Chapter 10

28 7 0
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos nilang kumain ay nagkaroon sila ng kaunting kasiyahan. Dun na si Superior Mine-A nagkaroon ng pagkakataon upang kausapin si Queen Esmeralda tungkol kay Nayumi. "Wag mong sabihing itutuloy mo yan Mine-A?" sabi naman sa kaniyan ni Lord Riley "At bakit hindi?" sabi naman ni Mine-A "Hayaan mo siya Lord Riley," sabat naman ni Sovereign Liqussia.

Pumunta si Superior Mine-A sa kinauupuan ni Queen Esmeralda "Your Majesty can I talk to you?" tanong ng Superior sa Reyna, tumayo ang Reyna sa kinauupuan niya at pumunta ito sa pribadong silid. "Tungkol saan yan Mine-A?" tanong naman ni Esmeralda "About your daughter Esmeralda," sabi naman ng Superior.

"At ano ang tungkol dito?" tanong naman ni Esmeralda "Hindi ako maaring magkamali Esmeralda, sapat na siguro ang mga ebidensiya na aking natunghayan, nakakaintindi at nakakapagsalita ng ating wika, nakilala niya si Kaito Randall at agad niyang tinanggap ang katauhan nito, binigyan siya ng Royal Dressmaker na si Lady Zamey ng damit na para lang sa maharlika ngunit hindi naman siya isang maharlika.

Ang mga bagay na ito lamang ay sapat ng pruweba upang paniwalaan ko na siya ang iyong anak Esmeralda," sabi naman ni Superior Mine-A "Ang kutob mo na naman na yan Mine-A ay baka mali na naman," sabi naman ng Reyna "Esmeralda aking kaibigan ang kutob ko ay hindi pa nagkakamali," sabi naman ng Superior.

"Hindi ba't minsan ng nagkamali yan? Ng sabihin mo sa amin na ang aking anak ay si Mayumi," sabi naman ng Reyna "Ako lamang ang nagsabi sa'yo Mine-A pero hindi ako nakaramdam nun kung hindi ang Chief Lycus," sabi naman ng Superior. "Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito Esmeralda, mukhang napakamisteryosa ni Nayumi," sabi uli ng Superior.

"Minsan na akong umasa na makikita ko at makakasamang muli ang aking anak, ngunit ako ay nabigo lamang," sabi naman ng Reyna "Magtiwala ka sa akin aking kaibigan," sabi naman uli ni Superior "Sana sa pagkakataong ito ay hindi ka na mabigo Mine-A," sabi naman ng Reyna.

Bumalik na sila sa silid kung saan naroon ang iba pa "Ano ang nangyari Mine-A?" tanong ni Sovereign "Pumayag ang Reyna, kakailanganin ko ang tulong mo Liqussia at ng iba pa," sabi naman ng Superior "Superior Mine-A, baka makatulong ako sa inyo," sabi naman ni Lady Delphi "Delphi magtigil ka nga niyan hindi mo na kakayanin pa," sabi naman ni Lady Celeste.

"Kakayanin ko Celeste wag kang mangialam," sabi naman ni Delphi "Hindi na talaga kakayanin ni Delphi, ipagpatawad niyo Superior Mine-A," sabi naman ni Lady Celeste "Hayaan mo siya Celeste, ipagawa mo sa kaniya ang nararapat," sabi naman ni Lady Fortuna.

"Papayag ka ba na ang kapatid mo ay mamatay pag ginawa niya ang bagay na iyon, pwes ako hindi ayaw ko na may mabawas pang muli sa atin," sabi naman ni Celeste "Ginawa tayo upang maglingkod kahit buhay pa ang kapalit," sabi naman ni Fortuna "Hayaan mo na Celeste, tama si Fortuna, magiging makasaysayan naman ang pagkawala ko, parang si Marga," sabi naman ni Delphi.

"Tutulong ako Delphi," sabat naman ni Victoria "Salamat sa inyo," sabi naman ni Superior Mine-A "Ikakarangal po namin," sabi naman ni Fortuna. "Liqussia samahan mo ako," sabi naman Mine-A "Saan tayo pupunta?" tanong naman ni Liqussia, "Sa silid ni Nayumi," sabi naman ni Mine-A.

Sa kabilang banda masaya si Nayumi dahil sa mga prinsipe na kasama niya, hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang paligid. "My Lady Nayumi, sino sa aming dalawa ang gwapo ni Jayden?" tanong naman ni Hayden sa kay Nayumi, natawa nalang si Nayumi, nahihirapan siyang mamili dahil sa napakagwapo nila pareho.

"Ang hirap mamili eh," sabi naman ni Nayumi, pero gusto na sana niyang sabihin na si Jayden dahil yun ang nagligtas sa kaniya kanina. "Bakit ganyan ka My Lady, napakahard mo sa amin," sabi naman uli ni Hayden "You're acting like a child Hayden," sabi naman sa kaniya ni Kieran at nagtawanan naman sila.

Biglang sumakit ang ulo ni Nayumi, nakaramdam siya ng matinding pagkahilo at hindi siya makahinga, hindi na niya alam ang gagawin niya pero pinipilit pa rin niyang tumayo nakita yun ni Lady Frigg at alam niyang matutumba na si Nayumi kaya naman sinambot niya ito "Lady Nayumi," sabi naman sa kaniya ni Frigg pero wala ng malay si Yumi.

Nagkagulo silang lahat dahil hindi nila alam ang gagawin nila sa isang mortal na babae "Angelina magcast ka ng spell na magpapakalma sa lahat, Noelle tulungan mo ako dito, Raphael I also need your help," sabi naman ni Frigg "Caste maneva Tarum, let them be calm," sabi naman ni Angelina at inikot niya ang wand niya, napakalma naman niya ang lahat.

"Ano na ang kaniyang kalagayan ngayon Frigg?" tanong naman sa kaniya ni Queen Esmeralda "Hindi pa po namin alam, pero wag po kayong mag-alala Mahal na Reyna kami na po ang bahala," sabi naman ni Noelle "Raphael magcast ka na ng spell," sabi naman ni Noelle.

"Bakit ganun kahit magcast ako ng Healing at Revival Spell hindi iyon tumatalab sa kaniya," sabi naman ni Raphael "Hindi ito maari," sabi naman ni Noelle "Mactum, let her be heal," sabi naman ni Frigg "Kahit ang pinakamalakas na healing spell ko hindi gumagana sa kaniya," sabi naman ni Frigg.

"Let me try," sabi naman ni Fortuna "Kappa makum chila, let her be revive and heal," sabi niya "Kahit konti naramdaman kong may response," sabi naman ni Fortuna "Baka naman kailangan niya lang magpahinga," sabi naman ni Isolde "Glacia may magagawa ka ba?" tanong naman ni Loralei "Hindi ko maaring gamitin sa kaniya ang Healing spell ko dahil baka hindi yun kayanin ng isang mortal na kagaya niya," sabi naman ni Glacia.

Pumunta naman sila Superior Mine-A at Sovereign Liqussia sa silid ni Nayumi. "Ano bang gagawin natin dito?" tanong naman ni Liqussia "Maghahanap tayo ng gamit niya," sabi naman ni Mine-A, pero wala silang mahanap, nakita nila ang aparador at binuksan nila ito.

Pero wala pa din silang nakita, "Umalis na tayo dito Mine-A, may padating," sabi naman ni Liqussia at umalis na sila. Paglabas nila nakita nila ang ilan sa mga Angel of Judgement at mga highness na papunta sa silid ni Nayumi "Anong nangyari?" tanong naman ni Liqussia "Bigla na lang pong nawalan ng malay si Nayumi, Ina," sabi naman ni Prince Jayden.

"Ang nakakapagtaka lang ay hindi siya tinatablan ng kahit na anong Healing at Revival Spell ng kahit sino Liqussia," sabi naman ni Lady Kylie. "Hindi ito maaring malaman ni Kaito Randall, dahil maabala lamang ang kaniyang pagrarank," sabi naman ni Prince Hayden.

"Magdagdag ng mga taga silbi dito," sabi naman ni Lady Kylie "Magpapaiwan na rin po ako dito," sabi naman ni Delphi. Lalo lang naghinala si Superior Mine-A kay Nayumi.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now