ATH 20

108 2 0
                                    

Kaecee's POV

"Anak. Bakit ang aga naman yatang umuwi nung pamilya ng manliligaw mo?"

Napatigil ako sa pagkain nang biglang matanong ni Mama sina Grant.

"Ah. May ano po. May emergency po kasi sakanila."

"Ahh."

11 A.M palang pero umuwi na sila Grant. Siguro dahil sa nangyari. Nagui-guilty tuloy ako.

"Kaecee, mag swi-swimming na kami ng Papa mo. Wanna come with us?"

Umiling lang ako at ngumiti. Wala akong gana. "Kayo nalang po Ma. Magbabantay nalang po ako ng gamit natin dito."

Chineck ko yung Twitter ko at napabuntong-hininga nalang ako nang hindi pa din humuhupa yung issue about dun sa picture namin ng ex ko.

Namin ni Tyler.

Napatitig nalang ako sa picture at kasabay nun ang pagkaalala ko sa araw kung kelan nakuhanan 'tong larawan na 'to.





Happy First Anniversary Girlfie. <3

Napangiti ako nang mabasa ko yung text ni boyfie. Tumakbo ako kaagad papunta sa terrace ng kwarto ko tsaka binuksan yung sliding door dun para makapasok siya. Grade 8 palang kami ni Tyler pero nakaka-one year na kami. Ayos diba?

"Happy First Anniversary din Boyfie."

May inabot naman siya saaking isang pirasong rose kaya kinuha ko kaagad yun.

"So ano, takas na tayo?"

Sumilip na muna ako sa labas ng kwarto ko para i-check kung hindi pa gising sila Mama.

"Wait."

Nag iwan naman ako ng note sa study table ko para hindi mag alala sila Mama kung nasaan ako.

'Ma,Pa. May pinuntahan lang po ako. Baka gabi na po ako makauwi. Don't worry about me, I'm with a super caring friend :) lovelots Ma at Pa :) '

"Tara na."

Kinuha ko na yung bag ko at phone ko. Pero dahil nga gentleman si Boyfie, kinuha niya saakin yung bag ko at siya ang nag bitbit. That made me smile. He never fails to make my day complete.

Tahimik kaming tumakas ng bahay. First anniversary kasi namin ngayon kaya hindi ko hahayaan na hindi kami magkasama ngayon.

Today is Saturday. Buti nalang at walang pasok. 4 A.M palang naman kaya tulog pa kahit yung mga maids at yung driver namin.

Nang makalabas kami ng bahay, sinuot ko na kaagad yung jacket ko kasi medyo malamig pa. Habang si Tyler, naka cap.

Habang naglalakad kami papalabas ng subdivision, he held my hand and intertwine my fingers with his.

Sa waiting shed sa may labas ng subdivision kami naghintay ng bus. Pupunta daw kasi kami somewhere outside the city. Tinanong ko kung saan pero ayaw niyang sabihin. Pero ang alam ko, magiging masaya 'to.

"Ayan na yung bus. Tara na."
Pagkaakyat namin ng bus, agad kaming dumiretso sa may vacant seat, syempre sa may bintana ako.

"Tulog ka na muna. Mahaba pa ang byahe."
Sumandal naman ako sa balikat niya at pumikit. Siguro sa paningin ng iba, bata palang kami pero nakikipagrelasyon na kami. Eh bakit ba? Eh sa mahal namin ang isa't isa eh. Wala silang alam kaya wala kaming pakialam kung ano mang sabihin nila.

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now