[4] Bahala na

307 4 0
                                    

***

“Si Carlo?” tanong ko kay Yuki ng makapasok ako sa klase kinabukasan. Nakita kong busy siya sa pakikipagdaldalan sa ibang kaklase namin samantalang busy naman si Alden kay Nikki. Nung kelan lang kasi, naging sila na. mala-fairytale nga istorya nila. Nakakatuwa lang.

Bakit ko nga ba hinahanap si Carlo? Well, may dalawa akong dahilan.

Una, para mag pasalamat at ibalik na tong payong na pinahiram niya sa akin kahapon

At pangalawa, Para humingi na din ng paumanhin sa inasal ko noong mga nakaraan. I really feel bad and it is right to say sorry to him.

“Himala? Hinanap mo si Carlo?—wala siya, may sakit. Nilalagnat.” Sagot naman ni Yuki. Bestfriend kasi ni Carlo si Yuki at magkapit bahay lang sila.

Napataas ang kilay ko. “Ha? Nilalagnat? Bakit?”

Nagkibit-balikat lang siya at saka humilig paharap sa akin. “Ewan ko dun. Sabi ng mama niya, umuwi daw siya kahapon na basang-basa. Nag-paulan daw.”

Nanlaki naman ang mata ko. Nag paulan? Kasi walang payong? Dahil pinahiram niya sa akin yun? So sa madaling salita, nagkasakit siya dahil—sa akin?

‘Teka Jessie… huwag ka muna mag assume… baka nagkataon lang na nilagnat talaga siya’

‘Anong nagkataon? Grabe namang pagkakataon yan? Ang sabihin mo, nagkasakit siya dahil sayo. Dahil pinahiram niya yung payong niya sayo.’

‘Di naman uy! Aiiish! Bakit ka ganyan? Lalo mong pinapasama ang loob ko? Oo, alam ko naman na mali ako sa pagtrato ko sa kaniya pero handa naman ako humingi ng tawad!’

‘Ganun talaga, ganyan ang buhay. Parang life. Karma na yan ‘day. Wala naman ginagawang masama sayo yung tao pero sinusungitan mo palagi. Maldita ka kasi’

“Oh, anyare sayo, Jessie? Tulala ka na lang diyan? Bakit mo nga pala siya hinahanap?” tanong sa akin ni Yuki. Napailing na lang ako at umalis sa harapan niya na walang isang salitang binibitawan.

Yung pakiramdam ko na ang sama-sama kong tao sa nakaraang araw makalipas ng ginawa ko sa kaniya noon ay dumoble ngayon sa nalaman ko. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong sobrang pagka-konsensya.

Hindi naman talaga ako masama o mataray na tao. Ewan ko ba, unang kita ko pa lang kay Carlo noon ay parang ayoko na sa kaniya. Pero matapos ang nangyari kahapon? Parang isang bula na nawala ang pagka-inis ko sa kaniya.

At talaga namang kinarma ata ako sa ginawa ko sa kaniya nun. And I mean it—it was my fault after all.

Dumaan ang buong araw na wala akong ginawa kundi ilunod ang sarili ko sa mga repleksyon na pinag gagawa ko sa kaniya. Oh god, sorry na po… ay, sa kaniya pala ako dapat mag sorry pero di ko alam kung paano! Argh!

“Jessie…Jessie? Huy Jessie!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ah. Si Yuki. “Huh? Bakit?”

“Ano nang plano natin sa NatSci?” tanong niya sa akin. NatSci? Huh?

“Bakit, anong meron?”

Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. “Jessie naman! Di ka nakinig?” napakurap na lang ako ng bigla siyang nagtaas ng boses. “May project kaya tayo! Hay, sige, ako ng bahala dun. Abisuhan ko na lang din si Carlo mamaya pagkadaan ko bahay nila. Mag research ka na lang tapos isend mo sa e-mail ko. Kami na lang ni Carlo ang bahala sa pag-compile ng nakuha mong articles.”

Di ko alam kung anong sumapi sa akin ng bigla na lang ako magsalita. “Sasama ako sayo kina Carlo.”

Nakita kong nagulat si Yuki sa sinabi ko. “Ha? Sure ka?”

Napalunok na lang ako. Ewan ko, bigla na lang lumabas sa bibig ko yun. Kapag binawi ko naman baka mas ma-misunderstand niya ako kaya mas mabuti na lang na panindigan ko ang sinabi ko sa kaniya.

Bahala na!

___________________________________________________

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now