Chapter 13

21 7 0
                                    

Nayumi's POV

"Gusto mo Nayumi libot-libot tayo?" tanong sa akin ni Prince Kieran, hanggang ngayon kasi hindi pa rin namin nakikita sila Prince Jayden kahit nga anino nila eh. "Kung yun ang gusto mo po Prince Kieran," sabi ko naman at hinigit na niya ako. Marami na rin ang tao sa Plaza, siguro dahil gabi na rin at patapos na ang pangalawang paligsahan.

"Ang saya naman dito," sabi ko, marami kasing mga bata ang naglalaro ng mga spell o kahit na majika lang. "Masaya talaga dito at saka payapa, hindi daw tulad noon sabi ni Ina," sabi naman ni Prince Kieran. "Gusto mo maglaro din tayo eh," sabi naman niya napatawa naman ako sa sinabi ni Prince Kieran "Hindi ako nagbibiro," sabi naman niya.

Bigla niyang pinitik ang kamay niya at lumutang naman ako "Hala seryoso ka?" tanong ko sa kaniya "Of course," nakangisi naman niyang sagot sa akin "Sige," sabi ko naman at pilit akong lumakad sa ere, okay lang naman para lang naman akong lumalakad kaso nakalutang lang haha.

Ng malapit na ako sa kaniya sinimulan ko ng sumipa, pero nasasalag yun ng kaniyang mga kamay. "Yan lang ba ang kaya mo huh Lady Nayumi?" mapang-asar niyang sabi sa akin "Hindi pa," sabi ko naman sa kaniya "Papano naman kasi napakaunfair mo, kung ibaba mo kaya muna ako," sabi ko naman sa kaniya.

"Sige," sabi naman niya at nagsnap siya uli at napaupo naman ako sa sahig "Madaya ka," sigaw ko sa kaniya at tumayo na ako at saka pinagsisipa ko siya "Yan na ba yun?" tanong naman niya "Not yet," sabi ko naman. Marami na ang nanunuod sa amin, kaya alam ko siya naman ang magpapakitang sikat.

Pero nung siya na ang sisipa sa akin, tinakluban ko ang mukha ko sabay bigla na lang siyang tumalsik at hindi ko alam kung paano nangyari yun. "Prince Kieran," sigaw ko naman sa kaniya at lumapit ako sa kaniya. "Paano nangyari yun?" tanong naman niya sa akin "Hindi ko po alam," sabi ko sa kaniya "Ayos ka lang ba Prince Kieran?" tanong ko sa kaniya.

"Ayos lang ako," sabi naman niya "Pero paano mo nagawa yun?" tanong niya sa akin "Ang lakas ng puwersang iyon, kung hindi ikaw ang may gawa, sino?" tanong niya "Puro naman mga bata ang nasa paligid natin Prince Kieran eh," sabi ko naman sa kaniya.

"Nevermind," sabi naman niya pero sa mga mukha niya nagtataka pa din siya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa lupa at biglang tumawa "Ngayon lang nangyari sa akin yun haha, kakaiba yun," sabi niya "Tara na, baka hinahanap na nila tayo," sabi naman uli niya at nagnod naman ako.

Pero bigla na lang may lumapit sa amin na matandang babae at hinawakan niya ako "Makapangyarihan kang babae, nakakatakot isipin na ikaw ang dahilan ng muling pagbangon ng kasamaan sa Ezzo," sabi niya sa akin "Ipagpaumanhin niyo po Ale, sino ka po ba?" tanong naman ni Prince Kieran sa matanda. Wala akong nagawa kung hindi tingnan lang siya.

Pero mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa akin "Dapat kang mamatay," sabi uli ng matanda at nagpalabas siya ng kulay blue na apoy sa kaniyang kamay at "Anong ginagawa mo kay Nayumi, itigil mo yan, Lapastangan," sigaw naman ni Prince Kieran.

Hinawakan siya sa kamay ni Prince Kieran pero itinulak ito ng matandang babae. "Budete spôsobí chaos v Ezzo by mal byť daný k smrti, jeden môže mor Ezzo, tie mocné ženy, nie naplniť proroctvo uvedenú by ste mali zomrieť! Zabijem ťa!" sabi ng babae.

Ang ibig niyang sabihin ay 'Ikaw ang magiging dahilan ng kaguluhan sa Ezzo dapat kang patayin, isa kang salot sa Ezzo, ikaw na makapangyarihang babae, upang hindi na matupad ang nakasaad sa propesiya dapat ka ng mamatay! Papatayin kita!'

Ng bigla na lang sumulpot ang isang matandang lalaki, kahit na medyo may katandaan na siya gwapo pa din si Lolo. "Myslíte si, sledovať tú ženu, môžem vám stať, tie sú neúctivé, máte v úmysle zabiť v posvätnom ríši, matka Tamara záleží len potrestať vás." sabi naman ni Lolo.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now