[9] Sino

182 3 0
                                    



***


Hindi ko itatanggi. Masaya ako kapag kasama ko si Carlo. Napapangiti niya ako, binibigyan niya ng kakaibang kulay yung bawat araw ko. Hindi natatapos ang araw ng wala akong ngiti sa aking labi.


As I hold his hand, and interwined my fingers to his. I knew it was wrong but it feels so damn right.


And those days we spend together... my feelings for him went deeper and deeper.


Until I admit to myself that—


I already love him.


"Sabi ko sa sarili ko, ititigil ko na tong kahibangan na ginagawa ko eh. Pero look what's happening now? Hindi ko na maharap si Ron dahil..." napasinghap ako sabay punas ng luha na umaagos sa pisngi ko. "nag kasala ako. At hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin."


Hinagod ni Daniella ang likuran ko para patahanin ako kaso ayaw tumigil ng luha ko. Peste lang, bakit ba hindi ko dinistanya ang sarili ko noon pa? ngayon tuloy ay nahihirapan ang puso at konsensya ko sa pinag gagawa ko.


It was just sometime, unknowingly, napapalapit ako kay Carlo to the point na siya ang lagi kong kasama, ang lagi kong sandalan pag malungkot ako. Unconciously, sa mga araw na nagdaan, namamalayan ko na lang na parang kami na ni Carlo dahil sa madalas namin mag holding hands at pagdadate. Sa mga puso namin, alam namin, gusto namin ang isa't-isa. Pero kahit kailan ay hindi ako nagsalita sa tunay naming estado. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano talaga kami.


Basta ang alam ko ay masaya ako kapag kasama ko siya.



"Hindi mo pa ba sinasabi sa kaniya na may boyfriend ka?" tanong ni Daniella sa akin. Napalingon ako sa kaniya at umiling.


Hindi ko sinasabi dahil baka sa oras na malaman ni Carlo ay bigla siyang lumayo sa akin at mawala ng tuluyan. Ayoko mangyari yun. Natatakot ako.


"God, insan, dapat sinabi mo na sa kaniya nung una pa lang. para di naman umasa yung tao!" sambit pa niya sa akin.


Napahilamos na lang ang kamay ko sa mukha. "Argh, Daniella, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Carlo sa akin. Mahal ko siya."


"Pero paano si Ron? Yung boyfriend mo?"


"Mahal ko si Ron. Mahal na mahal ko siya." sagot ko. Hindi pa naman nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ay nandun pa din yung pagtitinginan namin. Kahit sa telepono lang kami nag-uusap ay ramdam ko pa din na mahal niya ako.


Umiling si Daniella. "Jessie, hindi pwedeng dalawa sila ang mahalin mo. Kailangan mong mamili. Kasi kung hindi mo gagawin yun, masasaktan mo sila parehas."


Napayuko ako at tila hiniwa ang puso ko sa sinabi ni Daniella. "No... Hindi ko kaya mamili, Daniella. Parehas ko silang mahal!"


Umiling na lang siya at niyakap ako. "Huwag kang matakot na mamili sa kanila dahil parte yan kapag umiibig. Kailangan may piliin ka. May masasaktan pero ganun talaga. That's a part of loving someone. May magiging masaya, may uuwing luhaan pero darating ang panahon na maibabaon niya din sa limot yung sakit na naramdaman niya."


Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao dahil nagmahal ako ng dalawang lalaki ng sabay. Salawahan ba ako?


Ano bang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito? Kung pwede lang turuan ang puso kung sino ang dapat at hindi mahalin ay sana nagawa ko na. Pero ito ako... nagmamahal...ng dalawang tao.


'Bakit ba kasi dalawa ang minahal ko?'


"Darating ang oras na kailangan mong mamili, Jessie. Dahil kung hindi mo magawa, parehas silang mawawala sayo..." tumayo si Daniella at dumeretso sa pintuan ng kwarto ko. Pinapunta ko siya dito kasi kailangan ko talaga ng makakausap. Hindi ko na kayang ikimkim sa sarili ko yung problema kong pinagdadaanan.



Bago siya tuluyang lumabas ay lumingon muna ito sa akin. "Hindi masama mag-mahal, hindi naman natuturuan ang puso para kaynino dapat tumibok eh. Sana lang ay piliin mo yung taong nararapat sayo, yung magpapasaya, yung proprotekta sayo, yung magiging karamay mo sa maraming bagay, yung taong laging nandiyan sayo no matter what happens. Yung lalaking totoong nilalaman ng puso mo. Yun ang piliin mo Jessie."


Sinara niya ang pintuan at naiwan na lang ako na nakatulala sa pintuan na nilabasan niya.


Haaaay... now I'm alone again and will let myself drowned on my own thoughts.


'Yung lalaking totoong nilalaman ng puso mo'


I heaved a sigh when I remember her words.


"Sino nga ba?"


A teardrop fell on my cheeks at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Masakit man sa damdamin pero kailangan kong mamili. Hindi ko pwedeng patagalin ang sitwasyon namin ng ganito dahil pare-parehas lang kami mahihirapan. Kung kinakailangan kong mag sakripisyo ay gagawin ko, labag man ito sa sinisigaw ng puso ko dahil ito ang tama.


Ito ang tamang gawin. Ang mamili kahit may masasaktan pa ako, kahit mahirapan pa ako.


***


Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now