Chapter 20

18 7 0
                                    

Kaito's POV

"Malapit ng sumapit ang alas-dose," sabi naman ni Lady Kylie at pumunta na kami sa bulwagan, pagkadating namin dun ang dami na agad tao nakita na rin namin si Mayumi na nakaupo sa may tabi ng Hari at Reyna "Ina," sabi naman ni Kieran at lumapit na sa amin ang mga Luminous Princes and Princess "Kieran nasabihan mo na ba ang lahat ng taga-Ezzo ng tungkol sa propesiya?" tanong naman ni Superior Mine-A "Opo Ina," sabi naman ni Kieran.

"Mienna asan ang iyong kapatid?" tanong naman ni Sovereign "Hindi ko pa po siya nakikita Ina pero alam niya po ang mangyayari ngayon," sabi naman ni Princess Mienna "Pagtunog ng kampana lahat kayo maging alisto," sabi naman ni Madame Cassiopeia "Paano kung hindi po magkatotoo ang pangitain ni Ysera?" tanong naman ni Prince Lax "Magkakatotoo yun, may isang Elemental Guardian na ang nagdala ng mga gamit na ito," sabi naman ni Lady Kylie.

"Frigg pangunahan mo ang iba pang Angel of Judgement lumipad na kayo at sundin ang naayun sa ating plano," sabi ko naman at nagsilipadan na sila "Ang dalawang buwan!" sigaw naman ni Lunaria at napatingin kaming lahat sa buwan napatingin naman ang lahat ng nilalang sa mga Anghel na lumipad ng biglang tumunog ang kampana.

"Oras na," sabi naman ni Superior Mine-A at nagkagulo ang buong hall "Anong nangyayari dito?" tanong naman ni Queen Ezmeralda pero ni isa sa amin walang umimik ng biglang nagliwanag ang buong paligid nakakasilaw man pero halos lahat sa amin ay nakamulat pagkawala ng nakakasilaw na liwanag napatayo ang Hari at Reyna at napaluha ang Superior.

Isang katangi-tanging pangyayari ito, ang pamilyang nawala ay muling bumalik nakita ko sa aming harapan ang Madame Riezza na nakita ko sa larawan "Ina!" sigaw naman ni Superior Mine-A at tumakbo siya "Aking Mine-A," sabi naman nung babae at niyakap niya ang Superior.

"Anong nangyayari? Ano ang ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ni Glass King "Supreme Chief Kaito Randall maraming salamat sa iyong pag-aalaga sa aking pinakamamahal na anak," sabi naman ni Madame Riezza at lumapit siya sa akin "Dahil sa'yo natupad ang nakasaad sa Propesiya," sabi naman uli ni Madame Riezza.

"Dakpin ang taksil na yan!" sigaw naman ni Queen Ezmeralda "Mahal kong Reyna, Mahal kong Hari, ipagpaumanhin niyo po ang nagawa ng aking anak na si Riezza, si Riezza ang pinakamalakas na Linean na naging daan upang maisakatuparan ang tunay na nakasaad sa propesiya, kung hindi dahil sa kaniya matagal na pong patay ang iyong tagapagmana," sabi naman nung isang babae na kasama ng pamilya.

"Kami ang Pamilyang Linean na tunay na tapat sa Ezzo noon pa man ay humihingi ng kapatawaran, andito kami upang ipaalam ang tunay na nangyari sa likod ng kaguluhan dito sa Ezzo," sabi naman uli ni Madame Riezza "Noon pa man ay alam na namin kung bakit kami nabubuhay dito sa Ezzo kami ang pamilyang Linean na biniyayaan na makita ang nakaraan at hinaharap, sa tuwing ipapanganak ang tagapagmana ng Glass ito ay aming hinahawakan upang masiguro na magiging maayos ang hinaharap nito.

Ngunit nung hinawakan ko ang kamay ng sanggol na si Princess Shyla nakita ko ang lahat, ang lahat na posibleng mangyari kaya itinakas ko siya, isang lalaki ang dapat na papatay sa ating nag-iisang Prinsesa malabo at hindi ko maaninag ang kaniyang mukha kaya naman naisipan kong ilayo sa Ezzo ang batang iyon wala akong mapuntahan kaya dinala ko siya sa mundo ng mga mortal.

Itinurin ko siyang anak, inalagaan at binihisan ng isang mortal, at hindi yang babaeng iyan na nakaupo sa trono ang tunay na tagapagman ng Luminous, kilala ninyong lahat ang aking tinutukoy lalo ka na Mine-A binayayaan ka ng Gift of Hunch dahil nakalagay sa propesiya na ikaw ang tutuklas sa kaniyang pagkatao pero anong ginawa mo imbis na sundin ang kutob mo ay pinahirapan mo pa ang Prinsesa.

Magsisisi kayong lahat, nasayang lang ang aking paghihirap upang iligtas ang batang iyon tapos ito ang igaganti ninyo sa akin? Tanggap ko na tinawag niyo akong taksil ng Luminous at taksil ng Glass pero hindi ko papayagan na ang lapastangang babaeng iyan ang uupo sa trono ng Glass!" sigaw naman ni Madame Riezza at nagliyab ang kaniyang mga mata.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now