ATH 35

108 1 0
                                    

Grant Blue's POV

Nakatulala ako habang nakaupo dito sa couch na nasa private room ni Dad sa ospital. Isang linggo na akong puyat kakabantay pero hindi ko iniinda yun, mahalaga at mahal ko ang Dad ko kaya ayos lang kahit hindi ako matulog kakabantay sakanya.

Dumalaw na dito kanina sina Jude at si Mico kasama si Heira. Tinanong ko si Heira kung kelan ba dadalaw si Kaecee dito pero hindi daw niya alam. It's been one week since I left her on the cafe and after that, wala akong na re-recieve na texts and calls sakanya. Ayos naman kami diba? ata. Ayos na nga ba kami? O ako lang ang nag iisip nun? Pero narinig kong na miss niya ako at narinig kong pumayag siya na bumalik kami sa dati pero bakit ganito? Bakit wala siyang paramdam man lang sakin? Kailangan ko siya eh, kailangan na kailangan.

Napatayo ako nang biglang gumalaw si Dad at pilit na iginagalaw ang left side na braso niya na na-paralyze.

"Dad. Don't, mas lalo lang pong lalala yan." Pagsaway ko sakanya at kumuha ng tubig para painumin siya. Pilit na nagsasalita si Dad pero pinipigilan ko nalang siya. I hate seeing my Dad like this pero wala akong magagawa. All I need to do is to be on his time everytime.

I froze when my Dad held my hand atsaka may lumabas na luha sa mga mata niya. Nahihirapan siya.

Hinila ko yung upuan na nasa gilid ng kama niya at doon naupo.

"D-dad, kaya natin to okay? Maigagalaw mo din ang katawan mo. Magpapa-theraphy tayo, okay?"

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko at lumabas na ang mga luha ko.

"D-dad. Mahal na mahal ko po kayo kaya magpapagaling ka ah?"

He nodded kahit nahihirapan siyang gumalaw. I hug him at naramdaman ko ang pagtapik niya sa pamamagitan nung kamay niya sa left side. Right side of his body kasi, paralyzed. Buti nalang at yung left hindi.

"Dad, I promise. Hindi ko po kayo iiwan hangga't hindi kayo gumagaling. I promise."

×××××××

Umuwi muna ako saglit sa bahay para maligo at mag-empake ng damit para may isuot ako sa ospital. Well, same as Dad. Kinuha ko na din yung mga important things niya na hindi nadala kahapon ni Mom.

Palabas na sana ako ng bahay nang biglang nag-ring yung phone ko and when I check it, it's Kaecee.

Mabilis kong pinindot ang 'accept' button at itinapat sa tenga ko ang phone.

"Hello?"

(Grant.)

Para bang kinabahan ako sa tono ng boses niya. Bakit parang iba?

"Bakit? May problema ba Baby--"

(Magkita tayo mamaya. 4 P.M .Sa playground ng subdivision namin. Pumunta ka, please.)

After she said those, in-end niya na yung tawag, leaving me curious on what she said.

Anong sasabihin niya?

>>>

Napabuntong-hininga ako nang halos hindi na umuusad ang mga kotse dito sa may EDSA. Ang traffic! Nakakainis!

"Bwisit." Sambit ko nang biglang bumusina yung katabi kong kotse. Tch, ingay. Hinayaan ko nalang yun at hinintay na umusad ang traffic.

Mga thirty minutes din ang hinintay ko bago ako makalabas sa traffic na yun. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko sa kotse ko papunta sa subdivision nila Kaecee.  5:05. Late na ako, sht.

Pagkarating na pagkarating ko, agad akong bumaba sa kotse ko at nadatnan si Kaecee na nakaupo sa isa sa mga swing. Tumayo siya at akmang paalis na sa playground pero tumigil siya nang makita niya ako. Sht, I'm sorry Kae.

I ran towards her wearing my smile but it fades when I saw her looking at me blankly. Wala akong makitang ekspresyon sakanya. Bakit?

"Ah Kae, sorry na late--"

"Wag mo na ako kakausapin at lalapitan pa Grant. Kalimutan na natin ang isa't isa. Please?"

Parang bigla akong nanghina sa mga narinig ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Salamat nalang sa lahat Grant. Kalimutan nalang natin lahat 'to. Move on." Nakangiti niyang sabi bago ako lampasan at tapikin sa balikat ko.

Nilingon ko siya na kasalukuyang naglalakad pauwi sakanila. Hindi, hindi ko kaya.

"Kaecee!" Tumakbo ako papunta sakanya habang may mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Desperado na kung desperado pero hindi ko kayang wala siya. Hindi.

Mabilis kong hinawakan ang braso niya nang maabutan ko siya. Iniikot ko siya kaagad at niyakap. "P-please Kae. No, wag mong gawin 'to."

"Grant, bitaw na."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Bitaw na. Parang hindi ko kaya. Hinding hindi.

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan siya sa magkabilang braso niya tsaka siya matamang tinignan.

"Kaecee. B-bakit? Anong problema? Pwede nating pag-usapan 'to. Please?"

She looks at me intently at inalis ang pagkakahawak ko sakanya. Tumalikod siya at narinig ko ang paghikbi niya. Ano ba talagang problema?

"Grant, buntis ako."

Kaecee's POV

1 day ago

Nakaramdam ako ng pagkahilo pagkaupo ko galing sa kusina. Wala naman akong sakit ah.

Napahawak ako sa ulo ko at dahan-dahang humiga. Argh, nahihilo na talaga ako.

"H-heira." Sambit ko kay Heira na kasalukuyang nagluluto.

"Bakit?"

Hindi na ako nakasagot dahil nanghihina na din ako.

~

Pagkamulat ko ng mga mata ko, tumambad saakin ang puting kisame at ang ingay na pamilyar. Nasa ospital ako.

"Ms. Hidalgo, finally you're awake." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Dra.Joana, doctor ko dito sa St. Luke's.

"Ah doc, ano pong sakit ko?"

She smiled at me meaningfully and taps my shoulder. "Congratulations Kaecee, you're one week pregnant."
~

Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko nung mga oras na yun. Oo, aminado akong may nakagalaw na saakin. Pero iisa lang. Si Grant.

Kaya siya nandun sa kwarto ko nung ginising niya ako ay dahil may nangyari saamin. Oo, meron. Pero hindi ko inaakalang may mabubuo.

Masaya ako nun at the same time, natatakot. Ano nalang ang sasabihin saakin ng fans ko? na isa akong teenage mom? I'm only 17 at wala pang 18 but nabuntis na ako. What I have done?

Excited akong sabihin kay Grant ang tungkol dito pero nalaman kong na-stroke pala si Tito kaya nagdalawang isip ako. Pagod si Grant. Ayokong makihati sa atensyon na ibinibigay niya sa Dad niya.

Hindi ko sinabi sakanya. Instead, pinapalayo ko siya at yun ang ginagawa ko ngayon. Papalakihin ko ang bata ng ako lang. Kaya ko naman eh, kaya. Kakayanin.

Iiwan ko ang showbiz para sa baby ko. Gagawin ko yun.

"Baby, sorry kung hindi mo makakasama si Daddy ha? Maiintindihan mo din yun sa tamang panahon." Sambit ko habang hinihimas ang tiyan ko. "Mahal na mahal ka ni Mommy."

Masakit na iwanan si Grant. Pero para naman to sa ikabubuti nita, para na din hindi siya madamay sa maaring issue na lumabas. I want him to have a normal life na nasira simula ng makilala niya ako.

Kakayanin ko 'to. Kakayanin mo Kaecee.

××××

Pasensya na po kung ngayon ang UD ko instead kahapon which is Wednesday. Marami po kasing homeworks.

Vote and comment!



Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now