Chapter 14

19 7 0
                                    

Nayumi's POV

Naandito lang kami sa kwarto ko dito sa palasyo, nakaupo lang ako, sabi kasi sa akin ni Kieran dapat daw mas lalo pa akong mag-iingat. Kaya kung dati na wala akong bantay ngayon meron na.

Daig ko pa ata si President nito ngayon eh, ako'y nagagalit kay Kaito kasi hindi man lang niya ako gawing bisitahin dito sa kwarto ko. Para lang tuloy akong preso ngayon. Tapos paglabas ko pa ang daming kawal na nakasunod sa akin ngayon.

"Lady Nayumi, pinabibigay po ni Lady Delphi," sabi naman sa akin ni Nessia "Ano ito?" tanong ko naman sa kaniya at binigay niya sa akin yung isang supot. "Sabi po ni Lady Delphi ginawa po niya ang bagay na yan para protektahan ka, hindi pa man daw po nila alam ang mga possible na mangyari sa inyo dito sa Ezzo at least naman daw po maprotektahan ka niya," sabi naman ni Nessia.

Nagnod naman ako "Kainin mo lang po ang isa niyan at mabibigyan ka na niyan ng proteksyon, ilang araw pa po kasi ang itatagal mo dito at sakto lang yan sa loob ng dalawang lingo," sabi niya uli "Salamat Nessia," sabi ko naman sa kaniya.

"Lady Nayumi, sabi ni Lord Zayden wag ka daw lalabas ng palasyo na walang kasama," sabi naman niya uli "Nessia may kakaiba bang nangyari sa akin nung panahon na natumba ako?" tanong ko naman sa kaniya "Lady Nayumi meron po," sabi naman niya.

Nanlaki ang mga mata ko "Ano yun?" tanong ko naman sa kaniya "Nagpakita po si Madame Riezza sa amin at hinimigan ka niya ng isang kanta," sabi naman ni Nessia "Siya rin ba ang nagpagaling sa akin?" tanong ko naman sa kaniya "Hindi ko naman po masasabi kung talaga bang siya ang may kagagawan nun," sabi naman uli niya.

"Magpahinga ka na Lady Nayumi, bukas na lang uli," sabi naman sa akin ni Nessia at umalis na siya. Humiga na rin ako upang magpahinga. Nakakamiss na rin si Kaito eh, miss na miss ko na sila ni Chrome. Sana naman makauwi na ako sa mundo ko.

Ysera's POV

Hindi ko masyadong maaninag ang pagmumukha niya pero alam kong kilala ang babaeng nasa harapan namin "I'm happy that all of you found me," sabi naman niya "Royal Themis?" sabi naman ni Frigg "Frigg my favorite apprentice, you're not mistaken, it's me," sabi naman ng babae.

"You're alive Royal Themis," sabi naman ni Frigg at lumuhod siya kaya napaluhod na rin kami "Stand up, no need to kneel," sabi naman ni Royal Themis "Hindi niyo ako dinis-appoint, sabi ko na nga ba dadating ang panahon na muli akong babalik sa dati kong anyo," sabi naman uli niya.

"Ano po bang nangyari?" tanong naman ni Angelina "Mahabang kwento," sabi naman ni Royal Themis "Bumalik na kaya tayo sa palasyo," sabi ko naman "Teka lang nasaan si Zveda?" tanong uli ni Royal Themis "Wala na po ang aking guro, sabi po ni Lady Fortuna namatay si Royal Zveda kasabay daw po ng pagkamatay mo Royal Themis," malungkot namang sabi ni Nyssa.

"Hindi maaring mamatay si Zveda, katulad ko hinding-hindi kami namamatay dahil nagmula kami kay Inang Tamara, mali ang ibinigay na impormasyon sa inyo ni Fortuna dahil siya ang dahilan ng lahat ng ito," sabi naman uli ni Royal Themis.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong naman ni Marina "Hindi pa patay ang aming guro? Buhay pa ang pinakamamahal naming Royal Zveda? Pero paano nangyari ang bagay na yun?" sabi naman uli ni Marina "Dahil si Fortuna at Frosta ang may kagagawan kung bakit nangyari ito sa akin, maaring ganun din kay Zveda," sabi naman uli ni Royal Themis. "Ang aming guro? Si Royal Frosta? Pero wala na rin siya," tanong naman ni Glacia "Oo, si Frosta nga, tulad nga ng sabi ko hindi kami basta basta namamatay" sabi uli ni Royal Themis.

"Matagal na kami ni Zveda na naghihinala kay Fortuna at Frosta kung bakit lagi na lamang silang nawawala, at napatunayan ko ang bagay na yun, pero pinagtangkaan nilang dalawa ang buhay ko," sabi naman uli ni Royal Themis "Ibig sabihin po ba may masamang binabalak si Lady Fortuna ngayon?" tanong naman ni Boadicea.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now