ATH 9

155 5 2
                                    

Grant Blue's POV

"Oh Kuya. Nasiraan ka na ba ng bait diyan? Bat nakangiti ka? Tapos hawak mo pa pisngi mo?" Hindi ko pinansin tong kapatid ko at tuloy tuloy lang na umakyat papunta sa kwarto ko.

"Hmp. Walang manners! Matawagan na nga lang si Edison babes ko!"
Natigil naman ako sa paglalakad. Teka, Edison? Hindi naman si Jude yun ah?!

Dali dali akong bumaba at hinablot yung phone niya.

"Ano ba-"

"SINO SI EDISON?! ALL THIS TIME BA, NILOLOKO MO LANG SI JUDE?! ANAK NG IVY OH! WAG NAMAN GANYAN! TROPA KO YUN EH!" Grabe naman oh! Akala ko, si Jude pa ang mananakit sa kapatid ko. Tapos yung kapatid ko pa pala yung mananakit kay Jude.

Pero agad na nangunot ang noo ko nang biglang tumawa yung kapatid ko.

"KUYA. ALAM MO? PWEDE KA NANG MAG COMEDY ACTOR! HAHAHAHAHAHA!" Siya pa ang may ganang tumawa ng ganyan ha?

"Kuya. Iisa lang si Jude at Edison." Ano?! Sa pagkakaalam ko, Jude Huang Villarin ang buong pangalan niya. Kasama ko yun paglaki no! Tapos sasabihin niyang Edison ang pangalan ni Jude?! Hala!

"Alam mo, wag ka na magpalusot. Alam ko namang-"

"Shut up panget. Pwede bang makinig ka na muna? Tch."
Tsk tsk. Kawawa naman si Jude dito sa kapatid ko.

"Edison ang tawag ko sakanya. Yun kasi yung gusto kong itawag sakanya."

Watda! May sapak na ata tong kapatid ko eh! "Bakit naman? Ayos naman yung Jude ah?"

"Kasi kuya, wala lang. Bagay kasi sakanya yung pangalan. Mas lalo siyang gumagwapo. Hihihi." Watdahel.

"Tss. Para kang si Mico eh. Wala nang pag asa. Maka akyat na nga lang."
Akala ko naman niloloko niya na si Jude. Psh.

Pagka akyat ko, agad akong nagbukas ng Twitter ko. Para updated lagi kay Kaecee. Naks.

Paparazzi.com
Kaecee Hidalgo caught kissing her non-showbiz suitor Grant Banzuelo on the cheeks infront of the building of her condo unit.
Also, a fan saw them eating at Pizza Hut QuezonCity Branch. They are also spotted at Sto. Domingo Parish Church this 4 in the afternoon. Are they still dating or are they in a relationship?

Anak ng putspa naman oh! Pati ba naman to?!

I quickly grabbed my phone and searched for Kaecee's number. Another issue nanaman. Tsk.

(Grant.)

"Kaecee. Nakita mo na ba?"

(Yes. And sabi ni manager, ang kailangan lang natin gawin is i-ignore yun. And kapag tinanong tayo,wag natin idedeny na nagkita tayo. Pero dating pa din ang isasagot natin.)

Napatango naman ako sa sinabi niya. "Ahh. Edi ibig sabihin, pwede pa din tayong uhm, magdate?" Anak ng bunganga naman yan oh!

I heard her giggled on the line.
(Ofcourse we can! Oh, i mean oo naman. Kaya we're dating diba?)

Aish. Oo nga pala.

"So, I'll hung up na. Maaga pa yung klase ko bukas."
Pagpapaalam ko.

(Oh. Okay. Sige, goodluck sa first day. Goodnight.)

"Goodnight din. Take care."

Eto nanaman yung ngiting hindi ko mapigilan. Tch. Mukha na nga talaga akong baliw dito.

»»»»»

University

"Bro! May bago nanaman pala kayong issue ni Kaecee ah!"
Pagsalubong saakin ni Jude.

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now