ATH 30

88 1 0
                                    

Kaecee's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ko, doon ko iniyak lahat. Dito na ba magtatapos lahat? Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan? Bakit ba pinipilit niya na ako talaga yun? Hindi naman kasi ako yun eh! Hindi ako! Paano ko siya ite-text ng ganun kung mahal na mahal ko siya? Nakakainis!

Pinunasan ko na yung mga luha ko at dumiretso sa kitchen para uminom ng tubig. I want to refresh right now. Gusto kong mag un-wind. Gusto kong kalimutan muna yung mga problema ko kahit na isang linggo lang.

I texted Manager Nic na mag le-leave ako ng one week para maka pag un-wind. Tutal, tapos naman na yung shooting namin for the movie kaya ayos lang. Gusto kong mapag-isa sa bakasyon ko. Gusto ko ako lang. Gusto kong makapag isip-isip. Gusto ko ng payapang lugar.

Nag research ako kung saan ba magandang magbakasyon and then I saw a beautiful hacienda na isa ding bahay bakasyunan. Sa may Pangasinan siya, two storey house na talagang hacienda ang dating. I wonder kung bakit yun naging bahay bakasyunan. Sa may San Fabian yun naka locate. Well, doon nalang siguro ako magbabakasyon for one week.

I called Ate Trina na kung pwede, dalhin dito yung kotse ko mamaya para yun nalang ang gamitin ko, besides marunong naman akong mag drive eh. Hindi lang halata.

Papasok na sana ako ng kwarto ko nang biglang may nag-buzz sa may pinto.

"Sino naman kaya 'to?"
Pagkabukas ko ng pinto, isang gallon ng ice cream ang tumambad sa mukha ko. Bale parang nakataas yung ice cream. "Hi bestfriend!"

"Zedric?" Ohgosh. Anong ginagawa nito dito? Umagang-umaga ah. "Pwede bang pumasok muna tayo? Tsk tsk." 

Napailing nalang ako at pinapasok na siya sa unit ko. Prente lang siyang umupo sa sofa at habang ako, kumuha ng dalawang kutsara para saaming dalawa.

"Wala ka bang new movies dito, bestfriend?" He asked habang naghahalungkat siya ng ma dvd's ko sa may ilalim ng lagayan ng T.V.

"Ah. Wala eh. Pero palagay ko, may na save dun sa flashdrive ko. Wait, kunin ko lang."

Pumasok na ako sa kwarto ko para kunin yung flashdrive ko. Pagkakuha ko, agad ko iyong ikinonect sa may dvd player at pumunta sa may files na 'movies'

"Naks naman. Ang dami ah! Sino nag save? Si Grant?" Bigla akong natigilan sa pagkain ng ice cream nang mabanggit ni Zed si uhh--Grant.

"Ah. Uhm, sorry. Hmm. Etong Civil War? Gusto mo?" I just nodded as an answer. Tahimik lang niyang pinlay yung movie at umupo sa tabi ko.

"Anong nangyari?" Agad naman ako napatingin sakanya na kasalukuyang kinukuha yung kutsara na dala ko kanina na nasa center table.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" I tried to act cool. Syempre alam ko naman ang sinasabi niya, ayaw ko lang pangunahan.

"Tsk. Slowpoke. Anong nangayari sainyo ni Grant?" Naiirita niyang tanong sabay kuha at kain ng ice cream na nasa gallon pa na hawak ko.

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now