Chapter 14

3.7K 67 0
                                    

[Alexander]

Umuwi ako kina Lola matapos makuha nina Tita Angela si Steff.

Pagpasok ko sa kwarto ay binalot ako ng matinding kahungkagan.

How I missed her. 'Yong scent n'ya. 'Yong mga kisses n'ya. The way she smiled at me kapag napipikon na ako sa pang aasar n'ya. 'Yong paghug n'ya sa akin everytime nakakatulog na ako ng hindi nakakapag goodnight kiss sa kanya. And then in the morning. Nauuna pa s'yang gumigising sa akin. Nabubungaran ko nalang ang maganda n'yang mukhang nakangiti sa akin.

"I miss you already, my baby."

Nahiga ako sa kama at niyakap ang unan na gamit n'ya. Ito nalang ang pwede kong yakapin at halikan ngayon.

"Mahal na mahal kita, Steff."

Nakakabakla na ang pag iyak kong ito pero ano ang magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang pagtulo nitong mga luha ko.

Maya maya pa ay kumatok si Lola.

Pinahid ko ang aking mga luha at binuksan ang pinto.

"Bakit po, 'La?"

"Nasa baba si Jen. Hinahanap ka."

"Po? Ang aga pa masyado ah."

"Sige na. Babain mo na at mukhang importante ang kailangan. Teka nga pala. Nasaan ang asawa mo? Kagabi ko pa hindi nakikita ah."

"Ahm. Umuwi po saglit, Lola. May photoshoot po sila."

"Photoshoot? Ano ba 'yong asawa mo? Artista?"

Napakamot ako ng ulo. Sa pagiging matanong ni Lola 'yon pa ang nakalimutan n'yang itanong kay Steff.

"Ay hindi po, Lola. Modelo po si Steff."

"Kaya pala kaakit akit ang itsura at ang ganda pa ng pigura at ngiti. Dyasking bata ere ang swerte mo, Hijo."

Swerte nga sana talaga ako, Lola. Pinakawalan ko lang.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sige po, La. Babain ko muna si Jen."

***
"Ang aga mong napadalaw, Jen, ah."

"Ay, oo. Dinalhan kita ng breakfast."

"Ang sweet mo naman, mahal." I kissed her on the cheek.

Sana si Steff ka nalang. I'm sure matutuwa talaga ako kapag nilutuan ako niyon. Kahit sunog kakainin ko pa rin ng may ngiti.

"Sabay na tayong magbreakfast, mahal." sabi nito sa akin.

"Sige, sure."

Gustong gusto ko na sanang sundan si Steff sa Manila pero alang alang sa kaligtasan niya ay hindi ko gagawin. Kailangan kong pakisamahan ang apo ng Leandro Labrador na 'yon.

Hay! Napabuntong hininga na lamang ako.

Napansin yata ito ni Jen.

"May problema ba, mahal?"

"Naku, wala. Tara kain na tayo." Nginitian ko na lamang s'ya.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now