Chapter 42

2.9K 60 0
                                    

[Steffi]

Tatlong magkakaibang pregnancy test kit ang nasa harap ko. Tatlo din ang nagsabing positive. Confirmed, buntis nga ako.

Napaupo na lamang ako sa kama habang tinititigan ang mga ito.

Parang ang wrong timing lang.
I mean we wished for it. Alexander and I. We made this together. Pero heto't hindi ko masabi sabing s'ya ang ama nitong dinadala ko.

Iyong feeling kasi na katabi mo lang ang ama ng anak mo, nasa harap mo lang s'ya pero hindi mo masabing "Baby, i'm pregnant. We are having a baby." iyong ganoon. Excitement and happiness, ang dapat sanang maramdaman ko.

Iyong moment na dapat ang saya saya mo at dapat na luha ng kaligayahan ang papatak sa mga mata mo, pero hindi, kundi luha ng kalungkutan at kahungkagan. Frustration and sadness ang nararamdaman ko sa ngayon.

"Steff, hindi makakatulong ang pag iyak mong 'yan. Makakasama 'yan sa dinadala mo." He hugged me.

He stroke my hair and then my back.Wala man s'yang maalala, hindi man n'ya maalala na naging kami pero ang pagiging maalaga n'ya at pagmamahal sa akin ay hindi nagbago. Hindi nawala. Alam kong nararamdaman din n'yang mahal nya ako pero akala n'ya pagmamahal pangkaibigan lamang ito.

I hugged him even tighter.

"Baby. Kung alam mo lang. Sa iyo ang batang dinadala ko. Ikaw ang ama nito, Alexander. Ikaw." naisaisip ko na lamang habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Pare anong problema?"

Napabitaw kaming bigla ng may magsalita mula sa may pintuan.
Si Thadz pala. Bakit kaya s'ya nandito?

"Pare, i'm glad you're here. I need to go to the office. Mapilit kasi si Lolo. He told me na before the accident I am already on training. Itrinansfer na pala n'ya sa akin ang company?"

Tumango tango na lamang kami. That's what his Lolo requested. Na sabihin namin na talagang tinanggap na n'ya ang pagiging presidente ng kompanya nito. Ito naman kasi talaga ang napag usapan namin bago ang aksidente.

"Steff, I need to go na muna ha? May gusto ka bang kainin? Ibibili kita pagbalik ko." He touched my cheek and dry my tears using his hands.

"Wala akong ibang gusto, Alex, kundi ang bumalik ka na sa akin. 'Yon lang." Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero alam kong magiging komplekado lang ang lahat kaya umiling iling na lamang ako.

"Just be safe, Alex." He smiled and kiss my forehead.

"I'm going. Hindi rin ako magtatagal. Thadz, pare, ikaw na muna ang bahala sa kanya ha? Alagaan mo muna 'yang bestfriend ko."

Tumango naman si Thadz habang nakasandal sa pader ng kwarto ko.

"Buntis 'yan, pare, kaya doble alaga. And by the way hanapin natin pagbalik ko ang ama n'yang dinadala n'ya. Ayaw n'ya kasing sabihin kung sino."

Halatang nagulat si Thadz at napatingin sa akin na wari'y ang daming gustong itanong.

Tinapik nito si Thadz sa balikat at lumabas na ng kwarto.
Narinig nalang namin ang tunog ng kotse n'yang papalayo.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo, ma'am?"

Naupo ito sa silyang katabi ng kama ko.

"Thadz, iniisip ko lang ang maaring maging epekto nito sa kanya. Kapag sinabi ko ang katotohanan patungkol sa aming dalawa gugulo lang ang lahat. Magtatanong s'ya kung ano ang nangyari kay Trisha. Kapag nalaman n'yang namatay ito, I think we'll see the same Alex noon. 'Yon bang halos tulala nalang sa araw araw. Laging aburido at mainit ang ulo. Ayokong mangyari 'yon."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongDär berättelser lever. Upptäck nu