Chapter 2

64 9 0
                                    

Nayumi's POV

"Umupo ka," sabi niya sa akin at may kumontrol na naman sa akin at napaupo ako bigla "That guy, mag-iingat ka sa kanya, may masama siyang motibo sa'yo," sabi niya sa akin napataas naman ang kilay ko sa narinig ko sa kanya "Hindi mo kilala si kuya Miko, kaya wag mo siyang husgahan," sabi ko sa kanya "Bakit ikaw kilala mo na ba siya ng lubusan? Di ba hindi pa rin naman, I'm telling you layuan mo siya," sabi naman niya sa akin.

"Bakit alam mo ba ang totoo?" tanong ko sa kanya "Oo alam ko, hindi mo ba nakikita ang mga tingin niya sa'yo? Ibang-iba," sabi niya sa akin "At bakit naman ako maniniwala sa'yo, hindi pa rin naman tayo magkakilalang masyado," sabi ko kanya "Mas dapat kang magtiwala sa akin, kesa sa kanya," confident niyang sinabi sa akin.

"Mag-ingat ka sa kanya," sabi niya sa akin at tumayo na siya at umalis naiwan akong mag-isa sa table, tumayo na ako at pumunta sa cashier "Anong nangyari?" tanong naman ni ate Mia umiling ako at nagbitaw ako ng isang ngiti. Ngiti na halatang pilit. May gumugulo pa rin talaga sa isip ko, naasar ako, nabwebwesit ako, bakit ba ganito ang naiisip ko. Sa pinapakita naman ni kuya Miko sa akin hindi naman siya ganun kasama.

Napakabait sa akin ni kuya Miko at hindi naman siya kahina-hinala. Uwian na at nauna na akong lumabas ng makita ko si kuya Miko sa may parking lot. "Oh Yumi, halika na sabay ka na sa akin," sabi niya sa akin umiling naman ako "May dadaanan pa ako kuya," sabi ko sa kanya "Eh di dadaanan natin," sabi ni kuya at ngumiti pa.

"Pero kasi kuya," sabi ko sa kanya nagdadalawang isip kasi ako kung sasabay ba ako sa kanya o hindi. Naguguluhan ako kasi sa mga sinabi ni Sir at Rina. "Sige na, wag ka ng mahiya, tara na," sabi niya sa akin at hinila ako papunta sa motor niya. Pinasakay na niya ako "San ka pa ba dadaan?" tanong niya sa akin "Wag na pala kuya, papaasikaso ko na lang pala kay Dinah," sabi ko sa kanya at ngumiti siya "Ah sige," sabi niya at dumiretso kami sa bahay ko.

Pumasok ako at sumunod siya bigla na lang niyang nilock yung pintuan at hinigit niya ako "Kuya bakit yun?" tanong ko sa kanya hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko kaya nagwala na ako "Kuya anong balak mong gawin sa akin?" sigaw ko sa kanya sabay tinulak ko siya at umakyat ako sa taas pero hinila niya uli ako palapit sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisngi ko.

"Sa tingin mo magiging mabait ba ako sa'yo kung wala akong gusto sa'yo huh, nagkakamali ka, I like you Nayumi, I really do," sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa leeg "Akala ko mabait ka, akala ko mapagkakatiwalaan kita, nagkamali pala ako," sigaw ko sa kanya at nagpupumiglas uli ako "Yan ang isa mong kahinaan Nayumi, madali kang magtiwala sa mga taong nasa paligid mo," sigaw niya sa akin sabay nagsmirk siya at hinalikan niya uli ako sa leeg ko.

"Tulong, tulong, tulungan niyo ako," sigaw ko habang nagpupumiglas ako sa kanya "Walang tutulong sa'yo dito," sigaw niya sa akin at unti-unti na niyang binubuksan ang polo na suot ko. Ng biglang may lumitaw na lalaking nakatayo sa may bintana sa hallway ng second floor ng bahay ko at biglang nagpalabas ito ng pakpak ng parang sa isang anghel.

"Sino ka?" sigaw ni kuya Miko "Tu-tu-tulungan m-mo po ako," sigaw ko dun sa lalaking may pakpak "At bakit kita tutulungan gayong galit na galit ka sa akin?" sabi nung lalaking may pamilyar na boses "Sige ituloy mo lang yan, ang ganda niyo kasing panuorin eh," sabi naman niya at napangiti naman si kuya Miko at hinalikan niya uli ako sa leeg ko at tuluyan na niyang nabuksan yung polo ko, buti na lang talaga may sando ako.

"Aba't itinuloy nga," sabi naman nung lalaki tiningnan ko siya pero di ko maaninag ang mukha niya at biglang nagliwanag ang kanyang kamay at inihagis yun kay kuya Miko tinamaan nito si kuya at tumalsik, kahit wala akong masyadong lakas at hinang-hina na ako pinilit kong tumayo at lumapit dun sa lalaki, ng makita ko ang mukha niya s-s-si Sir sa fast food chain.

"Stay at my back," sabi niya at biglang naglaho ang kaniyang mga pakpak, isang pitik lang ng daliri niya lumutang si kuya Miko "Ibaba mo ako rito, sino ka ba? Mangkukulam ka, walang hiya ka ibaba mo ako rito," sigaw ni kuya Miko at lumapit siya kay kuya "At bakit ko naman yun gagawin?" tanong nito kay kuya Miko sabay ngumisi siya "Don't worry your karma is on it's way, hindi ako ang magpapataw sa'yo ng parusa," sabi nito kay kuya Miko at binaba na niya ito.

Angel's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon