ATH 31

88 1 0
                                    

Kaecee's POV

I woke up na nasa kwarto na ako. Maybe Zed carried me papunta dito. Tumayo na ako at inilibot ang tingin ko para tignan kung andito pa si Zedric pero mukhang wala naman so I decided na magpunta sa living room  para i-check kung andun siya, pero wala rin. Asan yun? Napansin ko din na madilim na sa labas so I guess, gabi na? Ang tagal ko naman atang nakatulog? Ugh.

I walk towards the kitchen to drink some water but I noticed na note na nakadikit sa may ref.

Hoy bestfriend! Sorry if I leave na hindi nagpapaalam sayo ah? Hindi na kita ginising, tulog mantika ka kasi. Nga pala, nagluto na ako ng dinner mo. Check mo nalang sa table. - bestfriend mong pogi ;)

I just smiled and check the dinner he cooked for me. Fried rice and eggs with bacon. Really? Dinner huh? Eh mukhang breakfast ang ginawa niya eh. Dibale, kakainin ko nalang. Nag effort din si Bestfriend no.

Habang kumakain ako, biglang may nag-buzz sa unit ko. Sino naman yun? Uminom muna ako ng tubig bago i-check kung sino yung nag buzz. Sumilip ako sa may butas para makita kung sino yun at laking gulat ko nang makita ko si Tyler. Anong ginagawa niya dito?

I open the door widely tsaka nakita siyang nakatayo habang may hawak na bulaklak. Seriously, anong meron?

"Ah. Goodevening Kaecee." At aba, bakit naka porma to? Naguguluhan man ako ay pinapasok ko nalang siya sa unit ko.

"For you." I accepted the flowers na iniabot niya saakin at naupo sa sofa. "Anong meron? I mean, what's with these?" 

He smiled and shrugged. "Wala lang. Pwede ba tayong mag-dinner sa labas?"

"Ha? Pero kakakain ko lang." Tataba naman ako kung ganun. Ugh.

"Edi kumain ka ulit. Go on, fix yourself Kaecee. Just one dinner. Dali." Aba. Siya pa talaga ang nagpipilit saakin na mag ayos ah?

I stood up  with the flowers in my hand. "Fine. Basta hintayin mo ko. I'll just took a quick shower then mag aayos pa ako. Manood ka nalang para di ka ma bored. Andyan yung remote."

"Aye aye! Captain!" I chuckled nang sumaludo pa siya habang natatawa.
Umiling nalang ako at nagpunta na sa room ko. Hinanda ko na muna yung susuotin ko bago ako nag shower. After I took a shower, sinuot ko na yung white with touch of pink na  dress ko na tinernuhan ko ng pink flats. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at kinuha na yung white sling bag ko.

"Naks naman. Ang ganda niya oh." Salubong saakin ni Tyler nang makalabas ako sa kwarto.

Addicted To Her (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora