Chapter 10

4.5K 84 2
                                    

[Steffi]

Tila naging mailap si Alex nitong mga nakaraang araw.

Lagi lamang nakatingin sa malayo at wari'y ang lalim ng iniisip.

Kung tatanungin ko naman ay okay lang daw s'ya, walang problema. O 'di kaya ay marami lang s'yang iniisip. Pero kapag tinanong ko kung bakit at ano ang iniisip n'ya ay hindi naman s'ya sumasagot.

Masyado na rin s'yang seryoso nitong mga nakaraang araw.
Ni hindi na nga ngumingiti at kapag kinukulit ko naman ay napapailing na lamang o 'di kaya ay napapakunot-noo at lumalayo kapag naiinis na.

"Alex, hindi ko na kaya 'to. Ano ba ang problema at bakit sobrang cold mo na sa akin nitong mga nakaraang araw?"

Hindi ko mapigilang itanong ng makita ko s'yang hawak ang cellphone n'ya na para bang may importanteng tinitext at tila naaliw pa ito.

Hirap na hirap nga akong patawanin o kahit pangitiin man lamang s'ya pero itong katext n'ya ay mas gusto pa yata n'yang kausap kaysa sa akin.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

Kinabahan naman ako sa kaseryosohan n'ya pero dapat kong malaman kung ano ang problema kasi gusto kong magkaayos na kami kung kaya't napatango na lamang ako.

"Hindi pala kita mahal, Steff. I mean mahal kita pero bilang kaibigan lang pala hanggang ngayon. Namisinterpret ko lang ito bilang romantic love." Nakayukong sabi n'ya.

Parang bomba 'yon na sumabog sa tenga ko.

"Hindi totoo 'yan, Alex! Sabihin mong nagbibiro ka lang."

Ang sakit naman nito. Mas masakit pa pala ito kaysa sa pagbabaliwala n'ya sa akin noong hindi pa kami.

"Totoo ito, Steff. Matagal ko ng dapat sinabi sa'yo 'to pero hindi ko kaya at ayokong masaktan ka. Pero since tinanong mo, hindi ko na dapat pang itago. Ayaw ko ng magsinungaling pa sa'yo. Alam kong nararamdaman mo rin naman na hindi na kita gusto pang makasama."

"Hindi totoo 'yan, Alex. Alam kong mahal mo ako at nararamdaman ko 'yon. Please, kung ano man 'yang tinatago mo, Lex, pag-usapan natin. Sabay nating harapin 'to, please."

Napaiyak na ako at napaluhod sa harapan n'ya.

"'Yon na nga ang problema ko na dapat harapin, Steff. Hindi kita kayang mahalin kagaya ng gusto mong mangyari. Mahal kita, oo, pero bilang kaibigan ko lang."

"Please ayusin natin to, Lex. I will do everything again para lang mahalin mo ako. Sabihin mo lang kung anong dapat kong gawin." Pagsusumamo ko sa kanya.

Ayokong igive up ang kung ano man ang meron kami ngayon.

"All you have to do is break up with me, Steff. Tapusin na natin itong laro nating 'to. Pinagbigyan na kita and it didnt work out."

"No! I'm not breaking up with you ever!"

"Bahala ka. Pero i'm not giving you the attention you wanted from now on. I've realized na hindi pala ikaw ang kinapapanabikan ko. Oo, I like your body. Pero all I want to do is just fvck you. I'm never gonna be in love with you, Steff. Ever."

"You're a liar!"

Sinampal ko s'ya. Ang lakas ng loob na harap harapan akong insultuhin.

"I won't give you that damn break up!"

"Bahala ka. Basta para sa akin tapos na tayo."

Tinalikuran na n'ya ako.

"Hindi pa tayo tapos."

Hindi n'ya ako pinansin at may tinawagan sa phone n'ya.Halos sumabog ang puso ko sa narinig.

"Hello, Jen?"
...
"Where are you?"
...
"Sure. I'll be there in 5 minutes."
...
"Take care."
...
"I love you, Jen."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongWhere stories live. Discover now