ATH 21

98 1 0
                                    

Kaecee's POV

"What?! Pumunta siya dito kanina? Akala ko ba hinahanap lang ako?!"

Hysterical? OA? Ako yun ngayon. Pagkadating na pagkadating kasi  namin galing swimming nila Mama, agad akong sinalubong ni Heira about dun kay Tyler. Sino ba namang hindi mag o-overreact diba?

"Oo nga. Eto oh, may pinabibigay pa nga eh."
Hinagis niya naman saakin ang isang teddy bear na may nakaipit na letter.

"May letter daw yan. Basahin mo na nga!"

"Atat? Ikaw na kaya ang magbasa." She rolled my eyes at hinintay nalang akong buksan yung letter.

Let's meet tomorrow. 5 P.M. sa may playground ng subdivision niyo :) I'll wait for you :)
        

                       ~TR

"Oh, anong sabi?"

Tinupi ko na yung letter at itinabi sa study table ko.

"Nakikipagkita. Bukas daw mga five ng hapon."

"ANO?! NAHIHIBANG KA NA BA?! WAG!"
Aish. Sabi na eh, ganito ang ire-react ni Heira.

"Relax. Wala akong sinasabing pupunta ako. Okay?"
I saw her sighed kaya I took the chance para ituloy yung sinasabi ko. "Atsaka bakit naman ako pupunta? Eh di ako naman ang naging mukhang tanga?" i exclaimed habang inaayos ko yung mga gamit ko.

"Well, buti naman at naisip mo yan. Don't you dare na puntahan yung lalaking yun. Malilintikan ka sakin!"

"Oo nga! Diko talaga pupuntahan yun."

Umalis na si Heira ng kwarto ko at kasabay nun, tinignan ko ulit yung bear na kasama nung letter.

"What do you want ba?" kinuha ko yung bear tsaka hinawakan ng mahigpit. "I'm happy na kay Grant. Sasagutin ko na nga dapat siya eh, don't say na mang gugulo ka?" Paano nga kapag ganun? Ayos na nga eh! Then babalik pa? Aaaaah!

Agad akong napatayo sa naisip ko at inilagay ang mga kamay ko sa bewang at tinitigan yung bear.

"Alam mo, pwede tayong maging magkaibigan. Pero yung ibalik ang dati? That's a big no no no!" I exclaimed as I do the 'no' gesture.

"Pero teka lang, bakit ba ako OA? Eh wala ka namang sinasabing nakikipagbalikan ka diba?" Ohgosh. Ang OA ko na talaga. Mas mabuti pang itulog ko nalang 'to, baka pagod lang.

Humiga nalang ako and covered myself with my comforter. Kung nagpaalam lang siya ng maayos noon eh di sana hindi ako nagiging OA dito. Argh, pinapagulo mo na ang utak ko Tyler!

Pero diba, magpinsan sina Grant at Tyler? Eh di alam na ni Grant na andito na si Tyler? Posible kayang alam niya na gustong makipagkita ni Tyler sakin?

Grant Blue's POV

"So, kamusta naman bro?" I took a sip from my iced tea before I answer his question.
"Ayos naman. Inspired."

His eyes grew wider and tapped my shoulders. "Naks naman! Eh sino ba yang babae bro?"

Agad akong kinabahan. Sasabihin ko ba sakanya na yung ex niya ang nililigawan ko?

"Ah bro. Wag kang mabibigla ah?"

Bigla naman siyang nagtaka at nangunot ang noo. "Ha? Bakit naman? Sige na, sabihin mo na."

I sighed before I tell him. Eh sa ang tagal naming hindi nagkita at nagkausap tapos eto pa ang ibubungad ko. Para naman atang grabe diba?

"Ah, secret nalang muna. Ipapakilala ko nalang sayo sa susunod para mas ayos."
Woooh! Tama ba yung ginawa ko?

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now