be JUST his bestfriend forever?

Or hihintayin ko lang na bumalik ang alaala n'ya at patuloy na masasaktan ng paulit ulit ng dahil kay Trisha?

"Magatal pa naman siguro iyon, best. Kumain na nga lang muna tayo nitong paborito nating garlic bread."

Isinubo nya sa akin ang isa pag bukas n'ya ng wrapper nito.

"Ulk. Hmmm. Urgh." Pinigilan kong 'wag maduwal. Bumaliktad yata ang sikmura ko when I smell garlic.

Dali dali akong pumunta sa banyo at doon sumuka ng sumuka.

[Alexander]

Nangunot ang noo ko habang tinatanaw si Steffi na dali daling pumasok sa banyo.

Bakit kaya nagsusuka ang isang iyon? Eh garlic bread lang naman ang binigay ko sa kanya. Favorite kaya namin 'to.

Hmmmm. May hindi yata s'ya sinasabi sa akin ah.

Sinundan ko s'ya sa banyo.
Hinimas himas ko ang likod n'ya habang patuloy lamang s'ya sa pagsusuka.

"Okay ka lang, best?" Nag thumbs up sign naman s'ya.

Kumuha ako ng tubig at ipinainom sa kanya matapos s'yang magmumog.

"May tinatago ka ba sa akin, Steffi?" Tanong ko sa kanya habang inalalayan s'ya pabalik sa sala.

Nakita ko ang pamumutla n'ya.

"Are you pregnant?" Nanlaki ang mga mata n'ya habang na nakatitig sa akin. Napayuko s'ya pagkatapos.

"Maybe." She answered.

"Maybe? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Steffi? Nagkalovelife ka ba noon? Bakit wala kang nababanggit? Kilala ko ba s'ya? Tell me. Sino ang ama ng batang dinadala mo? Tara puntahan natin at kinakailangang pakasalan ka n'ya sa lalong madaling panahon."

Sino man ang animal na bumuntis sa kanya ay mapapatay ko kapag hindi niya pinanagutan ang bestfriend ko.

"No need, Alex. Ginusto ko naman 'to. And you can't find him anywhere." Nauupos na napaupo ito sa sofa habang nakatitig sa kawalan.

"Gano'n nalang ba kadali sa'yo 'to, best? Dapat ka n'yang panagutan. Hell! You don't deserve to be treated like this, best. 'Wag mong hayaang lumaki ang bata ng walang ama."

Hikbi lamang ang isinagot nito sa akin.

"Tell me. Sino ang ama ng bata, Steffi. Sino?" Hinawakan ko s'ya sa balikat.

Umiling iling lamang ito.

"He is lost, Alex. At hindi ko alam kong babalik pa s'ya. Hindi ko alam kong mapapanagutan n'ya ako. At hindi ko alam kung maaalala pa n'yang naging kami." I heared her sob.

What is she talking about? Naguguluhan ako. Niyakap ko nalang s'ya. Nakakaawa naman 'tong bestfriend ko. She don't deserve someone like that useless son of a bitch!

"Hey. Best. Look at me." I hold her chin para magtama ang aming paningin.

"We are going to look for him anywhere. Kailangan ka n'yang panagutan. But for now. I'll just stay here. I'll stand by you. Hindi kita pababayaan kahit na kailan."

She just nod and hugged me even tighter.

Oh God! Bakit kailangan pa n'yang dumaan sa ganito? Why do she need to feel this pain dahil lang sa walang pusong lalaking nang iwan sa kanya?

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now