[7] Roses and Confession

202 2 0
                                    



***


Sa sumunod na mga araw, di ko akalain na sa isang iglap, ang tahimik kong buhay ay magkakaroon ng ingay at...kulay...



Noong unang araw na pumasok ako dito sa Wellington University, ay akala ko, magiging fun at exciting lang dahil na din sa naging kaibigan ko pero di ko akalain na... magkakaroon nang kakaibang kulay ang sinasabi kong 'fun at exciting' na college life.



Ano nga ba yung sinasabi kong kakaibang kulay? Well... simula nung araw na yun na pumunta si Carlo sa bahay at muling nagtapat sa akin ng nararamdaman niya ay wala ng araw na hindi niya ako tinigilan. Bigla bigla na lang siya lalapit sa akin at magsasabi ulit ng 'gusto kita Jessie' at minsanan naman sa harap pa mismo ng mga kaklase namin, walang pakundangan na gagawa ng eksena. Lahat tuloy ay tinutukso kami. Naiinis ako sa pagiging makulit niya at straight forward na tao gayun pa man ay hindi ko maiwasan ang sarili ko na hindi matuwa sa mga ginagawa niya para sa akin kahit alam ko na...hindi tama.



"Class, I'll see you next week. Don't forget about the Reporting, okay?" anunsyo ng professor namin habang binubura ang nakasulat sa white board. Nang matapos siya ay agad naman siyang lumingon sa amin at saktong tumingin sa akin.



"Miss Vicente, please stay after class. We need to talk about something." Vicente? Ako yun. Jessie Vicente. Pero bakit? Anong pag-uusapan namin?



"O-Okay po Sir." Sagot ko na lang. Hala ka, may nagawa ba akong mali? Don't tell me... bagsak ako sa subject niya? Hala! Imposible yun, sa pagkakaalam ko nung prelim, 1.75 ako sa kaniya! Nako naman oh! Mukhang hindi ko napapansin na napapabayaan ko na ang pag-aaral ko! di pwede 'to! Papagalitan ako ni Papa.



Nang tumunog na yung bell ay nag-alisan na yung mga kaklase ko. Si Daniella na napansin yung bothered na mukha ko ay agad akong tinapik at hinagod sa likod at sinenyasan na magiging okay lang ang lahat. Sheeeems, pati din si Nikki, chinicheer-up ako. Sheeetee talaga, naging pabaya ako sa grades ko. :(



Nang kaming dalawa lang ni Sir ay hinintay ko muna na mailigpit niya ang gamit niya bago ako nagsalita. "S-Sir? B-Bakit niyo po ako gustong m-makausap?" hindi ko na din maitago yung kaba at takot ko sa maririnig ko mula sa kaniya. Waaaaah! Someone help me.



Tumingin siya sa akin na walang anumang reaksyon. "Can you occupy the seat infront of me Miss Vicente? Ang layo mo masyado, hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung diyan ka nakaupo." Agad naman ako napatayo at pumunta sa harapan at umupo dun sa tinuturo niyang silya na saktong katapat ng desk niya.



"Miss Vicente." Tawag niya ulit sa akin. Agad naman ako napatingin sa kaniya at napalunok. "Ano nga pala ang grade mo nung prelims natin?"

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now