Chapter 7

50 7 0
                                    

Kaito's POV

"Olá Nessia," sabi ko kay Nessia na kalalabas pa lamang sa loob ng silid ni Nayumi "Lord Kaito," sabi niya at nagbow siya "Ano ang pinag-usapan niyo ni Nayumi?" tanong ko sa kaniya "Nangako po ako kay Lady Nayumi na wala akong ibang pagsasabihan ng napag-usapan namin, pasensya na po Lord Kaito," sabi naman niya sa akin.

"Gusto mo bang makarating ito sa Haring Rydax?" tanong ko sa kaniya "Magagalit po kasi talaga sa akin si Lady Nayumi eh," sabi niya uli sa akin "Hindi yun mangyayari," sabi ko sa kaniya "Tinanong ko po siya kung isa siyang Nobre o Régio pero sabi po niya hindi niya alam yun, nakakita po kasi ako sa gamit niya ng Royal Cloak, nakakita rin po ako ng wand ng isang royal blood at sabi niya po sa'yo daw po ang mga ito," sabi niya uli sa akin.

"Maari bang bukod sa akin ay wala ka ng iba pang pagsasabihan ng mga bagay na ito," sabi ko sa kaniya nagnod naman siya. Naalala ko lang ang mga Nobre ay may kakaibang birthmark sa kaliwang batok, at ang mga Régio naman ay sa kanan, katulad ng sa akin.

"Pwede ba akong makahingi sa iyo ng isang pabor Nessia," sabi ko sa kaniya "Ikararangal ko po," sagot naman niya "Pwede bang pag magbibihis na siya makitingnan kung may marka siya ng isang Régio o Nobre sa kaniyang kaliwa at kanang braso," sabi ko sa kaniya "Makakaasa po kayo Lord Kaito," sabi niya "Dashmani," sabi ko sa kaniya ibig sabihin nun ay maraming salamat.

*****

"Master Kaito gising na," sabi sa akin ni Chrome "Ano ba Chrome maaga pa," sabi ko sa kaniya "Master anong oras na kaya," sabi niya kaya bumangon na lang ako kahit labag sa kalooban ko, alam ko kasing hindi siya titigil sa pangungulit sa akin, hindi na rin ako sanay na si Chrome ang nagising sa akin, nasanay na ata ako na si Nayumi ang nagawa ng mga bagay na yun.

"Master Kaito hindi pala pwedeng isama sa taas si Nayumi dahil para lang daw po yun sa'yo, sa hari at sa reyna, at sa mga ibang veranda naman ay ang iba pang mga pinuno," sabi sa akin ni Chrome "Ineexpect ko na yan Chrome," sabi ko sa kaniya.

"Master hula mo sino kaya ang mangunguna ngayon?" tanong ko sa kaniya "Ang ineexpect ko pa din ay si Hemera, pero baka sa ipakita ng iba hindi niya uli magawa yun," sabi ko sa kaniya "Ako Master naniniwala pa din ako kay Angelina," sabi ko sa kaniya. Si Angelina at Chrome ay close na close sa isa't-isa, lahat naman ata ng elemental guardian close kay Angelina eh.

"Master narito na po ang pagkain mo," sabi niya uli sa akin, pagkatapos nun ay lumabas na ako "Say hello to your long wand, matagal mo din itong hindi nakita Lord Kaito" sabi naman ni Dinah sabay bigay ng wand ko "Namiss ko 'tong wand na 'to," sabi ko simula kasi ng maputol ang wand ko matagal ko itong hindi nagamit, hindi daw kasi madaling ayusin ang wand ng isang Supreme Chief ng Angel of Judgement.

Lumabas narin sa Nayumi sa kwarto niya, inayusan siya ni Nessia at ng iba pa, ang ganda niya pa din sa suot niya "Nessia ikaw na muna ang bahala kay Nayumi," sabi ni Dinah nagnod naman si Nessia pumunta na ako sa Hall kung saan gaganapin ang Ranking Quest. Umakyat agad ako sa veranda sa may upuan na nakadesignate para sa akin.

Sa gitnang veranda nakaupo si King Rydax at Queen Esmeralda. "Ngayong dumating na ang ating mga panauhing pandangal maari ko po bang hingiin ang attention ng ating minamahal na Madame Cassiopeia Talsworth upang handugan ng isang panalangin si Mahabaging Ina Tamara," sabi ni Marcus, siya na lang lagi ang MC ano ba yan nakakasawa na siya.

"Mahabaging Ina Tamara, ang pagsusumamo nami'y iyong dinggin, nawa'y iyong pagpalain at gabayan ang aming gagawin sa araw na ito, minamahal naming Ina Tamara nawa'y ang iyong presensiya ay aming maramdaman ngayong araw na ito, yun lang po," sabi ni Madame Cassiopeia at lahat ay nag-ikot ng kamay at nag-amen. At biglang nagliwanag sa itaas at bumaba ang anim na anghel na tagapaglingkod ni Ina Tamara.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now