[8] Mind Versus Heart

204 3 0
                                    



***


'Hindi kita madadaliin na gustuhin ako. I wanted you to just take your time. Kahit matagal ako mag aantay, ayos lang dahil gusto ko sigurado ka sa nararamdaman mo para sa akin. Hindi kita oobligahin na ibalik ang nararamdaman ko para sayo—kaagad. Hiling ko lang sana ay payagan mo ako, hayaan mo ako na iparamdam sayo how much I really love you...'


Napasapo ako sa ulo ko at dumukdok sa lamesa at napasinghay.


"Ano ba tong napasok ko?" bulong ko sa sarili habang mahigpit na nakahawak sa cellphone ko. Kakabasa ko lang text mula sa isang taong naghihintay para sa aking isasagot. Teka, wala naman siyang tinanong ah? Bakit ako sasagot?


Bagamat naiinis ako sa sarili ko at sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko pa din maitatago yung kilig factor na binibigay ni Carlo. Tao lang din ako! Babae ako at marunong ako kiligin. Sweet at very charming si Carlo. Smooth talker at walang tulak-kabigin ang sinasabi niya. Yung mga hirit niya, kahit korni, I find it very attractive and funny as well.


Tatlong araw na ang nakalipas simula nung sinorpresa ako ni Carlo at lantaran na nagtapat sa akin. Nandito pa nga din sa kwarto ko yung mga rosas na binigay niya sa akin. Malapit na nga malanta eh. Nagtataka si Mama kung bakit may dala ako na sobrang dami na bulaklak nung araw na yun, sinabi ko na lang na binigay ng kaklase ko dahil ayaw niya kaya kinuha ko na lang kesa sa itapon. Sayang naman. Haaay, nagawa ko pa talaga mag lihim kay mama pero anong magagawa ko? kapag sinabi ko sa kaniya na may nanliligaw sa akin at hinahayaan ko lang, magagalit yun lalo na boto sila kay Ron.


Pero sa loob ng tatlong araw na yun ay ni-isa, wala pa din ako sinasabi sa kaniya. At sa tatlong araw na yun ay wala akong ginawa kundi mag-isip ng sobrang lalim, daig pa nga ang sink hole sa sobrang lalim na inabot ng aking pag-iisip.


Ang hirap ng ganitong sitwasyon. May mahal na ako pero bakit ganito? Mukhang magmamahal pa ulit ako sa pangalawang pagkakataon—much worst, sabay ko pa ata silang mamahalin. Hindi to maari.


"Arrrgggh!!! Nakakabaliw!" napasigaw na lang ako at tinapon na lang basta basta ang cellphone ko papunta sa kama. Tumalbog lang ito at lumanding pa din doon at hindi nalaglag. Napatayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papalapit sa dulo ng aking kama at pabagsak akong humiga.



Ano ba kasi ang ginawa ko? bakit parang pakiramdam ko pinaparusahan ako? Tahimik naman ang buhay ko noon. Masaya ako kay Ron. Kuntento ako sa nagiging takbo ng bawat araw ko. pero bakit simula nung makilala ko si Carlo, nag-iba ang lahat? At ang mas masaklap pa dun ay, may nararamdaman na ako para sa kaniya.


Alam kong mali. Ay hindi, mali naman talaga. May boyfriend ako. Commited ako. Nasa isang relasyon ako at hindi ito basta-bastang relasyon dahil dalawang taon na kami ni Ron. Pero heto ako ngayon, tumitibok na naman ang puso ko para sa ibang lalaki.



"H-Hindi 'to pwede..." naiinis na sambit ko habang nakatingin lang sa kulay pink na ceiling ng aking kwarto.



What should I do? Hindi ako pwedeng ma-fall talaga kay Carlo dahil mahal ko si Ron eh. At masasaktan ko yun. Hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan dahil sa akin. Hind yun pwede.

Just give me a reason (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon