[5] Girlfriend

291 5 0
                                    

***

Isang malaking asul na bahay ang tumambad sa harapan ko ng makababa ako ng sasakyan ni Yuki.

“Yan ang bahay nila Carlo.” Sabi niya sa akin. “Yun naman ang bahay namin.” Sunod pa niyang sabi sabay turo din sa mas malaking bahay na kasunod lamang nito. F4 nga talaga sila! Filipino version nga lang! oh my! Di ko akalain na makakakilala ako ng mga ’born with a silver spoon’ na mga tao. Akala ko, sa mga teleserye lang yung mga mayayaman talaga eh!

Umalis sa tabi ko si Yuki at diretsong pinindot ang doorbell. Nadinig ko naman ang tatlong beses na pagtunog nito saka lang may lumabas na isang ginang mula sa loob. Nakangiti itong sumalubong sa aming dalawa.

“Ay! Sir Yuki! Anong sadya mo rine?” tanong nung ginang na naka-uniporme. Mukhang kasambahay nila ‘to ah. Sosyal, may maid.

“Bibisitahin lang namin si Carlo, Manang. Kamusta na po ba siya?” tanong ni Yuki.

Pinagbuksan kami ni Manang at pinapasok sa loob. “Ayun, medyo okay na. pero may mga oras na tumataas pa din ang lagnat—“ napatigil siya ng mapansin niya ako. “Ay, may kasama ka pala Yuki. Girlfriend mo?”

Ngumiti si Yuki at inakbayan ako. Aba’t—“Hindi po Manang. Kay Carlo po.”

Napaamang na lang bibig ko sa sinabi ni Yuki. Loko ‘to ah! Anong girlfriend ni Carlo?!

“Talaga?! Nakooo! Matutuwa niyan si Sir Carlo pag nakita ang girlfriend niya ngayon!” tuwang-tuwa na sabi nung maid. Naparolyo na lang ang mata ko. Hindi na ako nagsalita. Aiiish! Bubugbugin ko tong si Yuki mamaya kapag wala ng nakaharap.

“Ibig sabihin niyan, ikaw si Jessie?” nagulat ako sa sunod pa niyang sinabi. Nagkatinginan kami ni Yuki pero siya parang kalmado lang ang hitsura samantalang ako ay naguguluhan na. wait, what in the world is happening in here?

“P-Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?” tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. “Ikaw nga! Ay ke-galing naman talaga pumili ng alaga ko! Ang ganda mong bata!”

“Salamat po, pero paano niyo po nalaman ang pangalan ko?” pag-uulit na tanong ko.

Ngumiti lang siya sa akin. “Nabanggit niya kasi ang pangalan mo habang pinupunasan ko siya kagabi. Sobrang taas nga ng lagnat niya nun pero paulit-ulit niyang sinasabi yung mga salitang: ‘Si Jessie’ ; ‘Nakauwi na kaya si Jessie?’ ; ‘Kailangan ko masiguro na nasabahay na si Jessie’ . Yan yung bukang bibig niya buong magdamag.”

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now