ATH 13

137 3 6
                                    

Kaecee's POV

"SERIOUSLY?!"

Halos mabingi ako dahil sa sigaw ni Beatrice. Makasigaw akala mo di ako katabi eh. Tsk.

"Grabe Bea. Katabi mo ko oh! Katabi!" Pagtataray ko.

She twitched her lips and put her arms across her chest.

"Eh sino namang hindi magugulat kung pinsan pala ni- mmmppppphhh!" Gosh! Ang daldal nga naman talaga nito oh!

"Shhh. Wag kang gaanong maingay. May makarinig, lagot pa ako. Tsk." sabi ko nang tanggalin ko na yung kamay ko mula sa pagkakatakip sa bunganga niyang maingay. "Alam mo naman na secret relationship kami noon ni Tyler diba? Maski si Manager, walang alam tungkol sakanya. Ikaw lang then si Heira tsaka si Ate Trina ang nakakaalam." dagdag ko.

"Eh kasi naman. Para namang napakaliit ng mundo para sainyo. Ano nang balak mo?"
Concerned na tanong niya saakin.
"For sure alam na ni Tyler yung about sainyo ni Grant. Eh celebrity ka eh. Malamang kalat na yun." sandali kaming natahimik pero agad naman niyang dinagdagan yung sinabi niya. "Eh Kae. Asan na ba si Tyler? Alam ba ni Grant kung nasaan?" Napabuntong hininga nalang ako at umiling.

"Yun na nga eh. Maski si Grant, di niya alam. Imagine, 4 years na silang walang communication. 12 years old pa sila nung last na nagkita sila. And nabanggit saakin ni Grant na last na pagkikita nila, as in yung last is nung Grade 7 pa sila. Isang araw lang yun and then nawala nanaman si Tyler. Take note, hindi personal ah. Skype."

"Pero nung mga time na hindi na nagpapakita si Tyler kay Grant, yun yung time na naging kaklase mo si Tyler at naging kayo diba?" she asked.

Aish. Bakit ba ganito kakumplikado ang buhay ko? Tsk.

"Kae."

"Hmmm?"

"Just tell Grant the truth. Pati kay Manager Nic. Para naman hindi unfair sakanila."

"You really think so?"

"Yes. Don't worry. Kaya mo yan be!"

Haaay. Tyler, bakit mo pa ba kasi ako iniwan noon? Naman oh!

»»»»»»

From:GRANTorade Blue :)

Okay. See you later Ms.Beautiful *wink

I just smiled on his reply. Niyaya ko kasi siya mag coffee sa may Starbucks to tell him na naging kami ng cousin niya.

"Kaya mo to Kaecee." pag e-encourage ko sa sarili ko.

"Oh. Bakit mukhang tense na tense ka diyan couz?" Heira asked me as she walks inside my room. Wala kasi akong taping ngayon or whatever kaya tambay ako dito sa bahay. Buti nga para naman masabi ko na kay Grant.

"Eh kasi couz. Aaminin ko na kay Grant na naging kami ng pinsan niya. At aamin na din ako kay Manager Nic." nakapout kong sagot sakanya na dahilan para tumaas ang isang kilay niya.

"Well, ayos ako kung bakit mo sasabihin kay Manager mo.Pero bakit mo sasabihin kay Grant? Hindi naman kayo diba?"
And there, natigilan ako.

"Pero-"

"Pero kayo naman on-cam? Nako Kaecee ah. Hindi porket kayo on-cam, kailangan niya nang alamin ang lahat tungkol sayo. Tandaan mo. On-cam lang. Kapag andyan lang ang nga press at paparazzi. Kapag interview o press con lang. Pero pag wala yun, walang kayo. Walang dating. Naiintindihan mo?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa sinabi ng pinsan ko. Kasi tama siya. Kami lang kapag kaharap na ang mga camera at kapag may mga press.

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now