ATH 32

114 2 1
                                    

Grant Blue's POV

Hindi ko ngayon alam kung paano patatahanin sa pag iyak 'tong kapatid ko. Kanina pa iyak ng iyak, kesyo daw nagalit daw siya saakin na mali yung dahilan. In-explain ko na kasi sakanya kanina yung totoo at yung mga nangyari.

"K-kuya naman eh! Bakit hindi ka naniwala kay Ate Kaecee?! Nakakainis!"

"Akala ko ba ayos na tayo?"

"Kalahating oo, kalahating hindi. Eh bakit kasi hindi ka naniwala kay Ate Kaecee?! Ayan tuloy, wala na! Nakakainis 'to! Alam mo namang hindi niya magagawa yun diba? Ang shunga neto." Napangiwi nalang ako dito sa sinasabi ni Ivy. Tama nga naman siya, bakit ba hindi ako naniwala? Ang tanga ko lang. Tangina.

"Oh, bakit ang tahimik mo diyan? Magsalita ka panget! Kainis 'to!"
Ewan ba, pagkatapos ng mga nangyari nawalan na ako ng gana. Bwisit na buhay 'to oh.

"Kuya! Ano na?! Do something! Hindi ikaw yung Grant na hindi nagpapatalo. Hindi ikaw gung Grant na hinahayaan lang na mawala yung mahalaga sakanya." Ivy held my hand. "Kuya. Kung talagang mahal mo si Ate Kaecee, gumawa ka ng paraan para bumalik siya sayo. Alam kong mahal niyo ang isa't isa kuya, isang mis-understanding lang ang lahat. Malay mo si Kuya Tyler pala yung nag text sayo ay ginamit yung phone ni Ate Kaecee. Diba?" Oh sht. Bakit nga ba hindi ko naisip si Tyler?

Araw araw niyang kasama si Kaecee sa set ng movie nila at napapabalita ring dating sila ngayon. Posible ngang si Tyler. Sht. Ang tanga tanga ko talaga! Puta!

"Ivy. Asan si Tyler?"

>>>

"TYLER! LUMABAS KA?! DAMN YOU! LUMABAS KA!" Kinalampag ko yung gate ng bahay na tinutuluyan niya ngayon. One month lang siyang nag-stay sa bahay tapos umalis na din, ayaw niya daw kasing kasama yung karibal niya. Gago pala siya eh!

"TYLER! LUMABAS KA!" Patuloy lang ako sa pagkalampag nang biglang may katulong na nagbukas ng gate.

Addicted To Her (COMPLETED) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora