ATH 33

121 2 7
                                    

Kaecee's POV

Napapikit ako nang maramdaman ko ang hangin na dumadapo sa balat ko. Kinuha ko na yung bag ko sa kotse ko at naglakad papunta sa baay na pagbabakasyunan ko. They welcomed me at may isinabit na bulaklak sa leeg ko. Woah, nakakagaan ng loob.

Nagbayad na muna ako ng fee for one week atsaka ako ginuide papunta sa room ko.

Pagkadating ko sa room, inayos ko na kaagad yung mga gamit ko at nahiga. Ugh, what a tiring day. I open my phone para sana i-check kung nag text si Ate Trina pero natigilan ako nang makita ko ang wallpaper ko.

Beatrice..

Kusang tumulo ang mga luha ko at naalala lahat ng pinagsamahan namin. I'm with her for almost 2 years? 3 years? I treat her like a sister. She's like my other half but bakit kailangang mangyari 'to? Tinuring din ba niya akong bestfriend? Darn it, it hurts so much. Mas masakit pa 'to sa break-up. Aish.

I decided to change my wallpaper para hindi madagdagan yung sakit. Damn.

At si Tyler, damn him. Ang kapal ng mukha, may kahati na pala ako noon sa puso niya. At ang masaklap pa, naging bestfriend ko pa. Damn him. Damn this situation. Bakit ba ako laging naloloko? Bakit?! Bakit?!

I wiped my tears and took a quick shower. Maglilibot nalang ako after nito. Base on my research kasi, may garden dito, meron ding pool at merong cafe.

When I finished taking a shower, nagbihis na ako at naglibot na sa garden. Nakaka-refresh yung garden dito. Kakaiba, nakakagaan ng feeling.

Habang naglilibot ako, may biglang batang tumakbo papunta saakin habang may hawak siyang pink rose. Ang cute niya!

"Ate oh! May nagpapabigay po!" Naguguluhan kong tinanggap yung bulaklak at nag-swat para mapantayan ko si Baby boy. Ang cute talaga!

"Thank you! Eh, sinong nagpapabigay nito?" Tumalikod yung bata at may tinuro kaya napatingin ako sa direksyong tinuro niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatayo. Anong ginagawa niya dito?!

Grant Blue's POV

"Ibigay mo 'to dun sa ateng maganda ha? Ayun oh, yung naka pink na dress."

"Okay po kuya pogi! Wait niyo lang po." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan na puntahan ng pinsan ko si Kaecee na kasalukuyang nasa garden. Yes, pinsan ko yung bata. My lola and lolo on mother's side owns this hacienda but they passed away kaya kay Tita Jean nalang ipinamahala 'tong hacienda. Hindi naman pwede kay Mom kasi nasa Manila kami, so kay Tita Jean nalang. Dalawa lang sila ni Mom na magkapatid at nag-iisang anak lang ni Tita Jean si Brian, yung pinsan kong inutusan ko. Well, si Tyler pinsan ko sa father's side. Yung walanghiyang yun. Fck him. Bwisit.

Sinundan ko si Kaecee pagkaalis na pagkaalis niya kanina. Ayoko siyang iwan mag-isa at nang malaman ko na dito pala siya magbabakasyon for one week, agad akong nagpa-reserve ng isang room sa tabi ng room ni Kaecee.

Nakita ko namang tinuro ako ni Brian kaya napaayos ako ng tayo. Teka, wala akong sinabing ituro niya ako! Aish, this kid.

Napalunok nalang ako nang biglang hilain ni Brian si Kaecee palapit dito. Oh sht, busted.

"Kuya! Kuya! Eto na si Ate Ganda oh! Ang ganda pala talaga niya!"

Halos mamutla ako nang tignan ako ni Kaecee, sht. Kelan pa ako nahiya nang ganito?!

"Grant? Anong ginagawa mo dito?" Napalunok ako tumingin sakanila ni Brian. "A-ah eh, sa Lolo at Lola ko kasi 'tong hacienda sa mother's side."

She automatically gasped on what she've heard. Talaga namang magugulat siya, eh wala akong nababanggit sakanya noon eh. Teka, bakit nga ba hindi ko nababanggit sakanya 'to?

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now