[13] Come what may

405 6 3
                                    



LAST EPISODE


Hindi ko man nasabi sa kaniya ang buong katotohanan,


Hindi ko man naamin ang aking pagkakasala


Ang mahalaga ay nabigyan ako ng kapatawaran sa aking mga nagawa.


"Wala ka dapat ipaliwanag sa akin. Kasalanan ko din naman kung bakit nangyari yan. Nagpabaya ako sa relasyon natin. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo. Dapat mas pinagtuunan kita ng pansin dahil nang minahal kita, kalakip neto ang responsibilidad upang pangalagaan ka... Sorry because I wasn't able to fulfill my duty as your boyfriend." Ang sabi niya sa akin pagkamulat pa lang ng kaniyang mga mata matapos ang isang mahaba at delikadong operasyon.


Nagkaroon si Ron ng isang aksidente habang siya ay nagtratrabaho. Mabuti na lamang ay naisugod siya sa ospital kaagad at nalapatan ng paunang lunas hanggang sa kinailangan na siyang operahan dahil naging malubha ang tinamo niyang fracture sa may binti.


Umaagos ang aking luha habang nakatingin sa kaniya. Hawak ko din ng mahigpit ang kamay niya. Nagkakabuhol-buhol na lahat ng mga salita sa aking isipan at di na malaman pa kung ano ang mga dapat kong sabihin. Alam kong kailangan kong aminin ang nagawa ko pero natatakot ako na hindi niya ako mapatawad. Siya ang pinili ko dahil ito ang tama.


"I'm sorry... I'm really really sorry..." iyak lang ako ng iyak sa kaniya. Gusto kong magpaliwanag pero naubos na ang lakas ko sa sobrang pag-alala sa kaniya.


Grabe ang takot na naramdaman ko ng malaman kong naaksidente siya habang nag tratrabaho. At dun ko napatunayan na siya talaga ang mahal ko. Dahil parang mamatay ako tuwing iniisip ko na may masamang nangyari sa kaniya.


Hinagod lang ni Ron ang buhok ko. At dahil may epekto pa ng anesthesia ang kaniyang katawan ay mabilis siyang nakatulog. Umalis ako ng ospital ng hindi nila alam. Who knows where I wanted to go but I choose to be alone and kept all these regrets and pain in my heart.


.

.

.


Hanggang ngayon, hindi ko pa din lubos maisip na...


Natapos din ang lahat sa amin ni Ron. Nang makapagtapos siya sa kolehiyo ay napagdesisyunan na namin maghiwalay ng landas. It was a mutual and peaceful decision. Hindi kami napagod or whatsoever. Wala din naman kaming pinag-awayan na matindi. It's just that, after a long relationship with someone, I realized that—I can no longer see my future with him. Neither does he.


Lahat ng masasayang mga araw na kasama ko siya, naglaho na lang na parang isang bula. Parang isang panaginip lang ang mga panahon na nakasama ko siya. At isang araw, pag-gising ko... na-realize ko na... wala nang laman 'tong puso ko, wala na itong nararamdaman para sa kaniya. Nag-usap kami ng masinsinan, Umiyak ako, gayun din siya. pero wala na talaga. Hindi na tulad nang dati ang nararamdaman ko para sa kaniya.


Tungkol naman kay Carlo, hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Dahil nung araw na umalis ako sa ospital, nag-isip ako at ilang araw pa ang lumipas ay napag desisyunan ko na makipagkita sa kaniya para kausapin at ipaalam sa kaniya ang naging desisyon ko. Maluwag naman niyang tinanggap iyon. Nakangiti pa nga siyang nagpaalam sa akin. Pero sumunod na semester, ni-anino niya ay hindi namin makita sa buong unibersidad. Ang sabi-sabi lang ay lumipat daw eto ng ibang eskwelahan. At maaring ako ang dahilan.

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now