Chapter 11

35 7 0
                                    

Kaito's POV

"Master nabalitaan niyo na po ba ang nangyari kay Nayumi?" tanong sa akin ni Chrome "Oo, nasabi na sa akin ni Dinah, pero hindi maaring masira ang aking ginagawa," sabi ko naman kay Chrome "Hindi mo man lang ba siya Master dadalawin?" tanong naman niya "Ligtas naman siya kasi andun si Nessia at Lady Delphi," sabi ko naman.

"Chrome sa tingin mo tama ba ang desisyon ko na dalhin si Nayumi dito? Parang mas lumala lang ang kaniyang sitwasyon eh," sabi ko naman sa kaniya "Master tama lang po yun," sabi naman ni Chrome "Chrome nasan ka ba, magpakita ka na nga," sabi ko naman, pano ba naman nag-invisible na naman siya.

"Master," sabi niya sa akin paglingon ko "Chrome ikaw ba yan, pe-pe-pero bakit ganyan ka na kalaki?" tanong ko naman kasing taas ko na siya at ang gwapo niya "Kasi po Master si Marina eh pinagtripan na naman ako, kaya naging ganito na ako kalaki," sabi naman niya.

"Ilalabas ko na ngayon ang result ng unang kompetisyon, sana matanggap nila yun," sabi ko naman sa kaniya "Sige na Master," sabi naman ni Chrome nagnod naman ako "Seem's you're ready to announce the first result," sabi naman ni Dinah sa akin "Ang unang result ang magsasabi kung sino sa kanila ang maaring makakuha ng pinakamataas na posisyon ngayon," sabi ko naman sa kaniya.

"Pero ang huling desisyon ay sa'yo pa din nakasalalay Kaito hindi ba, hindi lang naman dahil sa pinakita nila ang ijujudge mo eh, pati sa mga nakaraang standings nila," sabi naman ni Dinah nagnod naman ako "Let's go," sabi naman uli niya at pumunta na kami stage sa labas ng palasyo.

"Nayan na si Lord Kaito malamang iaanounce na niya," sabi naman ng iba, kalmado lang ang mga Angel's pero sigurado ako kinakabahan pa din ang iba sa kanila. Reputasyon kasi nila yun eh. "Olá," bati ko sa kanila "The first result will be announce today," sabi ko naman sa kanila.

Ang result ngayon ang magsasabi kung sino ay may mas mataas na possibility na manguna sa buong Ranking Quest. "Base sa mga pinakita ng mga kalahok kahapon pinupuri ko ang lahat, may umangat at may naiwan man, merong hindi nakatagal sapagkat tinulungan ang kasamahan niya, meron namang nagpakabayani, namangha ako sa ipinakita ninyong lahat, unang round pa lang ito subalit napakagagaling na ng pinakita ninyo.

Nagtataglay kayo ng ginintuang puso, ngunit ikinalulungkot kong sabihin na nakakuha ng pinakamababang posisyon ay ikaw Marina, hindi mo man natagalan ang init ng paligsahan ngunit wag kang yumuko sapagkat nagawa mo pa ding makipagtagisan sa kanila kahit na ganun ang nangyari, iangat mo ang ulo mo, wag kang mahiya.

Sunod ay ikaw Amora, pangatlo sa pinakamababang nakakuha ng posisyon ay ikaw Vienna, sumunod kay Vienna ay si Grace, sunod sa kaniya ay si Loralei, sunod ay si Aeode, sunod ay si Eostre, iangat mo ang ulo mo Nyssa dahil ikaw ang sunod kay Eostre, sunod ay si Theia, sunod sa kaniya ay si Raphael, sunod ay si Aphrodite, sunod sa kaniya ay si Sunniva, wag kang mahiya Sylvia ikaw ang sumunod.

Ikaw ang panglabing-apat Ysera, Varda ikaw ang sunod, pero hindi ibig sabihin nun magsasaya ka na Nocturna dahil ikaw ang sunod kay Varda, tandaan mo hindi pa ito ang tunay na resulta wag kayong makampante, Mikaela ikaw ang sunod kay Varda, sunod sa kaniya ay si Boadicea, sunod sa kaniya ay si Isolde.

Sunod sa kaniya ay si Angelina, sunod ay si Lunaria, sunod sa kaniya ay si Hemera, sunod ay si Glacia, at ang pangalawang nakakuha ng pinakamataas na rank sa first round ay si Noelle at ang nangunguna sa ngayon ay si Frigg, inaasahan ko na may ipapakita pa kayong kakaiba ngayon, hindi dapat kayo magpatalo sa resulta ng unang round, yun lamang at magkita-kita tayo bukas sa pangalawang round."

Sabi ko sa kanila marami ang namangha sa unang resulta lalo na at hindi inaasan na si Frigg ang mangunguna ngayon. Pumasok na uli ako sa loob ng palasyo at kinuha ko na ang mga gagamitin ko, kasi irereview ko pa ang mga reports sa mga Angel of Judgement.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now