Chapter 9

36 7 0
                                    

Third Person's POV

Hindi pa rin mapakali si Superior Mine-A ganun na rin si Sovereign Liqussia, pareho na silang dalawa na nagtataka. Iniisip in Superior Mine-A na hindi pa ba sapat na nakakaintindi at nakakapagsalita si Nayumi ng kanilang wika, hindi pa ba sapat na nakilala niya si Lord Kaito, hindi pa ba sapat na binigyan siya ng Royal Dressmaker na si Lady Zamey ng damit na para lang sa maharlika ngunit hindi naman siya isang maharlika.

Yun lamang ang mga pruweba ni Superior Mine-A na sigurado ng paniniwalaan at pakikinggan ni Queen Esmeralda. Sa kabilang banda naman napanaginipan ni Nayumi ang kaniyang mama Riezza nagkita muli sila ng kaniyang mama. Marami siyang nais itanong ngunit hindi na niya nagawa yun dahil nagising na siya.

"Prince Kieran," sabi naman ni Nayumi "Lady Nayumi ayos ka lang ba?" tanong naman nito "Opo," sabi naman ni Nayumi "Ano nakahanap ka na ba ng kasagutan?" tanong naman ng binata "Nakita ko ang mga ala-ala namin ng mga magulang ko, ng kakausapin ko na po sana si mama at itatanong ko na bigla naman akong nagising," sabi naman ng dalaga.

"Ibig ba nitong sabihin hindi saklaw ng kapangyarihan ni Inang Tamara ang magbigay ng ganung panaginip sa mga mortal na tao," sabi naman ni Prince Kieran "Sayang nga po eh," sabi naman ni Yumi "Tayo na baka hinahanap na nila tayo," sabi naman ng Prinsipe at bumalik na sila sa palasyo. "Hindi ko pa rin nakakausap si Lord Kaito," sabi naman ni Nayumi.

"Hindi mo talaga siya makakausap hangga't hindi natatapos ang Ranking Quest, busy kasi siya masyado," sabi naman ni Kieran "Kahit gabi?" tanong naman ni Yumi "Oo, kasi bukas ilalabas na ang resulta ng unang round, kaya sigurado ako pahirap na naman yun kay Kaito," sabi naman ni Kieran "Umpisa pa lang naman kasi ayaw naman na talaga niyang magkaroon ng posisyon dito sa Ezzo, kaso nanalo siya noon kaya ayan nahihirapan siya," nakangising sabi naman ni Keiran.

"Ano mo ba si Kaito?" tanong naman ni Kieran sa dalaga "Nagtatrabaho ako sa kaniya," sabi naman naman ni Yumi "Ah talaga, buti natagalan mo siya," nakangising sabi ni Kieran "Hindi naman kasi ako pwedeng umalis eh," sabi naman ni Yumi "Bakit?" tanong naman ni Kieran "Dahil dito," sabi naman ni Yumi at pinakita niya ang singsing sa kamay niya.

"Napakasadista talaga nitong si Kaito kahit kailan, sumailalim ka pala sa Binding Ritual huh," sabi naman ni Kieran at hinawakan niya ang kamay ni Yumi at nanlaki ang mga mata niya "Teka lang Lady Nayumi iba ang singsing na ito, bakit nagkakalamat na siya, hindi ganito ang bind ring, hindi ito basta basta magkakalamat, pwera na lamang kung may binago siya sa Ritual," sabi naman uli ni Kieran.

"Ano ang sinabi ni Kaito upang makawala ka sa Lifetime Contract na isinagawa niya?" tanong ni Kieran napaisip naman si Nayumi "Hindi ko na tanda eh, nasa panganib kasi ako nung mga oras na yun tapos niligtas niya ako kabado pa ako nung mga oras na ginawa namin ang ritual kaya naman hindi ko na matandaan," sabi naman ni Nayumi.

"I see, sigurado ako na mahalaga ka talaga kay Kaito, dahil kung hindi, hindi ka niya isasalang sa binding ritual, ayaw ka lang niyang mawala sa kanya yun ang ibig sabihin nun," sabi naman uli ni Kieran "Ano ka ba naman Prince Kieran hindi mangyayari yun, hindi magkakagusto sa akin si Kaito, isa lang akong hamak na maid," sabi naman ni Nayumi.

"Well hindi yun ang nakikita ko," sabi naman uli ni Kieran sabay ngisi "Prince Kieran naman eh," sabi naman ni Nayumi at nagtawanan sila "Seem's the two of you are very much happy huh," sabi naman ni Mayumi kasama si Prince Ethan "Ano naman ngayon sa'yo?" sabi naman ni Prince Keiran "Che," sabi naman ni Mayumi at umalis na siya.

"Prince Ethan ikaw pala," sabi naman ni Kieran biglang nagbago ang mood ni Kieran ng makita niya si Ethan, "Bakit mukhang hindi ka masaya na makita ako Kieran? Hindi ka ba masaya na makita ang kuya mo huh?" tanong naman ni Ethan sa kapatid.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now