Chapter 33

2.8K 48 1
                                    

[Steffi]

Ito na yata ang pinakamalungkot na araw ng buhay ko. Ang makitang lumisan ang pinakamamahal ko.

Tinalikuran lamang ako nito.
Wala ni isa mang salitang lumabas sa kanyang bibig.
Nakita ko na lamang ang pagpatak ng kanyang mga luha sa nanlilisik sa galit n'yang mga mata.

Gustong gusto ko s'yang sundan.
Gustong gusto kong pigilan ang paglayo n'ya sa akin.
Ngunit ang kapalit ng kaligayahan sa piling n'ya ay ang pagguho ng pangarap ng aking ama't ina kaya minarapat ko na lamang na tanawin s'ya habang unti unting lumalayo at lumiliit sa aking paningin.

I have to choose between family and love. Ilang araw ko ring pinag isipan ang lahat. Pinili ko ang pamilya. Pinili ko si Mommy at Daddy.

Pero ngayon... Matapos kong makita ang pag iyak ni Alex, nagbago na ang isip ko. Kailangang ipaglaban ko ang pag ibig kong ilang unos na rin ang hinarap. Kakausapin ko kung sino man ang Montreal na pakakasalan ko. Ipapaintindi ko sa kanya na hindi ako maaaring magpakasal sa kanya dahil may mahal na akong iba. Si Alexander lang ang mamahalin ko sa habang buhay.

Hinding hindi mapapalitan ng kung sino mang lalaki ang puwang ni Alexander sa puso ko.
Marapat lamang na ngayon palang ay malalaman n'yang we will not work kahit magpakasal pa kami dahil si Alexander lamang ang laman ng puso't isipan ko. Wala ng iba pa.

***
Someone tap my shoulder.

"Anak..." I looked at mom with sad eyes.

"Mommy. Wala na s'ya mom. He already left me." Napahagulgol akong tumatangis habang yakap ako ng aking ina.

"Shhhh. Anak. Tahan na. Everything's going to be alright. Piliin mo kung ano ang makapagpapasaya sa'yo. Matanda na kami ng Dad mo. I will talk to him. I think he should put that business to rest and focus on being a lawyer. Hindi naman tayo magugutom even without the company. Pare-pareho naman tayong may trabaho."

Nakikita ko ang awa sa mata ni Mommy. Pero nababanaag ko din ang pagkalito, kalungkutan at pag aalala sa kanyang mga mata. Dad is important to her. Ayaw din n'yang nakikitang nahihirapan si daddy.
Alam namin pareho na mahina ang puso nito kaya maaari ring ikamatay niya ang labis na kalungkutan sakaling mawala ang negosyong pinaghirapan nya ng kung ilang taon.

"I will fix this, Mom. We will get that help from the Montreal's without me marrying Eduardo Montreal's grandson.

"Baka hindi sila pumayag anak. Iyon ang deal nila ng daddy mo."

"Papayag sila, Mommy. Kailangang pumayag sila. I can't afford to lose my one and only love. Hinding hindi mawawala si Alexander sa akin, Mom. At hinding hindi mawawala sa atin si Daddy, pati na ang kompanya."

"Ikaw ang bahala, Hija. I hope you succeed on this. Pareho ko kayong mahal ng Daddy mo kaya kahit isa man sa inyo ay ayokong masaktan." I hugged mommy.

"Ayoko rin po kayong masaktan ni Daddy, Mom. Kaya gagawin ko 'to. Kakausapin ko sila para sa inyo. Mamaya din mismo ay pupunta ako sa MGC para makausap iyong magiging fiance ko na iurong na ang kasal. Makikipagdeal ako sa kanya ng kahit ano 'wag lang ang pagpapakasal. Makukuha natin ang tulong na nararapat sa company natin nang hindi nagpapakasal sa kanya."

"I'm praying for your success, anak. Gawin mo kung ano ang nararapat."

Gagawin ko talaga lahat. Aayusin kong lahat at babalikan ko si Alexander. Buong buo na akong babalik kay Alex ko at ako mismo ang magpopropose sa kanya ng kasal.

***
Napatingala ako sa taas ng MGC building. Ang laki at ang taas ng bulding na ito. Halatang mayaman ang may ari nito. Pero wala ako rito para magsight seeing. Andito ako para makipagdeal sa mga Montreal.

I need to do this for Daddy.
I need to do this for myself and Alexander.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa building.

"Good morning. Miss, can I talk to Mr. Eduardo Montreal?" Nakangiti kong bati sa receptionist na nandito.

"Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" Nakangiti ring tanong nito sa akin.

"No miss. Pero can you tell him that Patrick Andrews' daughter wants to talk to him?"

"Okay, miss. Just sit on the sofa while I call my boss."

"Sure. Thank you." Nakangiti namang tumango ang receptionist.

Papunta na ako sa sofa when I bumped into someone.

"Sorry/Sorry." Sabay naming sabi.

Actually ako ang may kasanan kaya kami nagkabanggaan.

"Sorry, sir. Hindi kasi ako tumitingin." Nakangiti lang itong umiling.

"I'm the one who should say sorry, Miss. Busy kasi akong tumatawag sa cellphone ko."
Ngumiti nalang din ako. Ang gentleman naman ng lalaking ito.

"By the way, can I be of help to you? May hinihintay ka ba o something?"

"Actually makikipag appointment sana ako kay Mr. Montreal."

"Oh my lolo?"

Napatulala ako. So this guy here was suppose to be my fiance?

Biglang nagbago ang aking pananaw patungkol sa lalaking ito.

Agad ko siyang pinasadahan ng tingin. Matangkad s'ya. Maputi. May beloy sa magkabilang pisngi. Matangos na ilong. Mapupungay na mga mata. Mapupulang mga labi. Pero para sa akin wala ng gagwapo pa kay Alexander. Ang aking si Alex.
Nalungkot ako sa isiping 'yon.

"Ahem. Miss. Hello?"

"Ahh. I'm sorry Mr. Montreal. I am suppose to make a deal with Mr. Eduardo."

Napakunot ang noo n'ya wari'y inaalam kung anong deal ang tinutukoy ko.

"About what, Miss?" Nakangiti nitong tanong.

Aba't chismoso pala 'to? 'Di maganda para sa lalaki.

"Kailangan kong makausap ang lolo mo to cut our wedding off." Nanlaki ang mga mata n'ya.

"Wedding? Us? Hmmm." Saglit na nag isip at ngumisi.

"Oh! So ikaw iyong sinasabi ni lolo na papakasalan ko? Your beautiful Miss_?"

Kailangang makombinsi ko ang lalaking ito na tulungan akong pakiusapan ang lolo n'ya para hindi na nila ituloy ang gagawing kasal at iibahin nalang ang deal.

"Steffi Andrews. And you are?" Nakipagkamay ako sa kanya.

"Alex Montreal Barrameda."

Alex rin? Pero hindi ang Alex na pinapangarap kong pakasalan.

"Actually its Alexis Montreal Barrameda but I preferred to be called Alex."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now