Chapter 9

4.2K 72 1
                                    

[Alexander]

Ilang araw na din ang nakalipas simula ng may natanggap na regalo at mga sulat si Steff.
Hindi ko na ipinaalam pa sa kanya ang tungkol sa mga sulat sa condo niya. Ayaw kong mag alala pa s'ya lalo.

Araw araw ko ring tinawagan si Thadz para alamin kung may mga bagong updates sila patungkol sa kasong ito. Pero bigo pa rin silang makahanap ng bagong lead kasi 'di na nagpadala pa ng sulat o regalo ang stalker ni Steff.

***
Nakatanaw ako kay Steff at kay lola na nag aayos ng mga halaman sa may garden. Tinuturuan ni Lola na magtanim ng orkedyas si Steff.

Nakakatuwang pagmasdan na ang mga mahal mo sa buhay ay nagkakasundo.

Nagring ang cellphone ko.
Pero ng makita kong unknown number ang tumatawag ay ipinagwalang bahala ko na lamang ito.

Makailang beses pa itong tumawag hanggang sinagot ko nalang ito.

"Sino ka ba ha? Bakit ka ba tawag ng tawag?" Singhal ko sa taong nasa kabilang linya.

Narinig ko lamang itong tumawa ng pagkalakas lakas.

"Did you miss me, my boy?"

Hindi ko makakalimutan ang tinig at tawa ng gagong ito. Makailang beses na namin s'yang nahuli sa mga buy bust operations namin. Isang tanyag na drug dealer ang taong ito. Si Leandro Labrador.

"Anong kailangan mo, Labrador?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na ako magtataka kung nakalabas na naman ng kulungan ang gagong ito. Bukod sa mapera ay maimpluwensya at maraming koneksyon ang animal. Kaya kahit ilang beses na naming nahuhuli ay madali lamang itong nakakalabas ng kulungan.

"Baka ikaw ang may kailangan sa akin, Agent Alexander De Guzman."

"Wala akong kakailanganin sa'yo kailanman, Labrador. 'Di ko kailangan ng asong katulad mo!" May diin kong sabi sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, De Guzman. Dalawa sa mga bata ko ang napatay mo 3 years ago. Sa kasamaang palad ay mga tunay kong anak pa ang napatay mong animal ka."

Tama s'ya. Huli na ng malaman kong ang dalawa sa sampung napatay sa drug bust 3 years ago ay mga anak ni Leandro Labrador.

"Ikaw ang pumatay sa sarili mong mga anak, Labrador. Ikaw ang nagpahamak sa kanila."

"Hindi, De Guzman. Ikaw ang bumaril sa mga anak ko. Kitang kita mismo ng dalawa kong mata."

"Ikaw ang nagpasok sa kanila sa mundo mo, Labrador. Ikaw ang nagturo sa kanilang magbenta ng bawal na gamot, Leandro, kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit ko sila binaril. Ginawa ko lamang ang nararapat. Ginawa ko lamang ang trabaho ko!"

"Gagawin ko rin ang nararapat, De Guzman. Papasakitan din kita gaya ng ginawa mo sa akin noon. Hindi pa sapat na nagdusa ka sa pagkamatay ng isa. Gagawin kong dalawa ang ipagluluksa mo!" Galit na sigaw nito sa kabilang linya.

"Hayop ka. Ikaw ang pumatay kay Trisha?"

Tumawa lamang ang nasa kabilang linya. Hindi ko naisip na may malaking tao pala na nasa likod ng pagkamatay ng girlfriend ko. Akala ko mga hayok sa laman lamang at nakatira ng shabu ang gumahasa kay Trisha.

Kampante na akong naipakulong ko sila. Pero heto't sumabog na parang bulkan sa pandinig ko ang katotohanan.

"Hayop ka, Labrador! Hinding hindi kita mapapatawad. Hahanapin kita saan mang parte ng daigdig!"

"Go on and find me. Bantayan mong mabuti yang girlfriend mo. Kung hindi? Alam mo na ang mangyayari. Hahahahaha."

" Ako nalang ang patayin mo. 'Wag na s'ya. Tayo ang magtuos, Labrador, 'wag ang mga mahal ko sa buhay na walang kalaban laban at walang kasalanan ang gagantihan mo."

"Hahaha. Marapat lang 'yan Alexander. Para maramdaman mo ang sakit na idinulot mo sa akin!"

"Hayop ka! 'Wag si Steff!"

"See you so soon, Agent De Guzman."

Natatawang pinatay na nito ang cellphone.

"Hello? Hello!" Pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.

Unattended na ang number ng tawagan ko ulit. Kuyom ang kamaong napatitig nalang ako sa kawalan.

Ano ang dapat kong gawin?

Ako pala ang dahilan kung kaya't may nagtatangka sa buhay ni Steff. Hindi pala ang trabaho n'ya kundi ang trabaho ko ang magpapahamak sa kanya.

Ayaw yata talaga ng pagkakataon at ng Diyos na magmahal pa akong muli.

***
Gulong gulo na ang isip ko.
'Di ko na alam kung ano ang iisipin at gagawin ko.

Biglang nagring ulit ang cellphone ko.

Si Thadz.

"Hello." Walang buhay kong sagot.

"Partner, kamusta d'yan? May umaali aligid pa ba?"

"Wala pa akong nararamdaman, Thadz. Pero may tumawag sa akin. Si Leandro Labrador."

"Sh*t! Bakit daw? Delikado ang taong yan, Lex. 'Wag kang makipag usap d'yan."

"Pare, s'ya ang nag utos na patayin si Trisha."

Matagal bago makasagot si Thadz.

"Totoo ba, pare?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.

"Oo Thadz at si Steff ang next target n'ya ngayon."

"Fvck! Anong gagawin mo ngayon, pare?"

"Babantayan lang muna si Steff, Thadz. Pero hindi na sapat ito ngayon lalo na at nagpakilala na si Leandro. Kilala mo 'yon. Gagawa na s'ya ng marahas na hakbang ngayon."

"Magpapadala ako ng marami pang back up, pare."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now