Chapter 1

129 8 2
                                    

Nayumi's POV

"Ma pwede na po bang pumunta sila Sara dito?" tanong ko kay Mama Riezza ko. "How many times do I need to tell you na hindi sila pwedeng pumasok sa bahay natin kasi hindi nila pwedeng makita ang loob ng palasyo ng mahal kong prinsesa," sabi ni Mama sabay wink.

Yan yung laging sinasabi ni Mama sa akin bago ako nun magbirthday, ayaw niya talagang magpapapasok ng kung sino-sino lang sa bahay namin, even maghire siya ng mga maids ayaw niya. Kaya tulong kaming dalawa sa paggawa ng mga household chores.

18 years old ako ng mamatay si Mama at Papa. Tandang tanda ko pa nung araw na yun it was a bright day. Everything was so perfect and magical, it was my birthday, I was so beautiful that day, I wear a color pink gown with a crown. I look like a real princess that day.

My parents and I ready to go to my party kaso may kinausap si papa nun and si mama hinigit ako sa kwarto nila that time may sinabi sa akin si Mama "Your words are so powerful my princess di ka nila titigilan, keep this things at wala kang ibang bagay na dadalhin mula dito sa bahay, here's your ATM, andiyan na rin ang mga papers ng mga ari-arian natin, remember Nayumi wag ka ng babalik pa dito sa bahay, hanapin mo ang sariling ikaw, mahal na mahal ka namin mahal na prinsesa, sana ay mapatawad mo ako sa nagawa ko mahal na prinsesa, pinagkait ko sa'yo ang katotohanan, umalis ka na bring this Gem stone, wag ka ng bumalik pa sa bahay na ito," sabi ni Mama at bigla na lang may mga luhang pumatak sa mga mata niya.

Pinatakas niya ako nun, yung maaliwalas na araw ng birthday ko ay biglang nagdilim, takbo lang ako ng takbo nun. Habang dala ko yung bag na binigay sa akin ni Mama. Umiiyak lang ako ng umiyak nun. Hanggang sa nakarating ako sa maliit na barong-barong pumasok ako dun at dun nagpalipas ng sama ng loob. Nung mga oras na yun hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni mama na hanggang ngayon ay binabagabag ang aking damdamin.

Makalipas ang isang araw bumalik ako noon sa bahay namin. Maraming tao ang nakapalibot sa aming bahay, patay na si Mama Riezza at Papa Allan, pumatak uli ang mga luha sa aking mga mata at bumalik na ako sa barong-barong. Wala namang nakatira dito kaya hindi muna ako umalis dito.

Isang taon na ang nakalipas mula nun, naubos na ang aming ari-arian dahil sa mga naghabol na kapatid ni papa. Habang ako wala ng ibang magawa kung hindi magtrabaho ng kung ano-ano. Ang tanging natira sa akin ay ang mansyon namin, kaso sabi ni mama wag na daw akong bumalik dun kaya binenta ko na kasama yung mga gamit, at bumili ako ng sarili kong bahay maliit lang siya pero up and down din, ako lang naman ang titira kaya okay na 'to, yung ibang pera ko inilagay ko na muna sa bangko, naisip ko kasi na yun ang ipang-eenroll ko sa EA kaya nagtatrabaho pa ako ng mabuti para talagang tuloy-tuloy na ako sa pag-aaral ko.

At ngayong araw simula na naman ng paghahanap ko ng panibagong trabaho, napatalsik kasi ako ako sa trabaho ko dahil sa mga matataray na babaeng yun. Ako nga pala si Nayumi Finley.

Inayos ko na ang hinigaan ko, at naligo, kumain ng isang tinapay at naghanap na uli ng trabaho. Kaso wala talaga akong mahanap na pwedeng ifit sa personality ko eh. High school lang ang natapos ko at walang masyadong experience tungkol sa trabaho eh ang alam ko lang ay mag linis ng bahay at magluto expert ako dun.

Nagmadali akong pumunta sa bahay ng kaibigan ko, "Oh Yumi hingal na hingal ka ata? May kailangan ka ba?" pambungad naman sa akin ni Dinah "Dinah may trabaho ka ba diyan para sa akin?" tanong ko sa isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. "Ay oo, punta ka sa fast food chain na ito te, naghahanap sila diyan ng extra," sabi niya sa akin "Salamat Dinah alis na ako," sabi ko sa kaniya at maglalakad na sana kaso hinila niya ang braso ko paharap sa kanya.

"Ateng hinay-hinay sa pagtatrabaho huh! Napapagod ka din ateng hindi ka makina! Why don't you have a break?" sabi niya sa akin umiling naman ako "You know Dinah, maraming maraming salamat pero alam mo naman na nag-iipon ako para makapag-aral sa Enchanted Academy di ba, so hindi ako dapat tumigil na magtrabaho," sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Pero sa pangalawang pagkakataon hinila niya uli ako paharap sa kanya.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now