ATH 40

140 3 2
                                    

Grant Blue's POV

"Okay, Bea. Lituhin mo yung guards diyan since artista ka naman. For sure, mai-starstruck sayo iyong mga yon. Gawin mo ang dapat na gawin para maialis yung atensyon nila sa binabantayan nilang gate."
Nakita ko ang paglaki ng mga mata nito at pag form ng 'o' ng kaniyang bunganga.

"What?! What do you mean, Zedric?! I'll seduce them?!" Mahina ngunit pasigaw na reklamo nito. Mahirap na kasi, baka may makarinig.

Zedric smirked, "Kung kinakailangan."

"Whatever." Then she rolled her eyes atsaka pinag-krus ang kaniyang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib.

"Tapos Mico at Heira, magtago kayo dito sa may damuhan. Kapag nalito na ni Bea yung mga guards, tsaka kayo pumasok ng dahan dahan then pupukpukin niyo na sila gamit yung nga kahoy na dala niyo."

"Got it." "Sige sige."

Zedric landed his sight on Ivy, Jude, Patricia and Minhyuk. "Kayong apat naman, kayo ang mag-aayos nung lubid na gagamitin namin ni Grant para makaakyat diyan sa pader. Doon tayo sa may likod dadaan dahil panigurado, walang bantay dun."

Agad kong tinapunan ng tingin yung bahay na pinagtataguan ni Tyler kay Kaecee. Matataas ang mga pader nito at mukhang mansiyon ang nasa loob.

"Eh ako, anong gagawin ko?" Ate Trina asked habang nakapameywang.

"Uhh, sasama ka saamin ni Grant na umakyat ate. Para may kasama kaming dalawa sa loob na magliligtas kay Kaecee."

~
Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming trabaho. Inilabas na nila Jude at Minhyuk yung mga lubid na gagamitin at inassemble na nila ito kasama ang mga girlfriends nila.

Si Bea naman, nakapwesto na sa may gilid ng gate habang naghihintay ng signal namin. Sina Mico at Heira, nagtatago sa isang puno na katabi nung gate. At habang kaming tatlo nila Ate Trina at Zedric, nakapwesto  a sa likurang bahagi ng mansiyon at hinihintay nalang na matapos nung apat yung gagamitin namin.

"Eto na. Ingat kayo."
Pagkasabi noon ni Jude ay tinanguan ko siya at sinabihan na senyasan na si Bea na magsimula nang umacting.

Sht. I hope na magtagumpay kami dito.

Third Person's POV

Inihagis na ng tatlo yung lubid at sakto namang sumabit ito sa grills na nagsisilbing disenyo sa matataas na pader. Naunang umakyat si Grant, sumunod si Trina at huli si Zedric.

Samantalang si Bea naman,

"Manong. Hindi niyo po ba ako nakikilala? Ako yung kasama ni Tyler sa isa sa mga movies niya. He texted me na andito siya kaya pumunta ako."

Agad na nagtinginan ang mga nakabantay. Nagdadalawang isip kung papapasukin ba si Bea o hindi.

Tumango naman ang isa, "sige po, pasok na po kayo."

Makikita ang ngiting tagumpay sa mga labi ni Bea bago niya sabihing,

"Now." hudyat na pupukpukin na nina Mico at Heira ang dalawang lalaking nakabantay sa gate. Agad nilang pinagpupukpok ang mga ito hanggang mawalan ng malay.

Nag-apir pa ang dalawa at agad na sumunod kay Bea sa labas.

Samantalang ang tatlong umakyat naman ay dahan-dahang naglalakad patungo sa pintuang nakita nila na nasa likuran ng mansiyon.

Agad na binuksan ni Grant iyon nang makitang walang bantay ito. Maingat silang pumasok at iginala ang tingin upang tignan kung may bantay ngunit wala. Lingid sakanilang kaalam ay dalawang bantay lamang ang inupahan ni Tyler at ang dalawa ay na K. O na pala nang hindi niya nalalaman.

Addicted To Her (COMPLETED) Where stories live. Discover now