Chapter 16

4K 74 4
                                    

[Alexander]

"Everything's ready, Thadz?"

"Yes, pare. Everyone is on position. Ready to take down the target any time"

"Good. 10-4"

Now is the right time.

A month had passed.

Hindi lang kalungkutan ang nababalot sa pagkatao ko sa mga oras na ito kundi galit. Sobrang galit sa ginawa ni Labrador sa akin, sa amin ni Steff.

I called Jen. Bahala na kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito.

"Hi, mahal. Where are you?"

"Hello. Nasa bahay ako, mahal. Bakit?"

"Susunduin kita d'yan. May pupuntahan tayo."

"Sige. Hihintayin kita."

I drive fast. Kailangan kong makaabot sa takdang panahon. Dapat mauna akong makuha si Jen.

"Hi, mahal."

"Hi, Jen. Hop in." Agad ko s'yang pinapasok sa kotse ng makita kong naghihintay na s'ya sa labas ng bahay nila.

"Saan ba tayo pupunta, mahal?" Takang tanong nito.

"Malalaman mo rin mamaya." Tumahimik na lamang ito. Tila nag iisip kung saan ko ba s'ya dadalhin.

Mayamaya ay nagring ang cellphone ko.

"Thadz."

"Target sighted."

"Good. Approaching the area in 5 minutes. Hold your spot."

"Roger that."

I turned off my phone.

"Sino 'yon, mahal?" Narinig ni Jen ang usapan naming 'yon ni Thadz sa cellphone.

"Wala 'yon, mahal. Mga kabarkada ko lang na pupuntahan natin."

"Ahh. Okay, mahal." Natahimik na ito.

"I'm sorry, Jen. I need to do this."

I kissed her cheek. Naawa ako sa kanya. Wala rin s'yang kamalay malay sa ginawang 'to ng Lolo n'ya. Kailangan ko ng gawin ito ngayon bago mas lumalim pa ang nararamdamang pagmamahal ni Jen sa akin. At bago pa makatakas ang hinayupak na Leandro Labrador na 'yon.

"Bakit, mahal?"

Ngumiti lang ako at hindi na sumagot.

***
Nasa Batangas lang din pala nagtatago ang hayop na Leandro Labrador na 'to.

Sobrang tinik ng gago. Ang hirap hagilapin.

Kung hindi lang kumanta ang tauhan n'yang nadakip namin noong nakaraang araw, malamang hindi namin matutunton ang kinaroroonan ng animal na ito.

Balak na pala n'yang tumakas at magtungo sa ibang bansa dala ang lahat ng kayamanang nakamkam n'ya sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Isang pagawaan ng sapatos ang ginawang front ng animal.

My phone rang.

"Thadz. Report."

"Leandro Labrador stays in a bankhouse at the back of the warehouse. Mauuna kaming papasok. Ikiclear namin ang daan patungo sa kinaroroonan ni Labrador."

"Copy that."

Bumaba ako ng sasakyan kasama si Jen. Nagtaka naman siya ng kinuha ko na 'yong mga baril, bala at mga bomba na nakatago sa likod ng sasakyan ko.

I'm armed and ready.

"Ano'ng nangyayari, Lex? Bakit ang dami mong baril at bomba?"

"We are going to pay your Lolo a visit."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now