Chapter 17

15 7 0
                                    

Kaito's POV

Kasalanan mo itong lahat Kaito eh, kung hindi mo sana siya isinama sa Ezzo eh di sana tahimik lang ngayon ang buhay niya, such an idiot. Lumabas na kami sa kwarto ni Nayumi at ang naiwan lang dun ay si Princess Mienna.

"Magiging okay lang kaya siya?" tanong naman ni Kieran "Hindi natin masasabi sa ngayon yan dahil maging ang Bond ring na kumukonekta sa kanila ni Kaito ay nasira na, at malamang isa rin ito sa dahilan kung bakit nagkaganiyan yang si Nayumi," sabi naman ni Prince Hayden.

Lumabas na si Princess Mienna sa kwarto ni Nayumi napatayo ang lahat maliban sa akin na nasa isang tabi lang nakaupo at nakikinig sa mga sinasabi nila "Stable na si Nayumi, ginamitan ko na siya ng Revival Spell at Healing Spell na pwedeng tumalab sa mga mortal, kaya lang masyado pa siyang mahina, baka nga hindi rin muna siya magising agad, pero nakakasiguro naman ako na magigising siya kagaya ng nangyari sa kaniya noon sa Ezzo di ba, at least dito mas magiging mabilis ang paggaling niya dahil sa energy dito sa mortal world," sabi naman ni Princess Mienna.

"Yung mga gustong magpaiwan muna dito kila Kaito para bantayan si Nayumi magpaiwan na, yung mga babalik na sa Ezzo, sumama na sa akin mamaya," sabi uli ni Princess Mienna pero tanging ang kambal na si Prince Larson at Prince Wilson lang ang tumaas, meaning magpapaiwan talaga sila dito.

"Okay na po yung pagkain maari na po kayong kumain," sabi naman ni Chrome at nagnod naman kami, pumunta na sila sa may dining area ng bahay namin at ako naman ay naiwan lang na nakaupo sa isang tabi, "Master Kaito, hindi po ba kayo sasabay sa kanila?" tanong naman sa akin ni Chrome, umiling lang ako "Hindi ako nagugutom," sabi ko naman.

"Master, hindi po magugustuhan ni Yumi kung pababayaan mo ang sarili mo," sabi naman uli ni Chrome "Sige Chrome, mamaya kakain ako, nakakahiya lang kasi sumabay sa kanila," nakangiti ko namang sabi sa kaniya tumango naman siya.

"Kaito, wala ka bang ibang nararamdaman sa bahay mo?" tanong sa akin ni Princess Mienna "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman "Malakas na kapangyarihan, nababalot siya ng puting enerhiya, hindi mo ba talaga nararamdaman?" tanong naman uli ni Prinsesa Mienna, "Merong ibang elemento ang nakapasok sa bahay na ito, hindi mo ba alam kung ano ito?" tanong naman sa akin ni Prinsipe Ethan.

"Simula ng dumating dito sa bahay si Nayumi, naramdaman na namin yun ni Chrome at ni Dinah," sabi ko naman sa kanila "Baka dala ito ni Nayumi," sabi naman ni Kieran "Wala ka bang ibang kakaibang gamit na nakitang dala ni Nayumi kahit larawan man lang," sabi naman uli ni Princess Mienna "Chrome, yung family picture nila," sabi ko naman at binigay agad niya ito sa amin.

Tiningnan nila ang picture na ito "Kaito si Madame Riezza ito at si Sir Allan," sabi naman ni Prince Ethan "Alam ko po," sabi ko naman "Anak siya ni Madame Riezza?" tanong naman ni Princess Mienna "Oo, naalala ko pa nung nahimatay si Nayumi, nagpakita sa amin ang kaluluwa ni Madame Riezza at nag-iwan siya sa amin ng isang palaisipan," sabi naman ni Prince Kieran "Kailangan ko ng bumalik sa Ezzo, baka may mga naiwan pa siyang gamit dun na maaring magsabi at magtukoy ng tunay na pagkatao ni Nayumi," sabi naman uli ni Princess Mienna.

"Wag kayong mag-alala, nasa tamang condition pa ang tibok ng puso at ng pulso niya, kaya nakakasigurado ako magiging ligtas siya," sabi naman uli ni Princess Mienna "Babalik na muna kami sa Ezzo para alamin ang nangyayari dun ngayon, wag kayong mag-alala babalik din kaagad kami," sabi naman uli ni Princess Mienna "Chrome, samahana mo na sila sa salamin," sabi ko naman at nagnod naman si Chrome.

Umalis na si Mienna pati na rin ang kambal na sila Larson at Wilson kasama na rin si Ethan, "Magpahinga na muna kayo, naandun ang guest room," sabi ko naman at tinuro ko yung katabing room "Ikaw rin Kaito," sabi naman sa akin ni Kieran at dumiretso na sila sa kwarto.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now