Chapter 18

21 7 0
                                    

Kieran's POV

"Ina," sabi ko ng makita ko ang aking Ina na nakaupo sa may fountain at hawak ang isang kapa "Kieran," sabi naman ni Ina at lumapit ako sa kaniya.

"Mukhang malalim po ang iniisip niyo Ina," sabi ko naman sa kaniya "Sa katunayan niyan ay napapaisip ako kung paano naging Glass Princess ang Mayumi na yun," sabi naman ni Ina.

"Maging ako man Ina ay hindi rin makapaniwala, ni wala sa kaniya ang characteristic ng isang Glass Princess," sabi ko naman "At ang masaklap pa niyan hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mortal na nakahimlay sa kanlungan ni Inang Tamara," sabi naman uli ni Ina.

"Baka naman po pwede tayong tulungan ng mga Angel of Judgement Ina, lihim natin silang kakausapin lalo na po si Ysera, alam ko naman pong may alam si Ysera na ayaw niyang ipaalam sa atin dahil baka mangialam ka na naman Ina," sabi ko nama sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka," sabi naman ni Ina napangiti naman ako "Kung totoo man ngang may alam si Ysera dapat na natin siyang kausapin," sabi naman ni Ina at pumunta kami sa silid ng mga Angel of Judgement.

"Superior Mine-A ano po ang ginagawa niyo rito?" tanon naman ni Frigg "Kailangan namin si Ysera," sabi naman ni Ina "Ano ang kailangan niyo sa akin mahal na Superior?" sabi naman ni Ysera at lumapit siya sa amin.

"Anong nangyari sa iyong mga mata? Bakit onti-onting namumuti?" tanong ko naman "May nalalapit na pangitain kaya naman nagkakaganiyan ang aking mata," sabi naman ni Ysera.

"Kailangan namin ang tulong mo," sabi naman ni Ina "Hindi po ako pwedeng mangialam sa inyo," sabi naman ni Ysera "Pero Ysera ikaw na lang ang tanging susi para malaman kung nasaan ang tunay na prinsesa," sabi ko naman.

"Dadating ang oras na si Superior Mine-A pa rin ang makakahanap sa prinsesa," sabi naman ni Ysera ng bigla itong natumba at nangisay.

"Ysera, Ysera," sigaw naman ng nakararami ng biglang nagmulat si Ysera na puti  na ang kaniyang mga mata.

"Ang propesiya, narito na ang pangitain ni Ysera," sabi naman ni Ina at tumahimik naman kaming lahat "Sa tunay na kaarawan ng Prinsesa sa ilalim ng dalawang buwan makikilala ang tunay na Prinsesa, isang elemental guardian ang magdadala ng kasagutan, sa pagsapit ng alas-dose sa pagtunog ng mga kampana baba ang mga kasapi ng naglahong pamilya at ibibigay ang tunay na kasagutan sa mga tanong na walang sagot, ngunit sa pagsapit ng huling tunog ng kampana kapag hindi naibigay ang kailangan ng Prinsesa ito ay mamatay," sabi ni Ysera at nawalan ito ng malay.

"Magiging okay lang si Ysera," sabi naman ni Glacia at inilalayan na nila ito paupo sa isang bangko "Kailan ang kaarawan ng prinsesa?" tanong ko naman "Bukas ng alas-dose ng gabi tutunog ang kampana kasabay nun ang koronasyon ni Princess Mayumi," sabi naman ni Ina.

"Pero Ina dapat itong malaman ng Hari at ng Reyna," sabi ko naman kay Ina "Dapat talaga, kaya lang ang problema babawiin pa ba natin ang sayang nararamdaman ng ating Hari at Reyna?" sabi naman ni Ina "Pero Ina hahayaan na lang ba natin silang lamunin ng kasinungalingan? Hahayaan na lang ba natin na sila ay magbulag-bulagaan? Ganun ba ang ibig niyong sabihin?" sabi ko naman sa kaniya.

"Kapag may sapat na tayong ebidensiya saka natin sila sasabihan," sabi ni Ina ng biglang bumangon si Ysera "Malabo pero alam ko na ang pamilyang nakita ko sa aking pangitain ang siyang magpapakita sa atin," sabi naman uli ni Ysera.

"Pamilya?" sabi naman ni Ina "Malabo po pero parang ang Goddes Family," sabi naman ni Ysera "Ina," sabi ko naman "Ang pamilyang pinanggalingan ko? Ang mga Linean?" sabi naman ni Ina tumango naman si Ysera.

"Anong klaseng pangitain iyan, nakakapagtaka bakit sa dinami-rami ay ang aking pamilya pa, maghanda kayo bukas kailangan nating masaksihan ang pangyayaring iyan, sabihan ang iba utos ito ni Superior Mine-A Easkerton, gusto kong ilihim niyo ito sa mga hindi katiwa-tiwalang tao dito sa palasyo, nagkakaintindihan ba tayo?" sabi naman ni Ina at tumango naman kami.

Angel's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon