[11] Choices

217 4 0
                                    



***



"Nasaan ka babes? Bakit wala ka sa inyo?"

"Sinabi nga pala sa akin ni Joanna na nag babakasyon kayo ngayon. Hindi mo man lang sa akin sinabi babes, nakakatampo... :( "

"Babes, naka-off ba phone mo? Hindi kita matawagan. I miss you so much already. Tawagan mo ako agad kapag pwede na? I love you babes... I miss hearing your voice."

"Nakausap ko si Mama, is everything okay?"

"Babes, Nag-aalala na ako."

"Jessie, you won't reply on my text, you won't pick up my calls. At dalawang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa akin. Ayos ka lang ba?"

"May problema ba tayo?"

"Are you avoiding me? May nagawa ba akong hindi mo gusto?"

"Babes, please... say something. Hindi na ako makatulog ng maayos. I love you so much. Ayusin natin 'to... please..."



Humugot na lang ang ako ng isang napakalalim na hininga habang iniisa-isa ang text ni Ron sa akin. Kakabukas ko lang ng telepono ko at agad pumasok ang sangdamakmak na mensahe niya sa akin. Kung hindi lang din ako pinagsabihan ni Ate Joanna, marahil ay sa susunod na linggo ko pa bubuksan ang telepono ko. Gusto ko ng oras at katahimikan para makapag isip-isip. Hinahanda ang sarili para sa pag gawa ng isang desisyon na alam kong makakapag-pabago ng lahat.



Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib habang isa-isang binabasa ang mensahe ni Ron at kung nakailang subok na siyang tumawag sa akin. Halos lagpas ito sa bilang ng mga daliri ko sa mga kamay at paa. Mukha din naman grabe ang pagkabulabog niya kay Ate Joanna kaya pumasok ang aking kapatid kani-kanina lamang para pagsabihan ako na i-on ko na ang telepono ko.



Ngayon ay nag-aalangan ang aking daliri kung pipindutin ko ba ang berdeng buton na nasa tabi lamang ng pangalan niya.



'Tatawagan ko ba siya?' paulit-ulit na tanong ko sa sarili. Halos dumaan na ang sampung minuto at nasa gitna pa din nang pagdedebate ang utak ko kung kakausapin ko na ba siya o hindi pa muna. Dahil sa totoo niyan, kinakabahan talaga ako—at natatakot sa ano mang pwedeng mangyari.


Habang nagtatalo pa ang utak ko sa aking gagawin ay bigla na lang tumunog ang telepono ko at lumabas ang pangalan ng pinsan kong si Daniella. Agad kong sinagot.


[ Insan!!! Nasaan ka ba?! ]


"Nandito kami kina Lola Maria."


[ Ha? Hindi ka man lang nagsasabi! Alam mo bang hinarass ako niyang lover boy mong si Carlo? Potek, di ako tinitigilan kakatanong kung nasaan ka! Hindi ka daw kasi nag-paparamdam! Napaparanoid na tuloy siya! Hinunting talaga ako ditto sa bahay! kausapin mo na nga ng manahimik!]


Huminga ako ng malalim. "Daniella, parang hindi pa ako handang makausap siya."

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now