Chapter 4

39 9 0
                                    

Nayumi's POV

"Good morning," sabi ko "Good morning Yumi," bati sa akin ni Chrome habang nakangiti "Si Kaito gising na ba?" tanong ko sa kanya "Well unfortunately hindi pa, kasi binantayan ka niya kagabi eh, ikaw kasi sinaktan mo siya kaya nag-ilaw yang singsing mo ng Red, mabuti naman at ayos ka na," sabi naman ni Chrome.

"Kaya pala," sabi ko naman "Kailangan mong bumawi sa kanya," sabi niya sa akin nagnod naman ako. Nagluto naman ako ng breakfast niya at pinaghanda ko siya ng damit na susuotin niya balak ko sanang ipasyal si Kaito. "Gising na Kaito, breakfast is ready," sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at niyugyog ko siya.

Pero hinawakan niya ako at hinigit kaya naman napahiga ako sa kama niya "At sinong may sabing gisingin mo ako?" tanong niya sa akin habang nakahiga "Eh kas-" "Alam mo bang napuyat ako kababantay sa'yo pinag-alala mo ako, sa susunod kasi wag mo akong sasaktan o gagalitin," sabi niya sa akin bastos walang modo pinutol ang mga sasabihin ko tsk. "Sorry," sabi ko naman sa kanya.

Ang mga kamay niya napakalambot at ang kinis pa, ang mapupula niyang labi at ang nakapikit niyang mata. Bigla kong hinawakan ang mga mukha niya dahil alam kong hanggang ngayon natutulog pa siya. Hinawi ko ang buhok niya "Salamat, kahit napakasungit mo sa akin, nagpapasalamat pa rin ako sa'yo ng lubusan, madaming beses mo na akong niligtas, you are my angel in shining wings," bulong ko sa kanya.

Nilapit ko uli sa kanya ang mukha ko at hinalikan ko siya sa noo niya "Sa susunod na hahalikan mo uli ako wag na kung saan pa huh, okay na sa akin kung hahalikan mo ako sa labi ko," natatawa niyang sabi sa akin. At hinawakan niya ang aking mukha. Sigurado akong namumula na ako sa mga oras na ito.

"Master Kaito, whaaaaaaa," sigaw ni Chrome "Anong ibig sabihin nito?" tanong niya "Wala ito Chrome pwede lumabas ka na muna," sabi uli ni Kaito at lumabas na siya. "Sige Kaito, kain ka na muna, tapos maligo ka at isuot mo ito, oras naman para ako ang bumawi," sabi ko sa kanya at tumayo na ako at tumalikod na pero hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako napaharap naman ako sa kaniya.

Tumayo siya ang tangkad talaga niya, niyapos niya ako at niyapos ko rin siya ng napakahigpit, "Hangga't nasa poder kita, wag kang matatakot," bulong niya sa akin the he release me at lumabas na ako sa kwarto niya, baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya.

"Ano ang ibig sabihin nun huh?" tanong naman ni Chrome "Wala yun," sabi ko sa kanya "Okay fine, mga sinungaling," bulong ni Chrome napangisi na lang ako. Naligo na ako at nagbihis ng magandang dress. Dadalhin ko siya sa lugar na sigurado hindi pa niya napupuntahan.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya "Oo," sabi niya sa akin "Tara na," sabi ko sa kanya at bumaba na ako "Teka pwede magrequest?" tanong ko sa kanya "Ano yun?" tanong niya "Pwede ba mangutang ako?" tanong ko sa kanya then inikot niya ang kamay niya at nagkaroon ng isang tumpok na pera sa kamay niya "Oh," inabot niya sa akin yun "Bawas mo na lang sa sahod ko," sabi ko sa kanya "Sinisingil ba kita?" tanong naman niya sa akin.

"Salamat," sabi ko sa uli sa kanya. Ang gwapo niya sa napili kong suot niya. Nagbagay yung polo dun sa short at kulay powder blue na topsider niya. Sumakay na kami sa kotse niya "San ba tayo pupunta?" tanong niya sa akin "Sa lugar na sigurado akong hindi ka pa nakakarating," sabi ko sa kanya.

Pumunta muna kami sa SM Aura Premier. Pinasyal ko siya dun at binilhan ko siya ng bagong mga damit. Habang binabayaran ko ang mga pinamili ko pumunta siya sa Women's section. Pagbalik niya ang dami niyang dalang damit pambabae. Hindi kaya bakla ang isang ito. "For you," sabi niya sa akin.

Inabot niya sa akin yung mga pinamili niyang damit na pambabae "Para magmukha ka namang tao," sabi niya sa akin habang nakangisi "Well for you too, para walang makaalam na ikaw ay isang anghel," bulong ko sa kanya napakunot naman siya. "Well thank you for this, hindi ko alam kung compliment ba yun o panlalait," sabi ko uli sa kanya.

Angel's TaleWhere stories live. Discover now