ATH 29

92 4 1
                                    

Grant Blue's POV

"Grant, hindi pa ba tayo uuwi? Gusto ko nang matulog."

"Eh di sana hindi ka nalang sumama. Tch."

"Eh kung lapitan mo nalang kasi! Hindi yung hanggang tingin ka nalang, feeling nasa drama eh."

Napatingin ako dito sa kasama kong mas maarte pa sa kapatid ko. Mukha ngang pagod na. Andito kasi kami ngayon sa isang shooting place ng movie nila Kaecee at Tyler, sinudundan sila-- I mean, ako lang pala, sumama lang 'tong babaeng 'to.

"Fine. Eto yung susi, sumakay ka na. Sasakay na din ako in five minutes."

"Fine torpe."

Itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko kay Kaecee na kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga benches at nakayuko. Apektado kaya siya? Pero diba siya na din ang nagsabi na itigil na namin 'to? Na ayaw niya na? Aish.

I took a glance at her bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko at pumunta kung saan nakapark yung kotse ko. There, nadatnan ko si Patricia na nakatulog na sa shotgun seat. Tsk, kawawang bata.

These past few weeks, siya ang lagi kong kasama. No choice eh. Galit saakin sina Mico at Jude so sinong kasama ko? Nagkataon naman na marami na ding narerecieve na hates 'tong si Pat kaya kami nalang ang magkasama sa school o kahit saan mang lakad. And about her ex? Aba, naghahabol sakanya ngayon. Sabi naman ni Pat,konting pakipot lang daw at makikipagbalikan na siya dun sa Minhyuk niya. Tch--as if I know, nag eenjoy lang siya sa company ko kaya hindi niya ako maiwan-iwan. Napagalaman ko din na fan pala siya ni Kaecee but nagtaka ako kung bakit hindi niya alam yung about saamin ng idol niya. At ang sagot? 5 months daw kasi siyang grounded sa mga gadgets at T.V. , nalaman kasi ng Dad niya yung about sakanila ni Minhyuk. Pero naririnig na daw niya yung name ko na na-lilink sa idol niya, ang kaso hindi niya alam ang itsura ko kaya ganun.

After ko siyang maihatid sa bahay nila, dumiretso na ako pauwi. Saan pa ba ako pupunta? Wala naman akong kasama.

"Ivy." I called out as I saw my sister talking to someone over her phone. She just ignored me and walk paakyat sa kwarto niya. See? Pati kapatid ko, galit na saakin. I tried explaining naman but hindi nila ako pinapakinggan. Aish.

Instead na umakyat na papunta sa kwarto ko, pumunta ako sa may pool area namin at doon nag isip-isip. Bakit ba nangyayari 'to? Maayos naman kami diba? Aish, masyado ka kasing naging matulungin Grant eh! Ayan tuloy, bwisit na buhay 'to.

Hinubad ko ang sapatos ko at tinupi ang pantalon ko. Inilublob ko sa pool ang mga paa ko at inilabas ang phone ko. Tumambad saakin ang picture namin ni Kaecee na lockscreen ko pa rin hanggang ngayon.

Tangina naman oh, wag kang iiyak Grant. Nakakaloko na ah! Peste! Agad kong pinunasan ang luha ko at tinitigan yung lock screen ko.

"Tangina Kaecee, bakit ganun? Bakit kailangan nating maghiwalay? Bakit hindi mo man lang ako pakinggan? Kakasimula palang natin Kaecee pero bakit ganito na? Bakit?" Tangina. Sobrang sakit na. Sobra sobra na. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito, at dahil sa artista pa! Bullsht! Dapat kasi talaga, hindi ko na hinayaang mahulog ang loob ko sakanya eh. Dapat itinigil ko na simula palang para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now