[3] Waiting shed

304 5 0
                                    

***

"Waaaaah! My gosh! Ang lakas ng ulan!!!" hasik ko ng makalabas ako ng university. Kita ko ang madilim na kalangitan at ang walang hupay na pagbuhos ng malakas na ulan. Napasilong muna ako sa pinakamalapit na waiting shed para dun nalang isipin kung paano ako uuwi.

“Haaaay, please naman, tumila ka na…” bulong ko habang nakatingala sa itaas. Wala pa din tigil ang pag-ulan at mukhang walang plano itong tumigil. Paano ako uuwi nito? Alanganin naman hintayin ko talaga tumila ang ulan bago umuwi? Paniguradong mamumuti ang mata ko kapag nagkataon.

Pero susubukan ko, maghihintay pa ako baka sakaling tumila na ang ulan maya-maya.

After one hour…

“Shiiiizzzz! Bakit ayaw mong tumigil!!!!” parang baliw na sigaw ko. yung mga taong dumadaan ay napatingin sa akin. Kabilang na dun ang isang tao na ilang araw ko ng iniiwasan simula ng matarayan ko siya noon sa P.E Class namin—Si Carlo.

Nakita kong napatingin siya sa akin kaya agad naman akong umiwas ng tingin. Haaaay, sa dinami-rami ng pwedeng makitang kakilala sa malas na araw na ‘to ay siya pa talaga ang nakita ko. Lord, please, don’t be too rough on me! Tao lang din ako, nagkakamali din. (=___=)

Hindi pa ako handang makausap siya. Not now! Im not yet prepared—

“Jessie!” tawag niya sa akin. Tumakbo siya patawid mula sa kabilang kalye. Kinabahan ako, waaaah, lalapit siya dito sa akin, wala ng atrasan ‘to! Kahit ayoko siyang kausapin ngunit mukhang kinakailangan na ngayon!

“O-Oh, C-Carlo… Bakit?” nauutal na sambit ko. putapete naman oh, bakit pa kasi siya lumapit.

“Pauwi ka na?” nakangiting tanong niya sa akin. Parang walang naganap sa pagitan naming dalawa ah? Friendly pa din siya sa akin kahit tinarayan ko na siya noon. Waaaah, guilty much na talaga ako. (TT___TT)

“Sa tingin mo? Makakauwi ba ako sa ganitong panahon?” pagtataray ko na naman. Ano ba Jessie! Ang init palagi ng ulo mo sa kaniya! Dadagdagan mo na naman ba ang kasalanan mo sa kaniya?

Biglang nawala yung ngiti sa mukha niya at napakunot ang noo niya. “Ang sungit mo naman, may nagawa ba akong masama sayo?”

“Wala naman. Pero sadyang ganito lang talaga ako. Masanay ka na.” sagot ko naman. Sa kaniya lang naman mainit ang dugo ko eh. Ewan ko ba!

“Hindi bagay sayo maging maldita, Jessie. Ang ganda ganda mo, mukha kang anghel, hindi talaga bagay sayo…” sabi naman niya. Napatigil naman ako. Ako? Maganda? Weh?

At ayun nga, dahil sa sinabi niya, natameme tuloy ako at sa hindi malamang dahilan ay kahit malamig ang kapaligiran dahil umuulan ay pakiramdam ko summer ang buong katawan ko. potek, Ano ‘to?

“E-Ewan ko sayo, Carlo.” Inirapan ko na lang siya.

Bigla siyang natawa. May saltik ata ang isang ‘to, tumatawa na walang dahilan? (=___=)

“Hahahaha, ang cute mo talaga Jessie!” sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. FC? “Eto oh, para makauwi kana. Kanina pa tapos class natin kaya panigurado ang tagal mo nang naka-istambay dito. Ingat ka ha. Kita-kits na lang bukas.” Sabi niya sabay bigay sa akin ng payong niya.

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang tumakbo at sumuong sa malakas na ulan. “Uy! Teka! Carlo!!!” sigaw ko. Yung payong niya! Baliw ba siya? bakit siya magpapakabasa sa ulan? “Carlo!!! Huuuy!” tawag ko pa. Nang makarating siya sa kabilang kanto ay kumaway pa siya sa akin habang nakangiti at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

“Lokong Carlo…” bulong ko. baliw talaga yun, ibigay ba sa akin ang payong niya?

Pero natuwa ako sa angking kabaitan niya. Mukhang nagkamali lang ata ako ng pag-aakala.

_____________________________________________________

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now