Chapter 6

36 7 0
                                    

Nayumi's POV

"Nayumi sasama ka sa amin sa Ezzo medyo magtatagal tayo dun dahil marami kaming aasikasuhin ni Chrome," sabi ni Kaito "Nakagayak na ang mga damit na isusuot mo, damit yun ni mama, sigurado naman akong nakasukat yun sa'yo, at magpakabait ka dun, kung hindi ako ang malalagot kay King Rydax," sabi niya uli sa akin.

Nagnod lang ako, pagkatapos naming kumain pumunta na si Kaito sa official spot nila ni Chrome. "Chrome ano bang gagawin ninyo dun?" tanong ko kay Chrome "Ah tungkol ba dun, alam ko kasi bukas na ang Heirarchy Quest, kung saan yun ay Ranking Quest para sa mga Angel of Judgement, at dahil Supreme Chief si Master Kaito, siya ang magrarank dun, kaya sigurado akong matatagalan pa tayo bago makabalik," sabi naman ni Chrome.

"Kailan naman tayo aalis?" tanong ko sa kaniya "Mamaya daw gabi eh," sabi naman ni Chrome "Ano ba ang Ezzo?" tanong ko sa kaniya "Sigurado ka ba na gusto mong malaman?" tanong niya nagnod naman ako. "Makinig kang mabuti huh," sabi ni Chrome nagnod naman ako.

"Ang Ezzo ay ang dating Lira, pinamumugaran ng mga iba't-ibang uri ng mga immortal na tao, tulad na lang mga Elf, Fairy, Angels, Demons, Monsters, Wise Duelist, Mage, Archer, Knight, Alves, Sage and other Magical Creatures and Beings."

"Masaya noon sa Lira, isang mundo na walang katulad, isang mundong pantay-pantay ang lahat, isang mundo na walang namumuno, ngunit may isang angkan na naghangad ng pagbabago yun ay ang angkan ng mga Ashford, mga gumagamit ng mga Dark Magic."

"Sinakop nila ang buong Lira, at naghasik ng kasamaan, pinamunuan nila ito, ngunit makalipas ang ilang daan taon ng kaguluhan sa Lira, may isang lalaki ang nakaisip ng paraan upang matigil na ang kaguluhan sa Lira, at yun ay si Alexus, naghanap siya ng mga makakasama na talunin ang buong angkan ng Ashford."

"Pinuntahan niya ang silangan, natagpuan niya dun ang mga taong may kapangyarihang kontrolin ang hangin, kinausap niya ang pinuno dun na si Lord Rome, nakuha niya ang suporta ng pinuno."

"Sunod niyang nilakbay ang timog, nasaksihan niya ang mga taong may kakayahang kontrolin ang apoy, nakumbinsi niya si Duke Aquil, at sinuportahan siya sa kaniyang plano."

"Sunod ay ang kanluran, natagpuan niya ang mga taong nagsasanay upang kontrolin ang tubig, nakuha niya ang suporta ni Supreme Felix."

"At ang huli niyang pinuntahan ay ang hilaga, namangha siya sa mga taong may kakayahang pagalawin ang lupa, kinausap niya ng masinsinan si Chief Raquim, nakuha niya ang oo nito."

"Matapos niyang kausapin ang apat na pinuno ng apat na tribo, nagtipon sila Alexus, Lord Rome, Duke Aquil, Supreme Felix, at Chief Raquim, humingi sila ng tulong sa makasaysayang si Tamara, si Tamara ang diyos ng liwanag, ilang araw silang nagkulong sa isang sagradong silid at ginawa ang ritwal."

"Dahil sa ginawa nila naawa si Tamara sa kanila, kaya nagpakita siya, ibinigay ang limang brilliante sa kanila, ipinagkatiwala ni Tamara kay Lord Rome ang brilliante ng hangin, yun ay ang Diamond, ang brilliante naman ng apoy na Ruby ay ipinagkatiwala niya kay Duke Aquil, kay Supreme Felix naman niya ipinagkatiwala ang brilliante ng tubig o ang emerald, ang brilliante naman ng lupa ay ibinigay kay Chief Raquim, at ang huling brilliante naman na nagtataglay ng kapangyarihan ng apat na brilliante ay ipinagkatiwala kay Alexus."

"Natalo ang angkan ng Ashford, nagwagi ang pwersa ng limang pinuno, muling nagpakita sa kanila ang makasaysayang si Tamara, hinirang niyang hari si Alexus, ng bagong mundo kaniyang ipinatamasa sa mga mamamayan ng Lira, may limang kaharian ang itatayo, kaharian para sa mga taga-silangan at ito ay ang Easkerton Kingdom na pinamunuan ni Lord Rome Easkerton at ng mga magiging susunod niyang tagapagmana."

"Sunod ay ang kaharian para sa mga taga-timog ito ay tinawag na Camelot Kingdom, panimunuan ito ni Duke Aquil Camelot at ng mga sunod niya pang tagapagmana, ang kaharian naman para sa mga taga-kanluran ay tinawag na Morrigan Palace, pinangunahan ito ni Supreme Felix Morrigan at ng mga susunod niya pang mga tagapagmana."

Angel's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon