Chapter 31

3K 45 0
                                    

[Steffi]

"Ang cute pala namin together."

Naisaisip ko habang nangangalumbabang tinititigan ang mga selfie namin ni Alex.

Ang gwapo talaga n'ya. Kaso hindi ko s'ya makukulit ngayon. Pinatawag kasi s'ya ng lolo n'ya kaya mag isa lang akong pumunta sa pictorial.

"Hey." Someone tap my shoulder.

"Terrence? Hello."

"Parang sad ka yata? Nasaan ang asungot mong boyfriend?" Ngumiti s'ya.

Gwapo din talaga s'ya. Matangkad, nasa 6'1 siguro. Medyo mas malaki ang katawan niya kaysa kay Alex ko. Pero mas huggable 'yong kay Alex.
Maganda ang mga ngiti n'ya. Parang sa toothpaste commercial pero mas cute 'yong smile ng Alex ko kasi abot hanggang mata kapag ngumingiti 'yon.
Mabango din s'ya pero iyong Alex ko kahit 'di pa naliligo natural na mabango na talaga 'yon.

"Napatulala ka na d'yan ah. Ang gwapo ko ba talaga?" He grinned.

"Ha? Ah wala. May iniisip lang ako."

"Can I invite you for lunch after this shoot?"

"Sorry, Terrence, susunduin kasi ako ni Alex."

Mahirap ng magkasala ako. Crush ko nga s'ya pero ayokong magkasala kay Alex ko. Ayaw ko na masaktan pa s'ya. Tsaka mahirap bumawi kasi mahirap magluto. Hotdog pa nga lang hirap na hirap na ako, ano pa kaya kung talagang iyong totoong ulam na.

"Tsk! Pinagbawalan ka n'ya no?" Napailing ito. Nadisappoint siguro kasi akala n'ya sasama ulit ako sa kanyang lumabas ng gano'n gano'n nalang.

"Hindi naman, Terrence. Talagang may pupuntahan lang kami after this."

"Okay. Next time then?"

Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan.

***
Nagsimula ang shoot na solo shots lang ang kinukuha sa amin.
It was fun. Kasi summer dress lang ang suot. Not too much skin exposed kaya safe ako ngayon sa mga mata ng mga kalalakihang nandito sa set.

"Now, magkasama na kayo sa next shots." Sabi ng Director namin.

Did I just saw Terrence grin? Ano naman kaya ang iniisip ng isang iyon?

When I looked at him again nagtama ang paningin namin and then he winked.

Hay! Naku naman oh! Kung kailan wala si Alex doon pa umeksina itong Terrence na 'to.

[Terrence Angelo]

Ang tapang ng gagong iyon para kalabanin ako. Hindi n'ya alam kung sino ang binabangga n'ya.
Lahat nakukuha ko dahil ako si Terrence Angelo Zamaniego.

"Mapapasaakin ka rin, Steffi Andrews."

***
Napangisi ako ng sabihin ni Direk na oras na para magsama na kami sa pictorial after ng individual shots namin.

"Walang makakatanggi sa akin kahit na sino, Steffi."

I wink when I saw her look my way. Agad naman itong nagbawi ng tingin.

"Ready guys." Pumalakpak si Direk which means kailangan na naming pumunta sa set.

"Okay. Ready? Now pose as a happy couple."

Nice. Makakadantay na rin ang aking mga kamay sa kanyang katawan. Inakbayan ko s'ya at isinandal sa aking katawan.

Parang napapasong umatras sya mula sa akin. Siguradong naramdaman niya ang init ng aking katawan na kanina pa nag iinit para sa kanya.

"Steffi, what's wrong?" Tanong ni Direk sa kanya. Nahalata yata ang kanyang pagkaasiwa.

"Nothing, Direk."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon