[10] Distansya

173 2 0
                                    



***


Mas maganda siguro kung didistansya muna ako.


"Nak, are you ready?" nakadungaw na tanong ni mama sa may pintuan ng kwarto ko.


Lumingon ako at tumungo. "Opo, saglit lang po. Malapit na po akong matapos."


"Okay, Nak. Sunod ka na lang sa baba. Ready na si Papa at si Ate mo. Ikaw na lang ang hinihintay."


"Yes po. five minutes." Pagkasagot ko nun ay sinara na ni mama yung pintuan ng kwarto ko at nagpatuloy ako sa pag e-empake ng mga damit ko na dadalhin sa probinsya.


Sumakto naman yung panahon nang sembreak kaya aalis ako para mapag-isa. Kailangan ko mag-isip ng ako lang. I need to sort out these feelings of mine. I need to choose.


Mag papakalayo-layo muna ako. At sana sa pagbalik ko ay alam ko na kung ano ang sagot sa katungan nitong aking puso.


'Sino ba talaga sa kanila ang mahal ko?'


Lumipas ang tatlong oras na biyahe at nakarating na kami sa probinsya nila Mama. Pagbaba ko ay agad kaming sinalubong ng Lolo at lola namin na dalawang taon na din na hindi namin nakikita.


"Ay! Ang lalaki niyo na mga apo ko! ang gaganda niyo! Manang-mana talaga kayo sa lola niyo!" bati sa amin ni Lola Maria. Niyakap niya kami ni Ate at pinugpog ng halik.


"Siyempre naman 'La, magaganda talaga ang lahi natin." Ungos naman ni Ate kaya napahalakhak si Lola nang napakalakas.


"May tama ka!" pa-kikay na sagot naman ni Lola na muntikan ko ng maibuga yung iniinom kong buko juice na nabili namin sa daan. "Oh, anyare sayo Jessica?"


Napahawak na lang ako sa lalamunan ko dahil matindi ang pagkakasamid ko sa ginawa ni Lola Maria. Hahaha. Seriously, saan niya natutunan yung ganun?


"Kasi naman 'La, pa-bagets kayo magsalita—di bagay!" natatawang sambit ko. Gayahin ba naman ang boses ni Kris Aquino, sinong hindi matatawa? Hello, 75 years old na si Lola Maria pero kung magsalita eh kala mo kasing edad lang namin siya ni Ate.


Napakunot lang ano noo niya at tiningnan ako. "Joanna, pakisabi nga dito sa kapatid mo kung ano ang motto ng Lola Maria mo."


Napataas na lang ang kilay ko sa sasabihin ni Ate. "75 is the new 25" ano raw?


Lumakad si Lola sa harapan ko habang nakahalukipkip. "Pang labas na anyo ko lang naman itong nakikita niyong kulubot-kulubot kong balat. Pero para dito..." sabay turo sa dibdib niya. "alam ko bata pa ako. Parang sa pag-ibig. Hindi mo makikita yung tunay na anyo nito kung pagbabasehan mo lang kung ano ang nakikita mo. Dapat pinapakiramdaman mo, dinadama mo, inaalam mo kung ano ba talaga ang nilalaman ng iyong puso. Kung ano man ang isinisigaw nito, ayun ang gawin mo—kaya heto ako ngayon, very young at heart! Hahahaha" mas kumunot pa ang noo ko sa halakhak ni Lola Maria. Mukhang idolo niya talaga si Kris.

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now